"Ladies, are you ready to go?" Bungad na tanong ni Roy sa amin ni Jean ng makaupo siya sa upuang katapat ko na nasa harap ng table ni Jean. Nakipagfist bump pa siya sa akin samantalang si Janus naman ay naupo sa tabi ko at humalik sa pisngi ko. Nasa loob kami ng opisina na designated para kay Jean dito sa MVV. Dito ako dumiretso sa office ni Jean kanina ng ihatid ako ng driver ni Papa Ben dito sa MVV. Gamit kasi ni Ric yung SUV ko. Nasa meeting pa sina Janus at Roy kanina sa conference room ng dumating ako kaya sabi ng front desk officer na si Vanessa na sa office ni Jean daw ako dumiretso. It's a Friday. 2 weeks away sa wedding day namin ni Janus. Nagkayayaan kasi kahapon na magdidinner kami sa isa sa mga acoustic bar along Session Road. Though wala pang particular na bar kaming napipili

