8

1815 Words
KASSY’s POV Ang dami kong pagod sa paglilinis ng mga kwarto sa itaas. Yung kay Madam ang nilinis ko at ‘yung sa anak ni Sir Dax. Bukas ko naman lilinisin ang kwarto niya. Habang nililinis ko ang kwarto ni Madam, nakita ko ang mga picture sa isa sa table roon. Hindi ko mapigilan kunin ang litrato ni Sir Dax. Ngayon alam ko na kung sino siya at ‘yung may asawa. Sa kanya naman napunta ang atensyon ko nung makita ko ang family picture nilang apat. Ang gwapo niya. Hindi halatang may anak na siyang may edad at may apo pa. Para lang kasi siyang nasa 30’s. Hinaplos ko pa ang salamin ng frame. Wala lang gusto ko lang gawin dahil kapag magkalapit kami ay hanggang tingin lang ako. Nahawakan ko na ang batok niya pero hindi ang kanyang mukha. Gusto ko sanang mahawakan ito para malaman ko kung makinis o malambot ba ang kanyang mukha. Ang alam ko lang ay malambot ang kanyang mga labi at ang kanyang dila na tila jelly na kinakain ko lang. Muntikan pang mabasag ang frame dahil sa pagpasok bigla ni Cinderella. “Kakain na tayo, ikaw na lang hinihintay sa hapag-kainan. Nandoon na ang lahat. Dapat alam mo ang oras, hindi na iyong kailangan ka pang tawagin.” Hindi naman siya galit pero sa boses niya maiinis ka pa rin kapag narinig mo. Pero hindi naman ako pwedeng magalit sa kanya dahil concern lang din naman siya sa akin. “Hindi pa ako gutom, mamaya na lang ako kakain. Pasensya na at umakyat ka pa rito. Next time, alam ko na ang oras. Pero hindi pa kasi ako gutom. Sa meryenda na lang ako sasabay. Salamat.” Ang totoo kasi ay ramdam ko pa sa bibig ko ang ginawa namin ni Sir Dax kanina. Kung kakain ako at mag-toothbrush ako ay mawawala na iyon. Mamaya na lang at mapapalitan naman din sa gabi. “Bakit ayaw mong kumain? Ayaw mong malamangan kita sa ka-sexy-han ano?” Hindi ko alam kung tatawa ba ako sa tanong nito sa akin. Napatingin tuloy ako sa katawan niya at sa katawan ko. Una mas maliit siya sa akin. Pangalawa, may dibdib siya pero wala siyang puwet. Nakita ko na siyang nakasuot ng pantulog at flat ang puwetan niya. Pangatlo, mapayat siya at diretso ang katawan niya. Ako ay matangkad, may dibdib pero hindi naman lumawlaw kahit sinvso ni Sir kagabi, matambok din ang aking behind at may shape ang aking katawan. Kaya masyadong nakakahiya sa kanya. “Hindi naman kita kayang lamangan. Sa dibdib mo pa lang talo na agad ako. Promise, mamaya ako kakain. Babawiin ko ang hindi ko pagkain ngayon.” Gusto ko na siyang palabasin para naman magkaroon na ako ng katahimikan. Ang sarap ng pananahimik ko kanina habang pinagmamasdan ang larawan ni Sir Dax. “Akala ko hindi mo pansin e. Sige na, maiwan na kita. Baka hindi pa sila makakain dahil hinihintay tayo. Bababa na ako.” Paalam na niya. Hindi na ako sumagot dahil baka may maisagot pa rin siya. Ipinagpatuloy ko na ang paglilinis. Hanggang pati ang sa kwarto ng apo ni Madam ay nalinis ko na rin. Tamang-tama at meryenda time na. Sa kitchen na ako dumiretso. Kumpleto sila at kumakain na. “Akala ko hindi ka pa rin sa amin sasabay mag-snacks. Mabuti naman at nagkusa ka na sa pagpunta rito. Tikman mo ang turon with langka. Ako ang nagluto niyan.” Sambit pa niya. Kumuha na ako, malinis na naman ang mga kamay ko dahil naghugas na ako bago pa ako pumunta rito. Kakagat pa lang sa turon na ipinagmamalaki ni Cinderella. “Masarap ‘yan.” Napatango na lamang ako. Pero ang mga kasamahan namin ay napaubo bigla. Hindi ko alam kung itutuloy ko pa ang pagsubo nang bigla namang pumasok si Manang Minerva. “Nandiyan ba si Kassy?” hanap nito sa akin. Hindi ko na naituloy ang pagkagat ko sa turon. “Nandito po ako,” sagot ko at ibinaba ko na muna ang turon. “Isasama kita sa bahay ni Dougz. Doon ka muna, samahan mo muna ako. Nanganak na si Ivy at nandoon sila sa hospital. Magdala ka na rin ng ilang gamit mo. Pansamantala lang naman.” Wika nito sa akin. “Manang Minerva, isa lang po ang kailangan ninyong isama? Pwede naman po ako.” Napatingin kami sa nagsalita. “Isa lang ang kailangan at hindi ka pwede do’n, baka maingayan ang bahay sa iyo. Dito ka na lang at bawas bawasan mo pa ang pagiging madaldal mo.” sagot sa kanya ni Manang Minerva. Hindi ko na natuloy ang pagkain. Mukhang nagmamadali si Manang Minerva. Pumunta na ako sa kwarto namin at kinuha ko na ang mga gamit na kailangan kong dalhin. Lulan na kami ng sasakyan na maghahatid sa amin sa bahay ni Sir Dougz. Bigla kong naalala si Sir Dax. Paano na pala ang usapan naming dalawa? Hindi ko pa naman alam ang number niya. “Kassy, naririnig mo ba ang sinasabi ko?” wala akong narinig kundi itong tanong lang ni Manang. “Ano po bang tinatanong ninyo, Manang? Sorry po, natulala ako dahil hindi pa po ako kumakain.” Sambit ko rito. “Tayo muna ang tatao sa bahay ni Dougz. Kapag nakauwi na sila ay saka kita ibabalik sa bahay ni Madam.” “Okay po, Manang Minerva.” Ilang araw ko palang hindi makikita si Sir Dax. Bakit ang tagal naman? Tapos mamaya hindi ko pa siya mapupuntahan sa kanyang kwarto. Sayang, kahit wala kaming nararamdaman sa isa’t isa ay nasasabik din akong mahalikan niya. “Kumain ka pagdating natin sa bahay nila. Marami pang pagkain doon at hindi na makakain ‘yung mag-asawa dahil sa excitement. Makikita na nila ang mga anak nila. Iinitin na lang at mga tira iyon." “Bakit po mga anak? Kamabal po ba?” Nakakatuwa naman at isang anakan ay dalawa ang lalabas. “Hindi lang kambal. Quadruplets ang anak nila. Iyon ang message ni Dougz. Hindi nga ako makapaniwala e. Sobrang protective ni Dougz kahit sa asawa. Hindi talaga ako makapaniwala sa batang ‘yan. Dati ang mga babae niyan ay papalit palit lang pero bigla na lang nawalan na ng babae at bigla na lang na magpapakasal na sila ni Ivy. Kaibigan ni Thisa si Ivy. Si Thisa anak ni Dax na may anak na rin.” Kwento ni Manang Minerva. “Si Sir Dax po, nagdadala rin po ba ng mga babae sa bahay po nila?” gusto kong malaman. Baka kasi lahat na lang ay hinahalikan niya. “Naku wala! Kabaligtaran siya ni Dougz. Isa lang ang nakilala kong babae ni Dax at iyon ‘yung asawa niyang si Lily. Wala na ngang interes sa babae si Dax. Ilang taon na ring patay ang asawa niya, pero mas pinili na mag-isa na lang sa buhay. Kahit yata maghubad sa harapan niya ang babae ay hindi niya papatulan.” Sambit ni Manang Minerva. Gusto ko sanang sabihin kay Manang na hindi ako naniniwala dahil ako nga bigla na lang hinalikan at hindi lang basta halik. Hindi rin lang isang beses nangyari kundi tatlong beses na. At mamaya sana ‘yung pang-apat. Kaya lang ay malabo na mangyari iyon. Nandito na ako sa bahay ng