DAX’s POV
Pumasok nga ako ng opisina, pero ang isip ko ay na sa bahay pa rin. Ilang beses na akong napahilamos ng aking mukha at wala pa rin akong nagagawa ni isa sa mga dokumento na nasa harapan ko.
Ngayon pala ang araw na manganganak si Ivy. Pati iyon ay nawala sa isipan ko kaya ‘yung meeting na ipapasa ko sana kay Dougz ay hindi maaari dahil mas kailangan siya ng kanyang pamilya.
Dahil sa nangyari kagabi, nawawala ako sa focus. Ano bang meron ka Kassy? Hindi ako in love, itong alaga ko ang hindi lang mapakali. Dahil dito hindi ko tuloy magawa ang mga dapat kong gawin. Sumasakit talaga ang aking puson.
“Humanda ka talaga, Kassy! Dadalhin ka nito hindi lang sa ikapitong langit. Sisiguraduhin kong hahanap-hanapin mo ito at ikaw ang magmamakaawa para maramdaman mong muli.” Nagsasalita na rin ako mag-isa dahil sa pag-iisip ng maaaring mangyari mamayang gabi.
“Sir Dax, your meeting is scheduled to start in ten minutes. There are already people in the conference room.” Sumilip ang aking secretary na si Mrs. Mendoza.
“Okay, thank you.” Iyon lang ang nasambit ko sa kanya.
“Mauna na po ako sa conference room, Sir Dax.” Tumango na lamang ako sa kanya. Laging ganito naman kapag may meetings na ang kakausapin ko lang ay ang mga department head. Kaya pwede sanang si Dougz na lang.
Sa ten minutes ang ginagawa ko ay nirereview ko lang ang agenda. Actually, kanina pa ito nasa harapan ko at maraming urgent na documents pero kahit isa wala pa akong nahahawakan.
Ang nakikita ko sa papel ay ang mukha ni Kassy, ang mapupula niyang mga labi, ang nangungusap niyang mga mata. Ang mga svso niya na kaysarap lamasin gamit ang aking mga palad. Kahit nang isubo ko ang tukt0k niyon ay lalong nakakatakam. Paano pa kaya yung nasa ibaba niya? “Kassy, nagagalit na naman ang alaga ko.”
Tumunog ang telepono ko.
“Sir Dax, kumpleto na po ang attendees.” Si Mrs. Mendoza. Ang bilis naman matapos ng ten minutes. Galit na naman ang alaga ko. May magic para ito ay manlumo. Inisip ko si Cinderella na sobrang confident sa sarili. Ipinalit ko ang mukha niya sa mukha ni Kassy. Sinilip ko ang namumutok kong slacks kanina. Ngayon humupa na agad. Takot na takot ang alaga ko kay Cinderella.
Dinampot ko na ang folder ko at nagpakawala na naman ako ng malalim na buntong-hininga. Kailangan kong magpakita sa conference room.
“Please take minutes of everything discussed during the meeting.” Bulong ko sa aking secretary. Ito naman ang trabaho niya, pero gusto ko lang masiguro dahil baka walang pumasok sa utak ko. Hanggang ngayon ay ang nasa isip ko ang gagawin namin mamayang gabi ni Kassy. Sana mas mabilis pa ang takbo nang oras.
“Yes, Sir Dax.” Sagot naman nito.
Ilang beses akong natanong ng mga head kung okay lang ako. Wala akong naisasagot dahil nahuhuli nila akong nakatulala.
“I’m really sorry, I’m not feeling well today. Could we reschedule this meeting? Mrs. Mendoza, could you please check my calendar for available times?” Wika ko sa kanilang lahat at kay Mrs. Mendoza.
“Okay, Sir Dax.” Sumagot si Mrs. Mendoza.
“The meeting is adjourned!” pagtatapos ko at ako rin ang naunang umalis ng conference hall. Plano kong umuwi na sana ng bahay pero may mga urgent pa na nasa table ko. Iyon na lang muna ang gagawin ko at uuwi na ako sa bahay. Wala naman si Mommy dahil nasa hospital siya ngayon. Pinapasunod nga niya ako roon para moral support sa kapatid ko na kinakabahan daw. Dahil sa meeting kaya hindi ako nakasunod agad. Mamaya na lamang ako dadaan. Tapusin ko lang ang mga documents dito na kailangan ng aking approval.
Dumaan muna ako sa hospital, para masilip ang aking mga pamangkin. Nagulat ako sa sinabing quadruplets ang anak ng aking kapatid. Grabe, ang bangis ng kamandag ni Dougz!
Gusto ni Mommy na maraming baby, ngayon, marami nga ang ibinigay ni Dougz plus ang aking apo pa na si Ethanz. Noon si Thisa lang ang baby sa aming bahay. Si Ethanz naman ang papalit dahil nakabukod ng bahay sina Dougz at Ivy.
Magpapakita lang ako sa kapatid ko at sa mga in-laws niya. Officer din ang Daddy ni Ivy sa Subdivision namin kaya kilala ko rin siya. Bestfriend pa ni Thisa si Ivy kaya mas lalong naging close ang family namin. Small world para kay Dougz at Ivy. Matanda rin ang kapatid ko ng sampung taon sa kanyang asawa.
Ilang taon na kaya si Kassy? Hindi naman minor siguro ang dalaga dahil hindi na bata ang kanyang katawan. Ilang taon ang difference naming dalawa? Forty-three na ako ngayon. Mukhang hindi lang yata ten years ang age gap naming dalawa. Sugod lang ako nang sugod, hindi ko pa pala natatanong ang ibang detalye tungkol sa kanya.
Wala rin akong nahinging information kay Manang Minerva. Hindi kami nagkakaharap ni Manang Minerva dahil sa araw ay nasa bahay siya ni Dougz at tuwing gabi naman ay halos tulog na ang mga tao sa bahay. Wala naman akong ibang gagawin kundi ang magtrabaho.
Nandito na kami sa hospital. Ako lang naman ang bababa at maghihintay na lang ang aking driver. Wala naman akong planong magtagal dito. Maaga pa para sa oras na sinabi ko kay Kassy pero okay lang din iyon. Pwede naman ako kung nasaan siya. Panonoorin ko na lamang kung may ginagawa siya.
“Son, ang cute ng mga pamangkin mo.” Ito kaagad ang bungad ni Mommy. Nagtungo ako kung saan ang kwarto ni Ivy pero wala pa ito at nasa recovery room pa siya. Si Dougz ang naghihintay roon. Sina Mommy at Mr. and Mrs. Manalo ang nandito sa room.
Nagpaalam kami sa mag-asawa at sinamahan ako ni Mommy sa labas ng nursery room para masilip ang mga cute kong pamangkin. Nakakatuwang pagmasdan, nakakatuwa naman ang mga kambal, at triplets. Iyon pa lang ang nakikita ko sa talambuhay ko. First time kong makakita ng quadruplets. Ang tindi talaga ni Dougz. Apat kaagad. Hindi mag-aaway away ang mga lolo’t lola dahil pwedeng tag-isa isahan ang mga ito.
Ako kaya? Kaya ko pang makabuntis? Napapailing na lang ako sa naiisip ko. Sa haba ng panahon, ngayon ko lang natanong ang sarili ko ng ganito. Si Kassy pa rin ang nasa isip ko.
Para wala naman masabi ang mga in-laws ni Dougz ay nagtagal pa ako sa hospital. Mas okay na gabi na lang ako makarating para kapag nandoon na rin ako ay hindi ako mainip sa paghihintay na makatulog ang lahat. Nagsabi na rin ako sa secretary ko na hindi ako papasok bukas. Advance akong mag-isip, walang tulogan ngayong gabi. Idagdag pa ang pagod.
Sabay kaming umuwi ni Mommy. Sa hospital na rin kami nag-dinner. Um-order ang kapatid ko. Sobrang saya niya. Hindi ko talaga ito ma-imagine na magtitino at si Ivy lang pala ang makakagawa. Sobrang playboy nito nung araw. Kabaligtaran ko siya. Dahil ako ay loyal lang sa isa. Si Lily lang simula noon at hanggang ngayon. Siya lang ang mahal ko at babaeng inangkin ko.
