May 20, 1999 10 months na kami today ni Janus. That 10 months have been a rollercoaster ride, hindi lang para sa amin ni Janus kundi para rin kay Roy na kasa-kasama namin pag masaya kami at pag nagkakatampuhan kami ni Janus. Damay siya sa paglakad ng malayo pag nagtatampo ako kay Janus. Nakikihabol din siya sa akin pag nag-run away ako pag nagkakatampuhan kami ng bestfriend niya. Siya ang humaharang sa akin habang humahabol sa akin si Janus. Andoon din siya pag nagkakabati kami ni Janus. Naranasan na naming maghabulan sa Session Road. Naranasan na din naming magpatintero sa Burnham Park. Naranasan na din namin ang mag-hide and seek. Pati nga sa Lourdes ay naghabulan na kami pero dahil mataas ang Lourdes, hinayaan na lang kami ni Roy. Iniwan niya kami ni Janus doon. Dahil nga ma

