-PRINCESS WENDYRELLA- Naputol ang pagmumuni-muni ko sa love story namin ni Caleb nang may maulinigan akong sumigaw. Pahamak! I'm not yet done with my flashback pero my epal na naman! Naku! Talaga nga naman. Hinanap ng mata ko ang pinanggalingan ng boses pero wala naman ako natanaw kaya binalik ko sa mata ko ang binocular. Hindi pa tapos ang practice ng mahal ko at may oras pa akong tumambay rito bago magklase. Masaya kong pinapanood si Caleb pero nabuwisit na naman ako nang marinig ko na naman ang boses na iyon "I love you, Leen. Please, allow me to see you." Ooooh! I heard something sow cheesy over there. Ang drama! Boses lalaki ang narinig kong nagdadrama. Hinintay kong may mag-response pero walang sumagot so I predict na they're talking over the phone using any messenger applicat

