CHAPTER 24 SA ISANG fine dining restaurant dinala ni Frix si Antheia. Dahil nahihiya pa rin siya rito dahil sa nasabi kanina ay hindi niya ito magawang tanungin kung saan nga ba siya nito dadalhin. Basta ang alam niya ay nakalabas na sila ng bayan nila. Dahil sarado ang bintana, damang-dama ni Antheia ang lamig na nanggagaling sa aircon. Bahagya na siyang nakakaramdam ng pagkangawit dahil kanina pa siya nasa bintana ang tingin. Kabisado na rin niya yata ang bilang ng mga petals ng mga bulaklak na nasa kandungan. Huminga siya nang malalim saka nilingon si Frix. “Saan ba tayo pupunta?” Hindi na siya nakatiis na magtanong. “Basta.” Sandali siya nitong tiningnan. “Tinanong ko si Hera kung ano ang mga paborito mong pagkain. Kung anong klaseng restaurant ang gusto mong kinakainan

