KASSY’s POV Tinawagan ni Sir Dougz si Dax at pinapauwi sa bahay nila. Dahil New Year’s day ay magsasama-sama raw sila pati sa pagsisimba. Pwedeng lumabas dahil araw na. Doon lang naman sa chapel ng Subdivision a-attend ng mass. “Baby, isasama kita sa bahay. Hindi pwedeng tumanggi ka. Mamaya may bisita na naman kami doon, mas mabuting kasama kita.” Kasalukuyan kong ini-init sa microwave ang aming tirang pagkain kagabi. Dito kami sumalubong ng taon sa kanyang condo tulad ng unang plano. Hindi na kami nakakain kagabi dahil sinabayan namin ang putukan sa pagsalubong sa bagong taon. Hanggang madaling araw kaming walang sawa sa pagniniig. Ang sabi pa ng aking Daddy ay para isang buong taon kaming magsasalo sa sarap at ligaya na punung-puno ng pagmamahalan. Ngayon, nagsisimula na naman siy