kapatid niya. Nasa loob na kami ng bakuran ng bahay ni Sir Dougz at Ma’am Ivy. Kumain nga agad ako. Kung hindi lang sana ako nagugutom, hindi ako kakain. Hindi ko pala matitikman ang mga labi ni Sir Dax ngayon. Sayang naman, kasalanan talaga ni Cinderella kanina. Kung hindi siya kumatok mas matagal pa sana. = = = = = = = = = = = = = = Hindi ko alam kung paano ako nakatulog kagabi? O kung nakatulog ba si Manang Minerva dahil ang likot ko. Nasa taas ako ng double deck at siya sa ibaba. Inaalala ko kagabi si Sir Dax. Baka naghihintay siya sa kwarto niya. Hindi man ako sumagot sa sinabi niya ay desidido akong pumunta sa kanya. Gusto kong maranasan ‘yung sinabi ni Cinderella kung talagang masarap ba talaga? Kaya lang ay hindi na nga mangyayari dahil dinala ako rito. Maiiwan daw muna ako rito. Ako ang taong bahay dahil ihahatid niya sa hospital ang mga yaya ng baby. Hindi pa sila nagpunta kahapon sa hospital dahil nasa nursery pa ang mga sanggol at nasa recovery room pa si Ma’am Ivy. Nagwalis na lang muna ako. Wala na naman akong gagawin sa kitchen at si Manang Minerva ay hindi rin tumitigil sa paglilinis. “Hijo, anong ginagawa mo rito? Wala si Dougz, nasa hospital sila at nanganak na si Ivy.” Malakas na bati ni Manang Minerva. Nasa labas na si Manang at kasama na ang mga yaya ng quadruplets. Binilinana ko nitong ako muna ang bahala. Malaki ang tiwala sa akin ni Manang Minerva kahit baguhan lang ako dahil bff sila ni Tiya Mila. “Ay ganoon po ba? Aalis po ba kayo?” tanong niya kay Manang Minerva. Tumigil na muna ako sa aking ginagawa at nakinig ako sa usapan nilang dalawa. “Oo, ihahatid ko muna sila sa hospital. Si Kassy muna ang magbabantay rito. Kinuha ko muna siya sa bahay ninyo pero ibabalik ko rin pagbalik nila Dougz. Mahirap na walang maiiwan lalo na ngayon na baka biglang may ipapadala si Dougz doon. Naglilinis si Kassy pero binilinan ko na siya. E paano ikaw? Wala naman si Dougz.” “Pupunta na rin po ako sa office. Sige po mag-ingat kayo at baka kailangan na po kayo ni Dougz.” Nalungkot naman ako dahil hindi man lang niya ako sisilipin dito. Gusto ko sanang lumabas para makita niya ako pero hindi na lang. Baka sabihin pa niyang hinahabol ko siya. Narinig ko na ang tunog ng sasakyan kaya mas lalo akong nalungkot. Baka galit siya sa akin dahil hindi nangyari ‘yung usapan namin kagabi. “Kassy,” may tumatawag sa akin. Nilingon ko ito at si Sir Dax nakatayo. “Sir,” akala ko ay wala na siya. “Pumunta ka sa likod. Susunod ako sa iyo. May CCTV d’yan.” Uso sa kanilang mayayaman ang CCTV. Bigla naman may bahagi ng katawan ko ang nakaramdam ng kiliti. Tumango ako sa kanya. Lumingon pa ako sa kinakatayuan niya pero wala na siya roon. Malapit na ako sa likod. “Pinapunta niya ako tapos hindi naman siya sumunod.” Bulong ko sa sarili ko. Nakalabas na ako sa pintuan pero wala naman siya. Naglakad pa ako. Tinungo ko ang daan papunta sa gilid, baka may daan doon papunta sa harapan. Nagulat ako nang biglang may humila sa akin at ipinasok ako sa maliit na kwarto. “Sir Dax – “ hindi ko na naituloy pa ang aking sasabihin dahil hinalikan na ako nito ng wala man lang salitang sinambit. Parang gutom na gutom. Kaya ba siya naririto ay dahil ako ang sadya niya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD