KASSY’s POV Masaya ako na nabuksan ko na ang isang parte ng madilim kong nakaraan. Hindi ko naman iyon ginusto. Nangyari siya at wala akong nagawa. Sinubukan kong pigilan ang aking Nanay pero wala akong nagawa. Naiisip ko na lang na hindi rin ako mahalaga sa kanya. Hindi mahalaga kung ano ang mararamdaman ko dahil matagal nang panahon pero walang Nanay ko ang nagpakita sa akin para balikan ako. Umasa pa kami ni Tatay na isang araw ay darating siya. Alam na ni Dax at wala naman akong nakita sa kanya para magbago ang nararamdaman niya sa akin. “Daddy, mamasyal tayo mamaya sa tabing dagat ulit. Promise, hindi na ako iiyak.” Ako kasi ang nagyaya kaninang umaga at natapos sa pag-iyak ko. Tumawa naman si Dax sa sinabi ko sa kanya. “Okay, baby. No problem kahit umiyak ka pa. Sasamahan pa

