DAX’s POV Sa restaurant ng resort na ito kami nag-dinner ng baby ko. Kung nagawa man iyon ng kanyang mother ay hindi ko alam ang dahilan kaya wala akong karapatan na i-judge ayon sa narinig ko at hindi ko kailangan maging mapanghusga dahil likas sa tao ang nakakagawa ng pagkakamali. But, I’m sure na pinagsisihan din iyon ng Nanay niya. Ang kailangan ko lang gawin ay mag-stay sa tabi ng aking baby at iparamdam sa kanya na mahal na mahal ko siya. I think this has something to do with why she doesn’t want my family to know. Ayaw niyang bugkalin pa ang nakaraan. Ang mali ng mother niya ay hindi niya pagkakamali lalo na’t bata pa siya. Halos patapos na kaming kumain nang biglang may bumati sa akin. “Hey, Dax! Is that you?” malakas ang pagkakabati sa akin ng isang babae. Napa-angat ang pa

