124

2024 Words

DAX’s POV Nagsimba kami at para hindi mailang ang baby ko ay pinasama kong biglaan si Cinderella. Alam kong naiilang siya kanina pa. Sinadya naman ng mag-asawa na makasama namin si Kassy sa living room. Kung ako lang ang masusunod gusto ko na siyang ipakilala. Nandoon lahat ng mahal ko sa buhay as in kumpleto ang pamilya ko. Kaya lang, malalaman nga nilang lahat pero baka ang maging kapalit – paglayo ng aking baby Kassy. Bagong taon na at ito na ang taon na ikakasal ang anak ko. Bibilang na lang ako ng Linggo at pwede ko na ipakilala si Kassy. Ito ang sinabi niya sa akin kaya susundin ko at kulang na lang ay hatakin ko ang mga araw. Parang siya na kanina ko pa gustong kabigin ang bewang palapit sa akin. Nandito kami sa simbahan at panay ang bulungan ng mga kabataan dito sa likuran ko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD