Magkatabing nakaupo sina Dwayne at Grace sa long table sa loob ng conference room ng datnan namin sila. Kung noon sa boutique ni Sherrie ay palaban ang itsura ni Grace, ngayon ay tila kinakabahan ang itsura niya samantalang si Dwayne naman ay relaxed ang itsura at nakangiti pa si Dwayne sa amin. Agad na tumayo si Dwayne at nakipagkamay kina Roy at Janus. Si Grace ay nanatiling nakaupo na nakatingin lang sa amin. "Kumusta mga pare? Kelan nga ba tayo huling nagkita? College days pa yata." Masayang saad ni Dwayne habang nakikipagkamay kina Janus at Roy. Sina Janus at Roy naman ay parehong seryoso ang mga mukha. Awkward situation at the moment. "College days pa nga." Tugon ni Roy na walang kagana gana. "Hi, Jean. Hi, Celine." Bati naman sa amin ni Dwayne. "Hi." Sabay pa naming saad ni Jean

