CHAPTER 25 MABILIS NA lumipas ang mga araw at linggo, naging abala sa preparasyon ng nalalapit na kasal nina Antheia at Frix ang mga magulang nila. Hindi na nila pinakialamanan ang mga gagawin ng mga ito dahil busy rin sila sa mga trabaho nila. Siya bilang guro at si Frix ay bilang businessman. Pati ang mga imbitasyon ay ang mga magulang na nila ang namigay. Nagdala lang siya ng ilang piraso upang mabigyan ang ibang mga kaibigan sa school na pinagtuturuan. Napapansin din niya na tila ba nag-eeffort si Frix sa kaniya. Hindi niya alam kung nanliligaw ba ito sa kaniya o ano. Wala naman kasi itong sinabi. Basta ang napapansin lang niya rito ay palagi itong nagpapadala ng mga bulaklak sa tuwing siya ay nasa klase. Kaya naman ganoon na lang ang panunukso ng kaibigan niyang si Hera s

