CHAPTER 42 Hindi ako nakapagsalita sa tinanong niya, parang napako ang dila ko at napa-isip. Paano nga kaya? “Kung darating man ang araw na ‘yon, siguro naman handa na ako.” “Nakaya mo talaga siyang tiisin, no? Biruin mo nagawa mong hindi siya kontakin ng mahigit isang taon.” Mapait akong nguniti. “Nakaya ko ba talaga? Ilang beses kong sinubukan na buksan muli ang social media accounts ko upang alamin kung ano na ang nangyayari sa kanya. Walang gabi na hindi ko siya iniisip, ngayon pa na may anak na kami.” Lumipat ang tingin ko kay Avery. “Gusto ko na habang lumalaki siya, ay kasama namin si Sean.” “You said that you discovered something that’s why you decided to stay away, if it’s okay to ask, ano ba ang na diskubri mo?” By hearing him asking those question, ang mga alaala na pilit

