DAX's POV Tinanghali na naman kami ng gising ng aking baby Kassy. At syempre humirit pa ang Daddy. Kaya lang ay isang beses lang dahil tanghali na nga. "Daddy, labas ka na. Baka makita ka nila na dito galing. Mahirao magpaliwanag." Turan nito sa akin. Hindi naman siya galit. Puno nga ng pag-aalala ang baby ko. "Okay, baby. Lalabas na si Daddy." paalam ko pa rito. "Sandali! Lalabas ka na naka-boxers lang? Baka may masalubong ka. Isuot mo na ang damit mo." Pigil pa nito sa akin. Nasa may pinto na ako. Tama naman siya, umaga na nga. Baka makita na naman ako ni Cinderella. "Thank you, baby." Binalikan ko ang damit ko at nagsuot ako sa harapan niya. Nakatingin ako sa kanya at nakangiti. May naglalaro na naman kasi sa aking isipan habang nagbibihis pero hindi na ito talaga papayag.

