CHAPTER 5

1613 Words
July 20, 1998 It’s my 6th month na dito sa Baguio.  Bukod sa pambubully nina Roy at Janus na nakasanayan ko na ay wala naman akong naging problema sa trabaho ko. Saka napanatag na din naman ang loob ko sa dalawang immediate head ko. Napatunayan ko na nambubully lang sila pag nabobored sila or pag ramdam nila na pressured na ang mga staff. Just to lighten the atmosphere. Pero yun nga hindi lahat kayang sakyan ang pambubully nila kaya yung iba takot sa kanila at yung iba halos mapaiyak na nila.  With my work, madali naman akong naging familiar sa flow ng pag-audit at pati na sa mga locations ng mga client na hawak namin sa grupo ni Roy.  Bully man at maloko sina Roy at Janus pero pagdating sa trabaho ay seryoso sila.  I considered them as my mentors at hanga ako sa talino nila. Matyaga nilang inieexplain sa amin ang mga dapat naming gawin at hindi nila kami pinababayaan. Lagi silang nakaalalay sa amin lalo na pag nagrereport na kami sa mga managing partner ng firm.  Noong tax season ay asikasong-asikaso nila kami lalo na pag kailangan naming magsleepover sa office due to the income tax deadline. They both see to it na hindi nagskip ng meals ang buong team at hindi pwede na wala kaming tulog.  Kahit 3 to 4 hours sleep ay nirequire nila kami lalong lalo na noong malapit na ang tax deadline.  With my co-employees, wala naman din akong naging problema within our group and with the other groups.  Halos lahat ng nagwowork sa firm ay kilala ko na at kilala na din ako.   Pati mga managing partner ay kilala na din ako.  Sa anim na buwan kong nasa firm ay nabigyan na din ako ng mga special audit assignment gaya ng payroll audit, on-site plant visit sa mga mining company na hawak namin outside Baguio at random inventory sa mga clients namin na usually kasama ko sina Roy at Janus.  Sabi nga ni Roy, kahit daw kinokontra ko sila lagi ni Janus, he considers me as one of the best subordinates na nahandle nya kaya hindi daw siya magugulat kung maging mabilis din ang pag-angat ko to a  senior position dahil napapansin na daw ako ng mga managing partner ng firm. Ang pasok namin sa office is Monday to Friday.  Pero para sa mga kagaya kong hindi taga-Baguio, Monday to Saturday ang pasok namin then entitled kami for a 3 consecutive days leave of absence to offset sa 3 Saturdays na pinasok namin every month.  Kami na bahalang pumili kung kelan namin gustong iischedule ung 3 consecutive days na yon.  Ako, usually itinatapat ko after ng deadline ng 25th of the month ang pag-uwi ko ng Bulacan. Kakabalik ko lang ng Baguio from Bulacan kagabi. Humabol ako sa last trip ng Victory Liner papuntang San Fernando, Pampanga noong Wednesday night.  Sa San Fernando na ako sinundo ni Ric then kahapon, Sunday, ay doon din niya ako hinatid bandang 1pm para doon ako sumakay pabalik ng Baguio.  Ito ang huling paghatid sa akin ni Ric at huling uwi ko muna sa Bulacan for the meantime dahil the day after tomorrow na ang flight ni Ric papuntang Canada.  Need nyang pumunta sa Canada para ayusin ung residency niya kaya habang wala siya ay hindi na muna ako uuwi ng Bulacan hanggang sa makabalik siya galing Canada.  Abot-abot ang bilin ni Ric sa akin pati na nina Nanay at Tatay dahil maiiwan akong mag-isa dito sa Pilipinas.  I assured them naman na ok lang ako dito at kung sakali man magkaproblema, tatawag agad ako sa kanila. Hindi din kasi sure kung kelan makakabalik si Ric dito sa Pilipinas.  Ibinilin na lang muna ni Ric ang bahay namin sa kapitbahay namin na kaclose nila Nanay at Tatay. May inupahan din siyang kabarangay namin na once a week na maglilinis ng bakuran. Pati sa kapitan ng barangay ay ibinilin din niya ang bahay namin tutal amiga daw nya si Kapitana. Nakapila na ako ngayon sa entrance ng VFG. Sinadya ko talagang pumasok sa office ng saktong 8am ngayon for my grand entrance.  I am now wearing a sleeveless top na kulay cream na tinernuhan ko ng black skirt na knee length.   Habang hawak ko ang black blazer ko sa kanang kamay ko at nakasukbit ang  satchel bag ko sa right shoulder ko.  Nagpagupit din ako nung Thursday sa Bulacan.  Ipina-pixie cut ko ang buhok ko na medyo mahaba ang bangs, pinastraight at pinakulayan ng chocolate brown with a bit of highlights. Buti na lang hindi pa nag-uuulan kaya hindi masyadong malamig ang klima. Hindi naman siguro ako giginawin sa suot ko, ani ko sa sarili ko.   Bago ako lumabas ng elevator ay tinignan ko pa ang sarili ko sa stainless wall ng elevator and I love what I am seeing.  