- PRINCESS WENDYRELLA - Close naman ako kay Ma'am Nicole. Siya kasi ang madalas kong puntahan kapag nangangailangan ako ng kausap. Nagsimula ang pagiging close namin nang humingi ako sa kaniya ng saklolo noong aksidenteng nakita ko si Caleb na nakahandusay sa open field ng soccer area. Ayaw kasi magpadala ni Caleb sa hospital. Sakto naman na pauwi na si Ma'am Nicole noong araw na iyon at suwerteng nakita niya kami. Siya ang gumamot kay Caleb. Simula noon, madalas na kami magkuwentuhan. May kinuwento nga siya na childhood bestfriend niya ang uuwi from Canada. Dito na raw mag-aaral at Peter ang pangalan. Ang bestfriend niya ay anak raw ng may-ari ng Wow Academy. Anak ng may-ari ng Wow Academy?! Anak nang! Itong si Peter kaya ang tinutukoy ni Ma'am Nicole na childhood bestfriend niya at an

