CHAPTER 40 My tummy is getting bigger, I’m already in my 7 months pregnancy journey. Habang dumadaan ang mga araw ay mas lalo akong na-e-excite. Noong una ay halo-halo pa ang nararamdaman ko ngunit sa tulong ni Coleen ay unti-unti ko ng natatanggap na magiging mommy na talaga ako. Nalaman na rin namin ang kasarian ng batang dinadala ko and I’m so happy dahil it’s a girl! Ever since, ini-imagine ko na kapag may pamilya na ako ay babae ang magiging anak ko. And thank God it’s finally happening, nauna na kaming mamili ng gamit at hinintay na lang namin ang gender reveal, kaya nung nalaman na nga namin ay na-excite na ang kanyang Tita-Ninang at namili na ng mga damit ni baby. Pero kahit gaano ako ka saya parang may kulang pa rin. In this kind of journey, dapat sana kasama si Sean, ano kaya

