KASSY’s POV “Kassy, nand’yan ka ba?” rinig ko ang boses ni Cinderella. Hindi ko isinara ang bathroom kaya rinig ko ang pagtawag nito. Sinadya kong nakabukas dahil umaasa ako na ipipilit ni Daddy Dax na rito siya mag-shower at sasabayan niya ako. Itinulak ko siya para lumabas na ng silid pero may bahagi ng aking puso na umaasang maisipan niyang magsabay kami. Tumalikod na nga agad ako para magtungo sa bathroom kaya lang ay walang Daddy Dax ang sumunod kaya naligo na ako. Ibang boses ang narinig ko pero sobrang pamilyar naman niya – ang matinis na boses ni Cinderella. “Cinderella? Bakit?” tanong ko rito. Matatapos na akong maligo. Hindi ko siya pwedeng paalisin dahil hindi naman ito sa akin. Wala naman kaming kalat ni Daddy Dax dahil naligpit ko na ang damit ko. Wala na rin ang damit

