-PETER PAN- "ANG GALING TALAGA NI CALEB!" "YESSS! PANALO NA ANG TEAM NATIN NIYAN!" "I LOVE YOU, CALEB!" Tsktsk...Akalain ko ba naman na marami palang fans si Chikito dito sa school na pagmamay-ari namin. Ang yabang! "Hello, Pogi." Napalingon ako sa humawak sa braso ko. Nagulat ako nang makita kong napapalibutan na pala ako ng ibang estudyante. "Ang guwapo mo naman pala talaga sa malapitan. Buti na lang dito ka lumipat sa school namin." "Nadagdagan na naman ng cute and hunk ang Wow. It's more fun talaga in Wow!" Nakaramdam ako ng pagkairita. Ano ba ang ginawa ni daddy sa school na ito? Bakit nagkalat ang mga bakla sa eskwelahan na 'to?! Hindi naman sa galit ako sa mga kabaro ni BB GandangHari, kaya lang hindi ako kumportable na napapalibutan ako ng mga ito. Kinikilabutan ako! "Excu

