Kinabahan talaga ako ng husto dahil sa mga litrato na nakikita ko kasama si Blue sa restaurant kagabi at ang paglapit niya sa akin kung titingnan sa angulo ng camera ay parang naghahalikan kami. Nasa post na rin ang pag-iyak ni ate na nagsasabi na we are cheating to her parang lumaki ang ulo ko dahil sa mga nabasa ko sa article. Lahat ng komento sa post nito sa social media niya ay puro nagpaparating ng awa dito, well sino ba ang hindi kung makaiyak ito ay tila kawawa talaga ito. "Nandyaan ka pa Akisha?" Narinig ko ulit ang boses ni Kari sa kabilang linya kaya kinuha ko ang telepono. "Oo Kari nabasa ko ang article hindi ako makapaniwala na mangyayari ito wala doon si Light linigtas niya ako kagabi kay Blue." Kwento ko sa kanya kaya napamura na lang ito. "Jusko Akisha wag ka munang lum

