KASSY’s POV
Naiwan kaming dalawa rito ni Cinderella. Umalis na si Sir Dax.
Hindi ko maintindihan ang aking sarili. Kapag naidampi na niya sa akin ang kanyang balat o napatitig ako sa kanya ay para akong nahihipnotismo nito. Walang pag-aalinlangan akong nararamdaman. Tumutugon ang aking katawan.
Makikita ko na sana ang matigas na bagay na lagi niyang ibinubunggo sa aking harapan. Kaya lang ay kumatok si Cinderella at nang pagbuksan siya ng pinto ay ito nga ang nangyari sa kanya. Sumubsob siya. Mabuti na lang wala siyang sugat pero nalamog ang kanyang katawan.
“Anong susi ba ang hinanap ni Sir Padz? Ang tagal ninyong buksan ang pinto. At saka bakit ikaw ang lagi niyang hinahanap? Ako naman ang nakasagot sa tawag niya. Ako rin ang nagdala ng kape niya. Ano bang gusto niyang iutos sa iyo? Kung pagdating naman sa physical looks, ilang paligo lang ang lamang mo. Kanina pa ako napapaisip talaga.” Pinaupo ko na muna siya sa silya na naririto sa loob ng kwarto. Ako naman ay sa kama ko naupo.
“Hindi ko alam sa kanya. Sabi niya hinahanap niya ang susi niya.” Sagot ko sa kanya. Wala naman akong alam na isasagot sa kanya. Pero napansin kong bakit iba ang tawag niya kay Sir? Akala ko mali lang ako ng dinig pero iyon talaga ang tawag niya. “Matanong pala kita, bakit Sir Padz ang tawag mo sa kanya? Di ba siya si Sir Dax?” paniniguro ko.
“Hay naku! Hindi bagay sa kanya ang Dax. Sir Padz, ang mas bagay sa kanya. Saka siya naman nagsabi sa akin na padding iyon kaya malaki ang hinaharap niya.”
“Hinaharap? as in ‘yung batuta ni Sir ba ang tinutukoy mo?” Paano naman niya nakita iyon? O hinawakan na niya? Ginagawa rin ba nila ni Cinderella ang ginagawa sa akin ni Sir?
“Oo, ‘yung noches niya, nota, talong, anaconda, basta ‘yung p*********i niya. Hindi ko pa nahahawakan pero nakita ko na kanina. Akala ko nga ang laki talaga dahil kitang kita sa kanyang boxers. Sana pala natanong ko si Sir Padz kung pwedeng mahawakan.”
“Paano mo nakita? At paano mo nalaman na padding kung hind imo naman pala nahawakan?”
“Siya ang nagsabi sa akin. Hindi nga umangal nung bansagan ko siyang Sir Padz, short for padding, for padded. Huwag kang maingay na sinabi ko sa iyo. Secret iyon at wala akong ibang pinagsabihan kundi ikaw lamang.” Napatango ako sa sinabi niya. Pero iba ang sinasabi niya sa nararamdaman ko. Hindi ko masabi na talagang mukhang malaki ang hinaharap ni Sir dahil magdududa ito sa akin.
“May relasyon ba kayo ni Sir?” baka sagutin niya.
“Wala pa. Pero baka type niya ako. Lahat kasi ng mga lalaki na nakakakita sa aking kagandahan ay nahuhumaling sa akin. Baka nga kaya niya lagi akong inuutusan kasi gusto niyang marinig ang boses ko. Gusto niyang makita ako pero ikaw ang ginagamit niyang dahilan. May mga ganyan kasing lalaki, kapag hindi kayang diretsuhin ay kung anu-ano ang ginagawang kapapansinan. Pakiramdam ko nga sinadya niya kanina iyon para magpapansin sa akin. Sorry siya, mahal ko ang boyfriend ko. Kahit ano pang pagpapa-cute niya, loyal ito.” Mahaba nitong sagot sa akin.
“Nag-kiss na kayo ni Sir Dax?”
