DAX’s POV Wala akong narinig na salita mula sa baby Kassy ko. Alam ko gising siya. Naririnig niya ang mga sinabi ko sa kanya at totoo ang lahat. Ayaw kong magtago sa kanya ng kahit na ano. Hindi ko siya pinilit na tumugon sa sinabi ko. Matagal pa akong naghintay kung may sasabihin siya pero wala. Tumayo na ako para makapag-shower. Kaunti lang naman ang nainom ko. Itinigil ko rin nang makita ko na hindi okay ang baby ko. At saka nagsabi siya na umuwi kami ng madaling araw. Magda-drive ako kaya dapat tumigil na ako sa pag-inom. Bumalik ako sa kama na ganoon pa rin ang ayos niya. Nahiga ako sa tabi nito. “Good night, baby.” Bulong ko sa kanya. Ngayon pa lang kami matutulog na magkasama na hindi masaya ang gabi. Wala pa rin siyang sagot kaya napabuntong-hininga na lamang ako. Ipiniki

