-PRINCESS WENDYRELLA-
Hays, Caleb. Ito na talaga iyon! Malakas ang kutob ko na ikaw ang tadhana ko! Aja!
Naglakad na ako papunta sa Guidance Office kung saan nakapost ang mga sections. Marami na palang estudyante sa loob ng campus at tirik na ang sikat ng araw.
Patakbo akong pumunta roon at nakipagsiksikan sa mga estudyante. Imbis na ang pangalan ko ang hanapin ko ay ang kay Caleb ang una kong hinanap. Oh 'di ba, ako na ang inlove!
SECTION A! Section A na naman siya. Kung sabagay, asa pa ako na mapunta siya sa ibang section eh ang alam ko, halos matatalino ang nasa section na iyon. Ako naman, sa Section B na tumambay. Hindi na nakapag-move on.
Naalala ko na naman ang nangyari sa amin kanina. Bigla akong natigilan nang may ma-realize ako.
TEKA! TEKA! TEKA! Hingang malalim.
Relax lang, Wendy. Relax.
Okay this is it! Does he called my name?
OMG! OMG! OMG!
"Alam niya ang pangalan ko!" Nagtitili kong sigaw at panay ang talon ko sa sobrang kilig. Hindi ko pinansin ang mga matang nakatutok sa akin. Grabe na ito! What a revelation! Pero paano nga ba niya nalaman ang name ko?
Relax. Sige, mamaya ko na iisipin iyon. Hanapin ko muna ang name ko bago pa ako mahuli sa klase.
SEARCHING...
SEARCHING...
SEARCHING...
Princess Wendyrella Racal. Nasaan na ba iyon? Bakit parang ang hirap hagilapin ng pangalan ko na sobrang ganda? Nagtitimpi na ako sa inis dahil napasadahan ko na ng tingin ang Section A hanggang Section Z pero wala talaga ang pangalan ko. Ano ba?! Estudyante pa ba ako ng eskwelahan na ito?!
Unti-unti ng nagsialisan ang mga ibang estudyante. Dalawa na lang kaming nakatayo sa harap ng board. Tumingin ako sa bandang kanan ko at sinipat ang matangkad na lalaki. Ano ba? Pareho rin ba kami ng pinagdadaanan at hindi niya rin makita ang pangalan niya?
May dumating na isang staff from Guidance Office. Lumapit siya sa bulletin board at may tinanggal na papel. Napansin ko na Section A ang tinanggal niya at pinalitan niya ng bago. Bakit kaya?
Sabay pa kaming lumapit ng katabi kong lalaki kaya naman medyo nagbungguan ang mga balikat namin. Tumingin ako sa kaniya. At ang bastos lang niya para pagtawanan ako.
"Anong tinatawa-tawa mo riyan?"
Hindi siya sumagot. Biglang sumeryoso ang mukha niya at tumingin ulit sa bulletin board. Ang epal. Buwisit! Wala akong pakialam kong gwapo siya. Hindi niya ako masisindak sa hitsura niya.
Binalikan ko ng tingin ang bagong post ng Section A. Ganoon na lang ang gulat ko nang makita ko ang pangalan ko sa hanay ng mga pangalan na nandoon.
"Eyyyyy!!!"
*****
Nasa loob na ako ng classroom pero hindi pa rin ako mapakali sa puwesto ko. Hindi pa rin kasi ako makapaniwala na nasa section A ako. Sa dati ko kasing school, lagi akong section 3. Nang malipat ako rito sa Wow Academy noong nakaraang taon, naging section B naman ako. At ngayon nga ay nasa first section na ako.
Ano nga ba ang nangyari at napunta ako sa section na 'to?
Kahit na puno ng tanong ang utak ko ay palihim ko naman pinagmasdan ang mga bago kong kaklase. Tiningnan ko ang bawat estudyante na nasa loob. Dahil unang araw ngayon ng pasukan ay bihira pa ang teacher na pumapasok sa loob ng classroom kaya naman ang lahat ay abala sa pakikipagkuwentuhan. Hindi ko alam na ganito pala dito sa section na 'to. Wala naman kaibahan sa Section B na magulo at maingay din. Ang iba sa kanila ay tahimik na nagbabasa ng libro. Ang iba busy sa pakikipagdaldalan, may nagsa-soundtrip, may natutulog, may kumakain, may nagse-selfie o groupie.
Pero mukhang okay rito kumpara sa Section B. Sa kabila kasi, panay bully ang natatanggap ko roon eh. Puro pag-aalipusta sa pagkatao ko. Buti dito, parang invisible lang ako kaya wala akong magiging problema. Sana naman dahil pagod na ako sa bully issue na iyan.
Oo nga pala, bakit wala yata si Caleb dito? Kahit man lang anino niya ay hindi ko makita. Hindi kaya mali ako ng napasukan na section?
Tatayo na sana ako para lumabas nang biglang may pumasok.
"Okay, everyone, go back to your seat." Naman. Kung saan lalabas ako saka naman may susulpot. Kainis. Wala akong nagawa kaya bumalik ako sa inupuan ko kanina.
"Welcome back to Wow Academy. Kumusta ang bakasyon niyo?" Mukhang mabait naman ang babaeng teacher na nasa harapan namin. Naku, sana nga lahat ng teacher ay mabait, ‘di sana walang nagiging problema ang mga estudyante. Kung bakit kasi nauso pa ang mga terror teacher.
Masayang sinagot ng mga kaklase ko ang tanong ng guro namin. Halos sabay-sabay silang nagsasalita kaya wala akong naintindihan sa mga pinagsasabi nila. Hindi naman nainis ang teacher namin, bagkus ay masaya pa niyang pinagmasdan ang mga ito.
Nasa kalagitnaan na sila ng diskusyon ng may bagong dating na sumulpot sa pintuan.
"I'm sorry, I'm late."
Kung kanina ay ang ingay nila para mag-share ng mga kung anu-anong experience nila sa summer vacation na nagdaan, ay napalitan naman iyon ng sobrang pananahimik ng klase namin.
Paano ba naman kasi, may dumaan na anghel.
Hays. Wala na palang rason para lumabas ako ng kuwartong ito dahil nandito na sa wakas ang kanina pa hinahanap ng mata ko.
Sinundan ko siya hanggang sa makaupo siya sa bandang likod ng klase.
"Hey, girls, itikom niyo nga 'yang mga bibig niyo at natulo na laway niyo."
Parang napahiya naman ako sa narinig kong biro ni Ma'am. Napahawak tuloy ako sa bibig ko at baka may tumulo nga. Nagkatawanan na lang ang buong klase sa joke ni Ma'am.
"It seems that everyone here knows each other very well. Magkaklase na siguro for more than a year kaya hindi na siguro kailangan pa magpakilala sa isa't -isa, tama ba?"
Walang sumagot sa mga kaklase ko pero napansin ko silang lumingon sa likuran. Pati ako napalingon. Nakita kong nakataas ang kamay ni Caleb. Ang talino naman talaga nito. Hindi pa nga nagsisimula ang lecture ay may advance answer na siya agad?
"May bago po kaming classmate, Teacher, and they need to introduce their self in front of us." Biglang tumingin sa akin si Caleb. OMG! Binawi ko agad ang tingin ko at tinakip ang buhok sa buong mukha ko. Does he really looking at me? He knows that I'm here? That I'm new in this section. Kaloka naman! Bakit kailangan ko pa magpakilala sa harapan?! Ito ang pinaka-hate ko sa first day eh ─ introduction!
**********
"Really? So where's your new classmates? Please come here to introduce yourself."
"Hey, Miss, punta ka raw sa harapan." Tinapik ako ng katabi ko. Akala ko naman invisible na ako sa paningin nila.
Wala akong nagawa. Nahihiya man ako ay tumayo na lang ako at pumunta sa harapan. Bigla kong nakita ang lalaking kanina na kasabay kong tumingin sa bulletin board. Iyong lalaking matangkad na bigla na lang ako pinagtawanan sa hindi malamang dahilan. Kaklase ko pala ang buwisit na iyon. Naman! Baka panibagong pagsubok na naman itong bago kong haharapin.
Napansin kong nagbulungan ang mga kaklase ko nang dumaan siya at pumunta sa harapan gaya ko. Ang ibang lalaki, medyo matalim ang tingin sa kaniya samantalang ang mga babae ay kinikilig na pinagmasdan siya. Ginaya ko lang ang tingin ng mga kaklase kong lalaki sa kaniya at nahuli ko siyang nakatingin sa akin. Bigla ba naman siyang tumawa pero tinakpan din niya ng kamay ang bibig niya.
Errrr. What's so funny ba?! Nanggigil na talaga ako sa inis. Kapag hindi pa 'to tumigil ay susugurin ko talaga siya at sasabunutan hanggang sa makalbo siya!
Nasa harapan na kami pareho. Hindi kami magkatabi dahil nasa kabilang side siya. Tama na rin na magkahiwalay kami dahil baka hindi ako makapagtimpi ay masaktan ko siya.
"Kindly introduce yourself." Pambabasag ni Ma'am sa katahimikan namin sa loob ng classroom.
Lumipas ang isang minuto ay walang umimik sa aming dalawa. Sinilip ko iyong lalaking buwisit at nakita kong prenteng nakatayo lang siya sa harapan habang nasa magkabilang bulsa ang mga kamay niya.
"Ehem. Ano ang plano niyong dalawa? Nagpapakiramdaman pa kayo kung sino mauuna sa inyo? Puwes, kung ayaw niyong magpakilala ay tumayo lang kayo riyan hanggang sa matapos ang isang oras."
Ano?! Isang oras kaming tatayo rito sa harapan?! Naman! Ano ba kasi ang plano ng buwisit na 'to at ayaw magsalita? Gusto niya pa talaga ako ang mauna ah. Nanggigigil na napahawak ako sa palda ko. Lintek kang buwiset ka!
"I....I'm Princess...Wendyrella Racal. 17 years old and I live far away from here. Nice to meet you all." Wala akong choice kaya ako na lang ang naunang nagpakilala. Binilisan ko talaga ang introduction dahil ayokong tumayo sa harapan nila nang matagal. Hindi pa ako nakakabalik sa upuan ko nang magsalita sila.
"Nakakabitin naman!"
"Oo nga. We want more!"
"Hindi ba ikaw iyong pangit sa kabilang section?"
"Bakit napunta ka rito? Hindi kaya naliligaw ka lang?"
Nag-init ang buong mukha ko sa mga sinabi nila. Kung anu-ano kasing mga issues ang mga sinabi nila tungkol sa akin. Biglang nag-iba ang pakiramdam ko sa klase na ito.
"Hey stop that class. Don't be too harsh," pagtatanggol sa akin ni Ma'am. Mabuti pa siya, inaalala niya ang feelings ko. "We're not yet done. It's too short, Ms. Racal." Bibigyan ko na sana ng medal si Ma'am dahil sa ginawa niya pero nagkamali ako. May follow up statement pa pala siya sa sasabihin niya. Badtrip!
Bumalik ako sa harapan. Tinibayan ko ang loob ko at matapang na humarap sa kanila.
"Tell us more about yourself."
Huminga ako nang malalim. Ano ba ang gusto malaman ng mga ito about sa akin? Hindi naman nila kailangan pa malaman ang lahat eh. Sino ba ako para pag-interesan pa nila?
"Like what, Ma'am?" tanong ko.
"I have a question." Si Caleb. Nakataas na naman ang kamay.
"A...Ano ang ta-tanong mo?" Kinakabahan kong tanong sa kaniya.
Pinatong niya ang siko sa ibabaw ng mesa niya at hinawakan ang magkabilang pisngi niya na para bang nagda-daydream.
"Bakit ang cute mo?"