- PRINCESS WENDYRELLA -
"I have a question." Si Caleb. Nakataas na naman ang kamay.
"A...Ano ang ta-tanong mo?" Kinakabahan kong tanong sa kaniya.
Pinatong niya ang siko sa ibabaw ng mesa niya at hinawakan ang magkabilang pisngi niya na para bang nagda-daydream.
"Bakit ang cute mo?"
Hanuraw? Tama ba ang pagkakarinig ko? Alam ba ni Caleb ang pinagsasabi niya? Hindi ba niya alam na sa mga sinasabi niya ay lalo lang akong mapapahamak?
"Cute raw siya?"
"Hindi kaya. Ang chaka nga niya eh."
"Malala na yata ang sira ng mata ni Caleb. Nagiging maganda na pala sa paningin niya ang mga pangit."
"Oo nga. Sa tingin ko dapat nang magpaayos ng mata si Caleb. Hindi na puwede sa kaniya ang eyeglasses niya. Kailangan na siguro ipa-laser ang mata niya."
Ito na naman ang kinatatakutan ko. Hindi na naman ako lulubayan ng mga chismisan at pang-aalipusta sa kapangitan ko. Bakit ba nila pinoproblema ang hitsura ng ibang tao?
"Bulag ka na nga siguro, Caleb." I tried to smile and cover up the pain I started to feel. Hindi ko ipapahalata sa kanila na sobrang nasasaktan ako sa naririnig ko mula sa kanila.
"Yes, my eyes are blurred without eyeglasses but believe me, you're cute. They might not see it, but I do. I really do. Maganda ka talaga, Princess Wendyrella."
Napanganga ako sa sobrang gulat. Parang gusto kong maiyak sa narinig. No one calls me in my complete name with sincerity. So nice. He's so nice! This is the first time I was called by my name with full of emotions. My hearts going crazy! It's like I'm being reborn with all these new feelings. I'm really glad that I met Caleb.
*****
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa nakikita ko. Kita ko nang malapitan si Caleb! My prince charming, the man of my dreams, day and night. Ang lalaking nakatira sa puso at isipan ko,. Maski sa kuwarto ko ay naroon siya dahil sa mga larawan na nakadikit sa dingding ng maliit na huh. Ako na sobrang todo introduce sa sarili, siya naman walang ka-effort-effort sa ginawang introduction. Para lang hindi tumayo nang matagal sa unahan ay binanggit niya lang ang pangalan niya at dumeretso na agad sa puwesto niya at pasalampak na umupo. Walang manners!
Saka ang corny ng pangalan niya. Until now I'm still wondering if he's serious when he told in front of us his name. Posible nga kaya na nabubuhay sa mala-buwiset niyang katawan si Peter Pan?
Napahagikgik ako sa naisip ko.
"I'm Peter Pan." Ginaya ko lang ang sinabi niya kanina sa harapan ng klase. Baka nga lumilipad siya kaya Peter Pan ang binanggit niyang pangalan? Naku, kung totoong nakakalipad siya, kakaibiganin ko siya tapos magpapalibre ako ng lipad para wala na akong gagastusing pamasahe sa pagpasok at pag-uwi galing school. Ang laking tipid ko nun. Makakaipon ako ng malaki.
Tumingin ulit ako kay buwiset na busy sa pag-touchy-touchy ng cellphone niya. Natawa na naman ako pagkaalala ng pangalan niya. Mas weird at baduy pa pala ng pangalan niya kaysa sa akin.
Pero bigla akong natigilan nang masalubong ko ang mata niya. Mata ni buwiset na nakakatakot. Ang sama lang talaga ng tingin niya. Nababasa kaya niya ang nasa isip ko kaya galit ang tingin niya sa akin?
Napailing na lang siya at binalik ang tingin sa cellphone niya. Pambihira! Bakit ba siya ang pinag-aaksayahan ko ng panahon? Dapat lahat ng atensyon ko ay nasa isang tao lamang. At iyon ay walang iba kundi si Mr. Caleb Hanes Uy.
Binalik ko sa aking my love ang tingin and I got frozen when our eye's met. Ito na naman iyong naramdaman ko simula pa kaninang umaga. Iyong aksidente ko siyang nakabunggo. Nahuli kong ngumiti sa akin si Caleb. Hindi ko alam kung anung ire-react ko. Dahil sa kabiglaan ay umayos ako ng upo at binalik sa harapan ang tingin ko.
Napahawak ako sa pisngi ko. s**t! Oily face na ako. Dyahe!
*****
"Kumusta ang school, anak?" Bati sa akin ni naynay pagkatapos ko magmano.
"Hayun, nakatayo pa rin doon. Aray!"
Kainis naman 'to si naynay. Ano bang ginawa ko at piningot ang tainga ko? Sakit nun ah.
"Hindi ka rin pilosopo 'no? Alam kong nakatayo ang mga building doon sa school mo."
"Naman. Alam niyo pala eh. Bakit kinukumusta niyo pa sa akin ang school?"
"Aba't! Naku! May kalalagyan ka talaga sa akin, Wende!"
"Naynay! Please stop calling me Wende! Ang baho eh!"
"Maarte ka na ngayon ah. Nakapasok ka lang diyan sa Wow Academy, ganyan ka na. Ano bang mayroon sa eskwelahan na iyon at nagkaganyan ka na?" simangot na tanong niya.
Napangiti ako sa hitsura ng naynay ko. Kahit mahirap lang kami, ang ganda-ganda pa rin niya. Iyon nga ang nakakainis eh, maganda ang naynay ko, morena siya at Pilipinang-Pilipina ang ganda. Kaya lang bakit hindi ko namana ang ganoong klaseng ganda? Biglang pumasok sa isip ko ang aking ama na hindi ko nakita simula nang pinanganak ako.
And speaking of kagandahan ng naynay ko, naalala ko ang nangyari kaninang umaga sa music room. Tinawag ako ng maligno na iyon na Pimps! Hindi ako tanga para hindi malaman ang ibig sabihin nun. Hinawakan ko ang pisngi ko na magaspang at bako-bako dahil sa mga pinkish kong tagyawat. Lagot talaga sa akin kung sino man iyon na nang-trip sa akin. Makikita ko rin siya!
"Kung ganiyan lang naman ang matututunan mo sa eskwelahan na iyon, mabuti pang mag-quit ka na sa school na iyon. Bumalik ka na lang sa Fantastic High. Kaya pa kitang pag-aralin doon. Kaysa naman maging ganiyan ang ugali mo. Hindi kita pinalaking maarte at piloso ─"
"Naynay, over na yan huh. Joke-joke lang iyon 'no. Huwag ka ng mapikon." Lumapit ako sa kaniya at niyakap ko siya mula sa likuran niya. Pinatong ko ang baba ko sa balikat niya. "Naynay, naligo ka na ba?"
"Hindi pa. Bakit?"
"Kaya pala. Magshower ka muna, Naynay, para makakain na tayo. Ang panghe mo na eh," pang-aasar ko.
Inamoy-amoy niya ang sarili niya. "Oo nga 'no. Yuck."
"Yuck talaga. Sige na, Naynay, ligo ka muna. Wait kita matapos then kain na tayo."
"Huwag mo na ako hintayin. Kumain ka na kung nagugutom ka." Pumasok si Naynay sa kuwarto niya at may dala ng tuwalya nang lumabas siya.
"Hindi puwede. Dapat kasabay ko ang aking Naynay at baka magtampororot na naman. Go! Take a shower. Magkuskos huh!" Sigaw ko dahil nakapasok na siya sa banyo.
Ganoon lang naman ang senaryo namin ni naynay. Ang maglokohan at magbolahan.
Hinanda ko na ang hapag-kainan para paglabas niya ay kakain na lang kami. Sinilip ko ang nakatakip sa ibabaw ng mesa. Itlog na may halong kamatis at sibuyas ang ulam. Paborito ko 'to. Lalo na kapag may sabaw na kape kaya naman nagpakulo ako ng tubig para makapagtimpla. Kaya lang pagtingin ko sa tupperware ay wala na palang stock ng kape. Nanlumo naman ako sa nakita.
Naghanap na lang ako ng ketchup para may maipartner sa itlog kaya lang ay wala na rin pala. Chineck ko lahat ng tupperware namin at cabinet. Halos paubos na pala ang pinamili namin ni Naynay noong nakaraang buwan.
Napabuntung-hininga ako. Ano ba ang puwede ko maitulong sa naynay ko para naman mabawasan ang isipin niya sa pang-araw-araw na gastusin?
Suwerte ng maituturing na nakakapag-aral ako at sa isang pribadong eskwelahan. As in private. Mabilis nga ang pangyayari noon. Sa Fantastic High talaga ako nag-aaral. Noong nakaraang taon lang ako nalipat sa Wow Academy dahil sa pinadalang application form sa bahay. Noong una takang-taka pa kami ni naynay. Bakit ako padadalhan ng application form for scholar ng Wow Academy eh hindi naman ako nag-apply doon. Pero blessing in disguise rin talaga dahil libre ako sa lahat. As in wala talaga ako binabayaran kahit .25 centavos. Kaya naman nang sinabi ng Wow Academy staff na ganoon nga ang sistema ay agad akong nag-fill-up.
Hindi naman ako nanghinayang at nalungkot nang lumipat ako ng school dahil wala rin naman ako masyado kaibigan sa Fantastic High. Tanging si Suegar lang na bestfriend ko ang aking kaibigan sa eskwelahan na iyon.
Tapos ito pa ang weird noong nag-aaral na ako sa WOW. Nalaman ko sa isang estudyante roon na wala palang scholar sa WOW. As in lahat ng mga estudyante roon ay nagbabayad ng tuition fee, misc fee, parents and teachers fee, at kung anu-ano pang fee! As in gastos kung gastos, magbayad ng buwis. Meaning hindi talaga sila tumatanggap ng scholar. Napaisip ako ng malalim nang nalaman ko iyon. Mabuti na lang ay wala akong pinagkukwentuhan tungkol sa status ko sa eskwelahan na iyon. Sa parte naman ng WOW staff, hindi ko alam kung alam nila na scholar ako at tinago lang nila ang totoo sa ibang estudyante. Hindi rin kasi ako nag-usisa sa WOW staff tungkol doon dahil baka maungkat pa sa iba kaya nanahimik na lang ako.
Kaya nga hanggang ngayon wala akong kaibigan sa WOW. Mabuti na rin iyon para walang makaalam ng sikreto ko. Ang importante ay makatapos ako sa Wow Academy. Ipagpapatuloy ko ang pag-aaral ko sa kolehiyo para hindi na maglabada at mag-extra sa pagmamanicure ang naynay ko.
Nasa malalim akong pag-iisip nang biglang may kumatok.
Tumayo ako at sumilip sa bintana. Nagtaka ako nang may makita akong lalaking nakatayo sa harap ng pinto namin. Napansin ko ang dalawang malaking kahon na nasa tabi niya.
"Sino iyon anak?" Nakalabas na ang naynay ko at nakatapis lang ng tuwalya.
"Hindi ko know eh."
"Tanong mo kung sino sila at ano kailangan. Magbihis lang ako, 'nak,"
Binalik ko ang tingin sa labas ng bintana at kumatok ulit siya.
"Ano pong kailangan niyo?" Nasa bintana pa rin ako. Bahagya ko lang inangat ang kurtina para makita niya ako. Ngumiti ang lalaki sa akin.
"Dito po ba nakatira si Wilma Racal?"
"Dito nga po. Sino po sila?" magalang kong tanong.
"From LBC po ako. May padalang package lang po for Ms. Wilma Racal. Kayo po ba iyon?"
"Hindi po. Naynay ko po iyon."
"Sino raw ang hanap anak?" Nakabihis na ng duster si naynay. Nagsusuklay na lang siya nang lumapit sa akin
"Kayo po. From LBC daw. May package para sa inyo. Sino naman ang magpapadala sa inyo, Nay?" Nagkibit-balikat lang siya at binuksan ko na ang pinto.