“Hindi pa. Pero napapatingin siya sa bibig ko kapag magka-usap kami. Baka gusto niya akong sakmalin, hindi naman niya magawa. At saka loyal nga ako sa boyfriend ko, baka masampal ko pa siya kapag hinalikan ako. Hindi na ako virgin, pero mapili ako. Gusto ko ‘yung tulad ng boyfriend ko. Ang galing, girl!” kinikilig nitong sambit. Masaya rin akong malaman na hindi sila nagki-kiss ni Sir. Pero bakit sa akin, lagi niya akong hinahalikan at hinahayaan ko naman. Nakatingin lang naman ako kay Cinderella dahil naitanong ko na ang gusto ko. Hindi ako makasagot sa iba niyang sinasabi dahil virgin pa ako. Si Sir Dax lang ang humalik sa akin ng torrid. Siya lang din ang nakapisil at dumede sa aking mga svso.
“Naranasan mo na ba ang kainin ang kiffy?” umiling ako sa sinasabi niya habang blangko ang aking mukha.
“Naku, kapag natikman mo baka tumirik ang mga mata mo. Ang sarap girl. Kaya nga excited na akong mag-off para magkaroon na kami ng alone time ng aking bf. Sarap na sarap siya sa aking kiffy. Bukod sa padded na ang harap ni Sir, baka hindi pa siya magaling kumain ng kiffy kaya wala pa rin siyang karelasyon. Kailangan kasi, magaling magpaligaya ang maging boyfriend mo. Para masaya ang relasyon ninyo at tumagal kayo. Pero hindi lang iyon, ikaw mismo, dapat magaling ka rin kumain ng talong ng boyfriend mo. Bukod sa masarap na ako, magaling pa akong sumubo kaya naman baliw na baliw sa akin si Jabin. Nabubulunan na ako sa kanyang mataba, mahaba, at maugat na alaga. Pero tuloy pa rin para magdalawang isip siya na maghanap ng iba.” Kung anu-ano na ang sinasabi ni Cinderella pero ang isip ko si Sir ang mukhang nakikita ko habang ginagawa ang mga sinasabi nitong kausap ko. May kakaiba akong nararamdaman sa aking ibaba. Mas okay na rin na ganito ang pagkakakilala ni Cinderella kay Sir Dax. Mahirap na malaman niyang totoo ang una niyang nakita. Pakiramdam ko nga nakadikit pa ito sa aking puson.
Sana lang ay hindi nakita ni Cinderella ang paglunok ko. Tila nauhaw ako bigla, kaya napatayo ako para uminom sa tumbler na binigay sa akin ni Manang Minerva kanina bago umalis. Para raw hindi na ako lalabas sa gabi.
Ayaw ko pa ngang kunin, parang may masarap pa kasi sa tubig sa labas kapag sasapit ang hatinggabi. Ngayon, problema ko kung paano ako makakatakas kay Manang Minerva para mapuntahan si Sir Dax sa kwarto niya? May CR din dito kaya hindi ko pwedeng sabihin na sa labas ako iihi.
Paano ang gagawin ko mamaya? Mas lalong hindi ako pwedeng magtanong dito kay Cinderella. Bak mabisto pa at masabi sa lahat. Hindi naman ako naniniwala sa kanya na sikreto lang talaga ang mga sinasabi niya. Sa daldal niyang ito? Imposible!
“Luto na ba ang masarap mong menudo?” pag-iiba ko nang usapan. Okay na rin naman siya.
“Ay oo nga pala! Naku puntahan ko muna sila at baka pinakialaman ang aking lulutuin. Espesyal pa naman iyon. Tara sa may kitchen at doon tayo magkwentuhan.” Yaya nito sa akin.
“Mauna ka na at saka hindi ako pwedeng tumambay sa kitchen. May lilinisin pa akong kwarto sa itaas. ‘Yung sa anak ni Sir. Sabi ni Manang Minerva ay malapit na raw iyon dumating kaya dapat laging nililinis.” Mabuti pala at naalala ko.
Natahimik din ang kwartong ito. Sobrang lakas ng boses niya. Ang sakit sa tainga. Maglilinis muna ako bago ko isipin ang sinasabi ni Sir Dax na mamayang gabi. Ganoon kaya ang gagawin namin tulad nang kwento ni Cinderella?
Sandali, ang bata ko pa. Twenty-two at mag te-twenty-three pa lang ako pero iyon na ang iniisip ko. Isa pa, wala kaming relasyon ni Sir Dax. Kasambahay ang sinabi ni Manang Minerva na work ko at hindi ang tagatugon sa halik ni Sir Dax. Anong sasabihin ni Manang sa akin kapag tinanong ko siya?