KASSY’s POV Nandito pa kami sa opisina ni Dax. Nakakandong ako sa kanya habang nagtatrabaho siya. Parang takot na takot itong bigla na lang akong mawala sa tabi niya pero alam namin na pagdating ng alas -singko ay kailangan na namin nitong maghiwalay. May alarm pa ito bago mag-five o’clock para sa aming bebe time. Hindi naman daw siya agad uuwi dahil wala naman siyang uuwian sa bahay. Kaya habang nandito ako ay susulitin namin ang oras. “Dadalawin kita mamaya, baby. May gusto ka bang pagkain? O may gusto ba si Tiya Mila na pagkain para madala ko?” tanong nito sa akin pero ang kamay niya ay abala na sa pagbubukas ng mga butones ng damit ko. Wala na akong suot na undies dahil nasa kanya na kanina pa. “Kahit huwag mo na akong dalhan. Hindi rin naman ako makakain dahil wala ka. Si Tiya M

