- PETER PAN - "Hey, cous!" Bati ko sa aking pinaka-magandang pinsan at pinaka-malapit sa akin, si Laiza. "Hey, bro! What's bring you here?" Simple lang ang suot ng pinsan ko kapag nasa bahay siya. Hindi mo mapagkakamalan mayaman kasi asal baliw ito kung minsan. Maganda ang pinsan ko pero nagtataka ako kung bakit hanggang ngayon ay wala pa rin itong pinapakilala sa aming magpipinsan na boyfriend niya. Naghihinala pa nga sila Tito at Tita na baka raw tomboy itong si Laiza. Hindi imposible kasi apat na lalaki ang kapatid niya at siya pa ang bunso. "Ganiyan ba ang tamang pagbati sa iyong pinsan na matagal mong hindi nakita?" himig pagtatampo ko. "Hindi bagay sa'yo. Tigilan mo nga ako. Last week lang ay nagkita tayo kaya 'wag mo ako dramahan. Ano kailangan mo?" Napatingin siya kay Pimps na

