"ANO?!?" Sigaw ko kina Roy at Janus. "Oo, Bebe ko." Tugon ni Janus. "Mag-isa kang magdrive mula dito sa paakyat ng Marcos Highway papuntang Kennon Road. Don't worry nakasunod naman kami ni Roy sa likod mo gamit ang kotse ko." "Pero…." Kokontra pa sana ako pero agad nagsalita si Roy. "Kaya mo yan, Celine." Ani ni Roy. "Ilang linggo ka na naming tinuturuan ni Janus magdrive. Based sa assessment namin, kaya mo ng magdrive on your own kahit na nagasgasan mo tong kotse ni Janus nung nakaraan." Saad naman ni Roy. It's a Saturday. Andito kami ngayon sa Marcos Highway sa Agoo, La Union paakyat ng Baguio. Ilang Sabado na din akong tinuturuan na magdrive nina Janus at Roy. Hindi naman ako ang naginitiate na turuan nila akong magdrive. Basta isang Sabado, magkasama silang dumating sa apartment

