KASSY’s POV Hindi ko magawang kumain. Kahit ayaw kong magtampo kay Tiya Mila ay nakaramdam ako na ayaw ko muna siyang makaharap. Nasasaktan ako dahil sa nangyari. Hindi niya kami binigyan ng pagkakataon na magpaliwanag na dalawa ni Dax. Kung pinakinggan sana niya kami baka hindi ako umiiyak ngayon dito. Madilim na at hanggang ngayon umaasa ako na dumating si Dax at sunduin ako. Pero kahit naman siya dumating at galit si Tiya Mila ay hindi rin niya ako maisasama basta basta. Naririnig ko rin na pinapakalmma siya ni Tiyo Pepe pero gigil pa rin ang tiyahin ko. Hindi naman ako mabubuntis dahil gumagamit ako ng pills. Kaya hindi ko naman siya bibigyan ng apo na walang ama at nandyan naman si Dax at tingin ko na mabuti siyang Daddy tulad sa anak niya. “Anong ginagawa mo rito? Ang lakas