Tignan natin ngayon Roy at Janus kung ano ang masasabi niyo sa itsura ko, nakataas pa ang kilay kong saad sa isip ko. Bwahahahaha. Mangkukulam lang ang tawa. Hahahaha. Taas noo akong pumasok sa office namin na located sa 5th floor.  Lahat ng mga nadaanan ko sa hallway ay ramdam kong sinusundan ako ng tingin.  May mga taga ibang department pa ang bumati sa akin at nagcompliment sa new look ko. “Si Celine na ba yang pumasok?”  Narinig kong tanong ni Roy.  Nakayuko siya kaya hindi niya nakita ang pagpasok ko ng pinto ng department namin.  Lahat ng mga kasamahan ko ay nakatingin sa akin pati na si The Janus Vivas.  Walang sumagot sa tanong ni Roy kaya ako na ang sumagot.   “Opo. Ako na nga po”  Medyo sarcastic kong sagot. Nakita kong nakatulalang nakatingin pa rin sa akin si Janus.  Hindi niya inaalis ang tingin niya sa akin kanina pa.  Villafuerte, one point, ani ng utak ko. Pilit kong winawaksi ang kilig na naramdaman ko ngayon sa puso ko dahil nakatanaw pa din sa akin si The Janus Vivas. Erase. Erase. Erase. Si Roy naman ay nakayuko pa din at busy sa sinusulat niya. “Bakit ngayon ka lang?”  Tanong ni Roy na hindi pa din nagaangat ng ulo niya para tignan ako. “Hindi naman ako late.  Sakto namang 8am ako nag-in sa bundy clock sa entrance.”  Sagot ko.  Pagkatapos kong ipatong ang gamit ko sa table ko ay sinadya kong naglakad papunta sa table ni Roy.  Lahat ng mga kapwa ko junior auditor pati na si Janus ay nakita kong sinusundan pa din ako ng tingin nila.  Napapangisi ako with the thought na sinusundan pa din ako ng tingin ng isang The Janus Vivas. Tumayo ako sa harap ng table ni Roy.  “May ipapagawa ka po ba o namiss mo lang po ako?”  Tanong ko sa kanya. Nakita kong dahan-dahang nag-angat ng ulo si Roy.  Napatingin siya sa legs ko na nakalitaw ngayon paakyat sa mukha ko.  Nakita kong nagulat siya sa itsura ko at medyo nakangangang napatulala habang nakatingin sa akin.  Villafuerte, 2 points.  Gusto kong tumawa ng malakas dahil sa naiisip ko pero pinigilan ko. “Baka pasukan ng langaw yang mga bibig niyo, Roy at Janus.”  Ani ko after a few moments na hindi nagsalita si Roy habang nakatingin pa din sa akin.  Parang natauhan ang dalawang bully sa sinabi ko at agad na umiwas ng tingin sa akin.  Villafuerte, 3 points.  Bwahahaha. “Bumalik ka na sa table mo.  Wala akong ipapagawa sayo.”  Ani ni Roy na hindi pa din makatingin sa akin ng diretso. Si Janus naman ay nagkunwaring may hinahanap sa drawer nya. "Saka hindi kita namiss." Dagdag pa niya. “Ok,  Boss, sabi mo eh.”  Sumaludo pa ako sa kanya at nag-bow sa harap niya bago ako tumalikod.  Napapangisi akong naglakad pabalik sa table ko.  And the winner for today,  it’s Ms. Celine Villafuerte.  Hahahahaha. “Mas gumanda ka girl.” Ani ni Pinky.  Isa din siya sa mga junior auditor na kasama namin dito sa External Audit.  Kay Janus naman siya nakagrupo.  Kami nina Pinky at Madeline ang mga babae sa department namin.  Lalake na ang iba naming kasamahan.  “OO nga, Celine.  Ang bongga ng new look mo.  Tulo laway tuloy ang mga bully nating head.”  Natatawang bulong naman ni Madeline.  “Mas bagay sayo ang hair mo.” “Di naman masyado.” Pabebe kong sagot kay Madeline sabay ipit ng hair ko sa isang tenga. “Tapos na ba kayong magbulungan dyan?” Narinig naming tanong ni Roy.  Nakatayo silang dalawa ni Janus sa may whiteboard habang nakatingin sa amin. “Opo.”  Sagot ko naman.  Sina Madeline at Pinky naman ay tahimik lang na tumingin kina Roy. “Mamaya at 3pm may meeting ang firm.  All of us are required to attend so kung balak nyong magfield work today, it would be better kung ireschedule nyo na lang tomorrow or bumalik na lang kayo dito sa office before mag 3pm.”   Pag-aannounce ni Janus.   Pare-pareho kaming tumango ng mga kapwa ko junior auditor.   “Sa conference hall gaganapin ung meeting so before mag 3pm, just proceed there.”  Dagdag naman ni Roy.  “Alam nyo naman kung saan ang conference hall pati na ang designated area para sa atin.”   “Opo.” Sagot ko.  Samantalang ang iba naman ay nagsitango lang. “Any questions?”  Tanong ni Janus. Pare-pareho naman kaming umiling. “Ok that would be all.  Let’s get back to work.”  Ani ni Janus.  “Tama na ang bulungan.”  Dagdag pa nito habang nakatingin sa amin nina Madeline at Pinky. Sumimangot na lang ako at tinaasan siya ng isang kilay saka ko siya inirapan.  Nakita kong napangisi si Janus.  Kairita talaga kahit gwapo ka, ani ko sa isip ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD