CHAPTER 41 “Hi, besty. Finally, you’re awake.” Her voice sounds rough, marahil ay kakagising niya rin lang. Tumayo siya mula sa kinauupuan niya mula sa gilid ko. “Do you need anything? Nagugutom ka ba?” Inangat ko ang aking kanang kamay at nakita ko ang suwerong nakakabit. Tinignan ko si Coleen na naghihintay ng sagot ko. “Y-Yung anak ko? Nasaan yung anak ko?” Nag-iinit ang mga mata ko. Sinubukan kong bumangon kaya nilapitan niya ako at inalalayan. Hinawakan ko ang kaliwa niyang kamay. “Nasaan siya? D-Did we make it?” “Relax, Lexi. Your baby is safe and stable, but she needs to be in neonatal intensive care unit.” Bumagsak ang magkabila kong balikat, agad namang may kumatok at binuksan ang pinto ng room ko. Si Riley pala na akala namin ay ang doktor na. “H-Hi!” He awkwardly smiles a

