CHAPTER 1
CHAPTER 1
Stephanie! Stephanie!” Manang nasaan ba si Stephanie?” tanong ni Clarissa.
“Ma'am Clarissa inuotasan po siya ni sir Christopher.” Sagot ni Manang.
“Bakit Clarissa ano ba ang kailangan mo sa kaniya? saka ang aga-aga pa eh uminit na naman ang ulo mo?” tanong ni Cris.
“Sinabi ko na sa ‘yo cris na iba na ang kukunin natin na coordinator eh! bakit mo pinagkatiwalaan si Stephanie?” galit na singhal ni Clarissa
“Clarissa huwag mo na kasing problemahin iyan eh si Stephanie na ang bahala sa lahat.”
“Cris kasal natin ‘to! tayong dalawa ang ikakasal bakit siya ang nagdesisyon ?
At isa pa huh gusto ko pagkatapos ng kasal natin paalisin mo na siya dito!” galit na utos ni Clarissa.
“Clarissa bakit? nag-uusap na tayo tungkol diyan Hindi ko puwedeng alisin si Steph sa akin siya iniwan ni yaya, ng nanay niya, bago namatay si yaya nag-promise ang parents ko sa kaniya na patapusin siya sa pag aaral, inampon siya ni mommy at daddy, tinanggap namin siya na kapamilya, pero bakit hindi mo matanggap na party na nang pamilya namin si Steph? I'm sorry Clarissa hindi ko maibigay sa ‘yo ang gusto mong nangyari.” Seryosong saad niCristoper.
“Cristopher hindi charity ang bahay mo! saka nagtapos na siya ng kolehiyo puwede na siyang umalis dito! Puwera na lang kung may gusto ka sa kaniya! Kaya gusto mong nasa company mo pa rin siya!”Singhal ni Clarissa habang namumula sa galit ang pisngi nito.
Nagtatrabaho siya sa company ko Clarissa kahit sino walang karapatan na paalisin siya inampon siya ng parents ko at nangako ako bago sila namatay na hindi ko pababayaan si Stephanie mahal na mahal siya ni mommy at daddy.” Tangggi ni Christopher.
“Kahit ako Christopher walang karapatan? Mag- asawa na tayo magpakasal na tayo! May karapatan na akong mag-desisyon kung sino ang mag-stay sa company at sa bahay natin!”
“Tumigil ka na Clarissa! Umuwi ka muna sa bahay ninyo magpalamig ka muna ng ulo hindi tayo magkaintindihan eh dahil hindi ko kayang ibigay sa ‘yo ang hinihingi mo!”
“Ahh sige mamili ka Cris ! Sino ang gusto mong manatili sa buhay mo? ako ba o si Stephanie?” seryosong tanong nito.
“Clarissa, stop! Please go home!”
“Christopher answer me! Answer me! kung hindi mo ako sagutin ngayon maghiwalay na tayo! narinig mo! naghiwalay na tayo!
Napakamot si Cristopher sa kaniyang ulo hindi niya alam kung ano ang isasagot niya sa tanong ni Clarissa. Bago kasi namatay ang nanay ni Stephanie na siya rin ang yaya ni Cris, ay nangako siya na alagaan at patapusin niya ng pag-aaral si Steph. Meron kasi itong sakit sa puso kaya maagang namatay. Nakiusap ang yaya niya na patirahin sa kanila si Stephanie dahil hindi pa niya kayang mabuhay mag-isa at bata pa siya na namatay ang kanyang ama.kaya nangako ang parents ni cristopher na amponin nila si Stephanie ,magkasamang nag aaral si cris at steph at pareho silang dalawa ng course na kinuha at nasanay na rin siya na magkasama silang dalawa kahit saan man siya pumupunta.kaya Hindi madali ang hinihingi ni Clarissa ,Hindi niya basta bastang paalisin sa bahay at sa buhay niya si stephanie.
Cristopher ,Okay ka lang ba? Narinig ko kasi ang lahat na sinasabi ni Clarissa at Kong ako man ang dahilan sa pag aaway ninyo pwede naman natin ibigay sa kaya ang gusto niyang mangyari diba?
Stephanie ? Okay lang sayo na aalis ka sa bahay at sa company? Ganon lang ba kadali para sayo ang lahat?
May kumatok sa pinto kaya tumalikod si Stephanie para buksan ito. Pero mas naunang hinawakan ni Christopher ang door knob sabay lock sa pinto.
“Christopher bakit? baka importante bakit ayaw mong buksan!”
“Stephanie, ganoon lang ba kadali para sa’yo na iwanan ako? hindi ba ako mahalaga sa ‘yo?”
“Christopher please, alam ko ang papel ko sa buhay mo saka kahit kailan hindi ko nakalimutan ang mga tulong ninyo sa akin, kaya ayaw kong masira ang kasal ninyo ni Clarissa nang dahil lang sa akin, ayaw kong dumating sa point na siya na mismo ang magpalayas sa akin, kaya kung gusto niya na mawala ako sa buhay mo.ibigay natin sa kaniya para walang gulo!”
“Stephanie hindi ako pumayag ‘di ba? maintindihan din niya ako balang araw! hindi ka puwedeng umalis! hindi mo ako puwedeng iwanan ng basta-basta! sampung taon din tayong magkasama ‘di ba? hindi madali sa akin steph kailangan kita!” malungkot na saad ni Stephanie.
“Okay okay, sige hindi na ako aalis pero kausapin mo si Clarissa ipaintindi mo sa kaniya ang lahat, okay?” Utos ni Steph kay Cris.
Salamat Steph, salamat niyakap ni cristopher si Stephanie ito ang iniiwasan ni steph na madikit ang kanyang katawan Kay cristopher mula high school pa lang lihim na niyang tinatago ang kanyang pagmamahal sa binata, araw-araw niyang tinitiis ang sakit at silos nasasaktan siya sa tuwing nakikita niya si Clarissa at Cristopher ,pero dahil sa malaki ang kanyang utang na loob hinding Hindi niya ito maiwan iwan.lalo na ngayon na ikakasal na silang dalawa at siya pa ang mag organize ng lahat pakiramdam niya unti unti siyang pinapatay.tumulo ang kanyang mga luha at napansin ito ni Cristopher .
Stephanie okay ka lang ba? pinunasan ni cristopher ang kanyang mga luha bakit ka umiiyak?niyakap ni Stephanie ng mahigpit si cristopher at humihikbi siya sa dibdib ng binata mas hinigpitan ni Cristopher ang pagyakap niya sa dalaga dahil nararamdaman niya na may dinadamdam si Stephanie .kumalas din si Stephanie at nagpaalam siya na umuwi ng maaga .
iniwan nga si Cristopher na mag isa sa opisina napakamot siya sa kanyang ulo dahil wala siyang idea kung bakit umiiyak ng ganoon si Stephanie, samantalang hindi umuwi ng bahay si steph pumasok siya sa isang bar at naglasing .nararamdaman niya na medyo natamaan na siya sa alak kaya umuwi na siya ng bahay.nakuha niya parin ang magmaneho kahit nakainom siya,pagdating niya sa bahay agad siyang bumaba ng kotse at nagmamadaling pumasok sa loob pero nagulat siya nang bigla siyang hablutin ni Cristopher at itinapon siya sa sofa.