DAX’s POV Sana makatulong kay Tiyo Pepe ang sinabi kong pampatibay ng tuhod. Hindi ko lang alam kung effective sa kanya ang pagkain ng balut. Pero sinabihan ko naman siyang kumonsulta sa doctor. Pwede rin na subukan nila ang ibang posisyon na hindi sasakit ang tuhod niya. Sana makatulong ang mga sinabi ko sa kanya. Bigla akong napaisip tuloy kung paano kaya kapag ako ang sinaktan ng tuhod o di kaya ay hindi ko na kayang sabayan ang baby ko sa laki ng age gap namin? Lagi kaya siyang magagalit sa akin? Huwag naman sana. Wala pa yatang araw na magkasama kami na walang nangyari. Hindi ko rin naging dahilan na pagod ako from work. Napapagod pero dahil iyon sa naka-ilang rounds na kami. Dahil sa aming pagniniig pa rin at pareho na kaming pagod. Magagalit kaya siya sa akin kapag sinabi kong