Pero ano itong ginagawa sa akin ni Kassy? Pinapainit lang ba niya ang katawan ko? Siguro ako sa kakaibang init na hatid niya sa akin. At ngayon pa lang na tahimik na ang buong kabahayan, nakakaramdam na ako ng kakaiba. Sana nasa room ko na siya. Bukas naman ito. Nakakapasok naman sila sa aming mga kwarto dito sa bahay. Nasa vault naman ang mahahalagang bagay, kaya tiwala rin kami sa kanilang lahat.
“Good night, Mom.” Humalik pa ako kay Mommy bago kami maghiwalay.
“Good night, son.” Hinintay ko pa siyang makapasok sa kanyang room. Nagpalinga-linga pa ako sa paligid at excited na binuksan ko ang aking pinto. Madilim ang silid. Sana ay may pa-surprise. Binuksan ko ang ilaw habang ako ay umaasa na makikita ko ang babae sa ibabaw ng aking kama.
Kumalat ang liwanag at nakita ko ang maayos kong higaan. Walang babae sa ibabaw nito. Baka hindi pa tulog si Manang Minerva, kaya wala pa siya.
Walang telepono roon at wala rin akong number ni Kassy. Paano ko siya mapapapunta rito? Dapat pala kinuha ko kanina ang kanyang number.
Maghahatinggabi na at wala pa rin siya. Lumabas ako ng aking kwarto at dumiretso sa kwarto nina Manang Minerva. Bahala na kung ano ang sasabihin ni Manang Minerva. Sana lang ay hindi siya magising. Susunduin ko na si Kassy sa kwarto nila. May usapan kami at maghihintay ako kaya dapat ay pumunta na siya sa kwarto ko.
Mahihinang katok ang aking ginawa. Wala pa rin nagbubukas sa akin. Pinihit ko na ang door knob, bukas ito. Madilim sa loob. Dahan dahan pa akong pumasok at kakapa kapa pa ako.
Nagulat ako dahil biglang lumiwanag. Walang nakahiga sa kama.
“Sir Padz? Ano pong ginagawa ninyo rito? Kayo po ba ‘yung kumakatok kanina? Bakit nandito po kayo?” pupungas - pungas pa ito ng kanyang mga mata.
“Ah e, may sasabihin ako kay Manang Minerva. Bakit ka ba narito?”
“May sasabihin kayo pero nangangapa ka po d’yan sa kama ni Kassy. Saka kung may kailangan po kayo kay Manang Minerva sana sinabi po ninyo nang malakas. Hindi po iyong pumapasok po kayo ng kwarto nang may kwarto. Babae po ‘yung mga tao rito, dapat dito ka lang po sa labas. Hindi naman porke’t kayo ang may-ari nitong bahay ay pwede ninyong invade ang privacy naming mga namamasukan sa inyo. Paano kung may nakahigang babae sa kama? E di nalamutak na ninyo kasi walang ilaw. Naku, Sir Padz, kung may balak man kayo e kawawa lang ang babae dahil jutay naman iyang alaga mo. Puro padding lang. Wala po pala sila Manang Minerva at Kassy. Nandoon po sa bahay ng kapatid ninyo. Sinundo po kanina ni Manang Minerva. Pansamantala lang naman daw si Kassy dahil wala siyang makakasama habang nasa hospital ‘yung kapatid ninyo at asawa niya. Kaya kung may kailangan po kayo, pwede naman po ako.”
“Iyon na nga ang sasabbihin ko sana kay Manang Minerva na isama muna si Kassy sa bahay ni Dougz. Hindi ko alam na nagpunta na pala sila. Sige na, aakyat na ako sa kwarto ko.”
“Baka may kailangan po kayo, Sir Padz. Pwede po ako.” Kung anuman ang ino-offer nito sa akin ay no thanks na lang.
“Wala akong kailangan sa iyo. Bumalik ka na sa kwarto mo at hatinggabi na.” lumabas na ako ng kwarto nila Manang Minerva.
Hindi ko alam na kinuha niya si Kassy. Hindi pwedeng dalhin niya sa bahay nina Dougz si Kassy. Kakausapin ko si Manang Minerva na kakailanganin ko rin ng kasama sa condo ko. At si Kassy ang isasama ko.
Bukas na bukas din ay pupuntahan ko si Kassy sa bahay ni Dougz. Kailangan ko siyang maisama rito pabalik. Pwede ko rin siyang kunin para maipalinis ko ang aking condo.
Kailangan ko si Kassy.