Chapter seven

1521 Words
Pinasakay ako agad ni Light sa sasakyan niya, at wala siyang imik habang linalagyan ng oinment ang braso ko na nangingitim na. Naghalungkat ito bigla ng ointment sa compartment ng sasakyan niya at hindi maipinta ang mukha nito habang nakatitig sa braso ko. Sensitibo kasi masyado ang balat ko kaya ito ang resulta, medyo mahapdi rin dahil sa mahigpit na hawak kanina ni Blue. "Salamat Light kung hindi ka dumating-" Pinutol niya ang sasabihin ko sa pagdiin niya sa pagpahid sa braso ko kaya napaigik ako sa sakit. "Ouch! Dahan-dahan naman." Reklamo ko dito na hinila ko ang braso ko pero hindi niya ito binitiwan pero hindi naman nito diniinan ang pagkakahawak. May pag-iingat pa rin at kaya gusto kong mapangiti pero pinigilan ko na lang. "Wag mo nang ipaalala dahil baka kung anong magawa ko sa lalaking iyon." Seryoso nitong turan mayamaya, at ngayon ko lang napansin na napaka-gwapo talaga nito sa malapitan, kaya naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko maalis sa isip ko ang bagay na ito sa ganito pang sitwasyon. “Are you done checking me out?“ Tanong nito kaya napakurap ako at namula dahil matagal ko na pala itong tinitigan. “I am not.“ Mabilis kong tanggi dito saka ako napairap para itago ang pagkapahiya ko. "Sa susunod huwag ka nang papayag na may manakit sa'yo ng ganito." Sabi nito matapos nitong malagyan ng ointment ang braso ko. Ang gel na nilagay nito ay malamig at mabango, medyo mahapdi nga lang pero sanay naman na ako sa sakit. "Saan kita ihahatid?" Mayamaya niyang tanong matapos niyang ayusin ang pagkakakabit ng seatbelt niya, at saka naman niya rin ikinabit ang sa akin. Pati ang amoy nito napakabango kaya lalo akong nawiwindang. "Pero may kotse akong dala." Sabi ko dito kaya napatingin ito sa akin. "Then give me your key, i will call my friend to take it and bring it to your condo." Sabi nito kaya tumango lang ako at kinuha ko ang bag ko at binigay ang susi dito. May tinawagan ito at naghintay pa kami ng ilang minuto bago may kumatok na lalaki sa pinto ng kotse nito. "This is the key, bring it to her condo okay." Sabi nito sa lalaking naka-helmet kaya napakunot noo ako. Pero base sa naaalala ko ay ito rin ang lalaking nasa condo nito kaninang umaga. "So, where can i bring you now my lady?" Tanong ulit nito habang nagda-drive na. "Sa condo ko gusto ko nang magpahinga." Sabi ko na lang dito at saka ako napasandal sa upuan at napapikit, hindi pa rin ako makapaniwala na maririnig ko iyon kay Blue kanina, all i know is he is gentle and kind person. Mula pagkabata ko ay hinahangaan ko na ito at nangarap na maging boyfriend ko ito at pakasalan siya, dahil para siyang prinsipe noon sa paningin ko pero nawala lahat ng paghanga ko sa kanya ng malaman ko ang totoo nitong ugali. At kanina ko lang napagtanto na maling-mali pala na hinangaan ko ang lalaking iyon sa napakatagal na panahon. "Sino ba ang lalaking iyon at muntik ka pa na mapahamak?" Napatingin ako kay Light na biglang nagtanong at seryoso na sa pagmamaneho. "No one that i don't really care at all anymore." Sagot ko sa kanya na may konting irita sa boses ko. "Base sa tingin ko kanina ay magkakilala kayo." Sabi nito ulit kaya napahinga ako ng malalim at saka sinabi dito ang totoo. Wala naman nang dahilan pa para itangi ko pa iyon, may kakulitan din naman kasi ito. At nang matapos kong sabihin sa kanya ang dahilan ay napailing ito. "So, that man who harass you is your sisters fiance." Sabi nito kaya tumango ako dito. Hindi ko na sinabi dito ang confession ng lalaki kanina, hindi naman iyon mahalaga pa. Ang sinabi ko lang ay nakipagusap ito at pinipilit na maniwala ako na hindi nito anak ang batang ipinagbubuntis ng kapatid ko. "Salamat, Light if you did not ahow up baka mag-eskandalo ng malala ang lalaking iyon." Bulong ko ulit kaya napa-preno ito bigla at pinatay ang sasakyan kaya nagtataka ako na napatingin dito pero sinalubong niya ako ng halik kaya nagulat ako. Hindi ako makapaniwala sa bilis ng pangyayari dahil nakikipaghalikan na ako sa lalaking ito na kandong na ako ngayon na hindi ko na namalayan pa. Napapaungol ako sa tuwing sisipsipin niya ang dila ko at gagalugadin kaya napapahawak ako ng mahigpit sa batok niya. Naramdaman ko na kinapa niya ang dibdib ko kaya nagulat ako at napabitaw ako sa halik niya at nagkatinginan kami. "Ayoko ng simpleng salamat lang ganon dapat." Humihingal niyang turan at amoy na amoy ko ang bango ng hininga niya. "Hinalikan mo ako pangalawang beses na." Nasabi ko na lang sa kanya kaya hinapit niya ako bigla kaya lalo akong napalapit sa kanya. "Pangatlo at pang-apat." Sabi niya saka niya ako muling hinalikan kaya napaungol na lang ako. Naaadik na ako sa halik niya at hindi ko mapigilan ang sarili ko na tumugon sa kanya. "Bakit lagi mo akong hinahalikan?" Naitanong ko na lang sa kanya matapos niyang bitiwan ang mga labi ko at pareho pa kaming humihingal. "Masarap ang mga labi mo malambot at matapis." Sagot niya kaya napapikit na lang ako at napasandal dito. “I should drive you home fast before i change my mind and take you to my house.“ Bulong nito mayamaya kaya agad akong napaalis sa kandungan nito at pulang-pula ang pisngi ko dahil sa kahihiyan na ramdam ko sa mga sandaling ito. "Give me your number, so i can call you or you can call me anytime you need me." Sabi ni Light nang nasa harap na kami ng condo ko. Napatingin ako dito at nagdadalawang isip kung ibibigay ko ba dito ang numero ko. Pero namalayan ko na lang na kinukuha ang cellphone ko at binigay ko ito kay Light. "Put your number." Sabi ko dito kaya agad naman niya itong kinuha. Pinanood ko ito habang nakangiti na nagta-type ng numero niya sa contact list ko. "I will call you okay." Sabi pa ni Light nang matapos kong tangalin ang sestbelt ko. Napatingin ako dito at tumango saka na ako lumabas ng kotse. Hinintay muna ako nitong makapasok sa loob saka na ito umalis. Si Kari ay hinihintay na ako sa harap ng pintuan ko at saka ako dito napangiti. "Huwag mo akong nginitian Akisha De Luna, now tell me what happen?" Sabi sa akin ni Kari kaya napangiti na lang ulit ako dito. Kinwento ko dito ang nangyari at agad itong tumayo at napamura. "Kari relax okay, hindi naman ako napahamak. Dumating si Light kaya okay na ako." Paliwanag ko dito ng mabilis kaya napatingin ito sa akin at tumawa na lang. "So night in shining armor mo na rin siya ngayon at hinatid ka pa niya dito?" Tanong nito na tinignan ang braso ko kaya lalo itong napangiti. "If that man is serious with you, why not give him a chance though." Sabi ulit nito kaya napailing na lang ako. "Masyado pang maaga ang para diyan Kari." Sabi ko na lang dito kaya tumango lang ito. "Ang mabuti pa ay ipagluluto na lang kita ng hapunan." Pinasigla na ni Kari ang boses niya at inutusan na ako na magbihis. Kaya pumunta na ako agad sa kwarto ko para makapagbihis na at tulungan si Kari sa kusina. Pero hindi mawala sa akin ang kaba na baka malaman ito ng pamilya ko, paano kung nakuhanan kami ng litrato at mailagay ito sa internet. Pero dahil naalala ko na si Light, wala akong dapat na ikatakot pa. I don't care now, if my family knows it. Medyo lumakas ang loob ko na ngayon na alam ko na may masasandalan ako kung sakali man. Hindi ako makatulog ng gabing iyon halo-halong mga isipin ang nasa utak ko ang nangyari sa pagitan namin ni Blue, at kanina ang pagligtas sa akin ni Light at ang paghalik niya sa akin ng paulit-ulit. Nahawakan ko na lang ang mga labi ko totoo nga ang sinabi ni Kari masarap ang isang halik lalo na at kung gusto mo ang humahalik sa iyo. Napamulat ako bigla at kinastigo ang sarili ko gusto napahiyaw na lang ako sa sobrang inis sa sarili ko. Dahil hindi ako makatulog ay kinuha ko na lang ang loptop ko at binuksan ito at ng makita ko ang itsura ng linalaro ko ay napangisi ako mukhang mapupuyat ako ngayong gabi. Nagising ako na may tumatawag sa akin kaya kinuha ko ang cellphone ko at sinagot ito na hindi ko tinitingnan ang panglan ng tumatawag. "Akisha! Gising ka na ba magbukas ka ng cellphone mo dali may i-sesend ako." Napanting ako sa lakas ng boses ni Kari kaya napabalikwas ako ng bangon. "Ang aga Kari ano ba." Reklamo ko pero muli niya akong pinabukas ng cellphone kaya napilitan ako na buksan ito. When i saw the news in internet, and i saw myself together with Blue. Tila ako binuhusan ng malamig na tubig, ang takot ko kagabi ay nangyari na nga talaga. At ngayon ay kumalat na sa social media ang litrato na magkasama kami ni Blue.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD