KASSY’s POV Agad agad ay may trabaho ako. Nandito ako para mag-report at first day ko sa trabaho. Pumayag si Tiya na sa kompanya na pag-aari rin ni Dax ako mag-work. Kung sa ibang kompanya ay mahihirapan akong mag-apply at marami pang kailangan na ipasa. Napapayag si Tiya Mila dahil kay Tiyo Pepe. Hindi lang iyon ang requirement ni Tiya. Bawal din kaming magkita sa labas dahil ihahatid at susunduin niya ako araw-araw. Hindi ko lang alam kung hanggang kailan gagawin ni Tiya Mila ito dahil mahal din ang magagastos niya. Kanina inihatid niya ako at kailangan niyang umuwi din dahil kailangan pa niyang asikasuhin ang mga pinsan ko. Nasa high school at kolehiyo na rin sila. Pero hindi ako sigurado kung naka-alis na siya dahil tumambay pa siya sa may guard house. Kay Miss Fronda ako

