Napailing na lang ako sa kaibigan ko. Hindi ko nga alam kung bakit nasasangkot iyan sa away. Wala pa naman akong nababalitaan na kaaway niya sa school pero rito sa lugar namin, marami-rami. Buti na lang talaga at hindi ito nabubugbog. Pasalamat na lang siya at may Kuya Silver siya na magtatanggol sa kaniya. Magkatabi na kami ngayon kumakain ng siopao at pinagpatuloy ko ang pagkuwento sa kaniya tungkol sa mortal enemy ko. Si Peter ang bida sa kuwento ko. Nagsimula ako kung paano at saan kami nagkakilala. “s**t, Neng! Paano na ang sikreto mo niyan?! Sa dinami-rami ng puwedeng makaalam, iyong mortal enemy mo pa? Paano na iyan, alam na ba ng mga classmate mo iyan?” sabay nguya ng pagkalaki-laki sa siopao. Napaisip naman ako sa tanong niya “Um, hindi ko alam. Pero parang wala pa naman dahil

