"Ah, kaya pala." Madali niyang nabuksan ang kuwarto kahit buhat niya ako. Ni hindi ko nga napansin na nagawa niyang i-swipe ang card niya sa pinto. Dahan-dahan niya akong nilapag sa ibabaw ng kama. Agad niyang hinawakan ang paa ko. "Masakit pa ba?" Ginalaw ko ng dahan-dahan ang dalawa kong paa. Bahagya ko rin tinapak sa sahig ang mga ito. May kaunting kirot pa akong nararamdaman pero alam ko na gagaling din ito mayamaya. "Hindi na masyado. Ipapahinga ko lang saglit ang paa ko." "Sigurado ka? Gusto mo mag-request tayo for first-aid kit?" "Huwag na. Mayamaya lang ay magiging okay din itong mga paa ko." "Baka mas lalong lumala iyan kapag pinabayaan natin?" "Hindi na nga. O, tingnan mo pa." Nagmayabang pa ako sa kaniya at tumayo sa harap niya. Pero agad din akong natumba. Mabuti na lang

