CHAPTER 4

1311 Words
December 1997 "Celine, anak, sigurado ka bang gusto mong sa Baguio magtrabaho?" Tanong ni Nanay sa akin. Hindi ko na mabilang kung pang-ilang beses na akong tinanong nina Nanay at Tatay ko kung desidido na talaga ako na sa Baguio ako magtrabaho sa tuwing tatawagan nila ako mula sa Canada.  Kakapasa ko lang sa CPA Licensure Examination last month at kakatapos lang kahapon ng oath taking namin na ginanap sa PICC.  "Opo, Nay.  Di ba nga po nabanggit ko na sa inyo na magstart na ako next month sa VFG Consultancy.  Isang accounting firm po iyon sa Baguio na nagsend sa akin ng job offer.  Hired na po ako doon, Nay. Hinihintay na po nila ako doon para makapagstart na po akong magwork sa kanila. Maganda naman po ung salary package plus benefits na inoffer nila." Tugon ko kay Nanay.  "Pero saan ka titira doon?" Tanong naman ni Tatay. Marahil gamit ng isa sa kanila ang extension line sa bahay namin sa Canada kaya sabay nila akong nakakausap ngayon. "May free accomodation po ung firm, Tay, for a month sa mga kagaya ko pong hindi taga Baguio. Walking distance lang din po sa office. Then maghahanap po kami ng apartment doon or boarding house po pag hinatid ako ni Ric." Tugon ko kay Tatay.  Dahil nga unica hija nila ako kaya nag aalala sila para sa akin. Nang maglipat buwan nga ay hinatid ako sa Baguio ng pinsan kong si Ric. Nagcheck in muna kami sa isang transient house for 3 days para masamahan niya akong maghanap ng apartment ko at makapamasyal na din kami bago bumalik ng Bulacan si Ric. Nakahanap naman ako agad ng apartment kaya hindi na ako tumuloy dun sa free accomodation ng company. Atleast hindi ako nahirapan mag-ayos sa tutuluyan kong apartment dahil katuwang ko si Ric sa paglilinis at pagbubuhat ng mga gamit ko. On my first day of work ay naassign ako sa grupo ng isa sa mga managing partner ng firm na si Mr. Villanueva na incharge of the External Audit Department. Tatlo ung managing partners ng VFG Consultancy na sina Mr. Villanueva, si Mr. Fernandez na incharge of the Tax Compliance department at si Mr. Gerona na in charge sa internal operations ng firm. May kani-kaniyang grupo sina Mr. Villanueva at Mr. Fernandez na binubuo ng mga senior at junior accountants na gaya ko. May kani-kaniyang clients ding hawak ang bawat grupo. Sa grupong kinabibilangan ko, 2 ang senior auditors at 8 kaming junior auditors. Sina Roy Montes at Janus Vivas ang senior auditors namin. Ahead sila sa akin ng 3 years dito sa firm at mas matanda din sila sa akin ng 3 years. Tig 4 na junior auditors ang under kina Roy at Janus. Si Roy ang naging immediate head ko. Ayaw nilang tawagin namin silang Sir. Roy at Janus lang daw ang itawag namin sa kanila tutal naman daw hindi naman nagkakalayo ang mga edad namin. Magbestfriend sina Roy at Janus. Since elementary ay magkaibigan na sila. Based sa observations ko, Si Roy ang maingay at may pagka-flirt. Si Janus naman ang tahimik pero may tinatago din namang kapilyuhan.  Si Roy ang mas nagsasalita ng Tagalog. Si Janus naman ang may pagkaconyo kung magsalita. Opposite man ang personality nila pero magkasundo sila dahil pareho silang bully.   Pareho din naman silang may hitsura at halatang mga anak mayaman.  Graduate sila sa Saint Louis University at mga CPA din.  Kunsabagay, karamihan naman ay mga  CPA ang mga auditor na hinahire ng firm na ito. On my first week sa work ko sa firm ay naiinis ako kina Roy at Janus dahil nga mga bully sila.  Halos napaiyak na nila ang ibang mga junior auditor na kasama ko. Ako lang ang hindi nila napaiyak dahil sumasagot ako sa pambubully nila. Ako pa ba eh bully din toits no. Produkto kaya ako ng PUP na mga palaban ang mga graduate. Bwahahahaha. "Celine, halika ka nga dito." Tawag ni Roy sa akin. Nasa loob kami ng office room ng department namin na nakaassign sa amin.  Nakaupo si Roy sa assigned seat niya. Mag three months na ako noon dito sa VFG. "Bakit po?"  Tumaas ang isang kilay ko dahil ramdam kong may binabalak na naman tong immediate head ko.  Wala akong kagana-ganang lumapit sa kanya. “Ano ba yang suot mo? Naka turtle neck ka na naman tapos ang haba na naman ng palda mo.  Kaya hindi ka nagkaka-boyfriend e masyado kang manang sa mga sinusuot mo.”  Nakangising saad ni Roy.  Madalas ganyan ang pambubully na natatanggap ko mula kay Roy.  Either tungkol sa damit ko o kaya tungkol sa buhok ko na may pagkakulot na laging nakapusod. “Yun lang ba ang sasabihin mo sa akin kaya mo ako tinawag?”  Ani ko sa kanya.  Nakita kong nakatingin sa amin si The Janus Vivas na tila naghihintay sa susunod na magaganap sa amin ni Roy. The Janus Vivas ang tawag ko sa kanya kasi nga rich kid siya bukod pa sa gwapo, matalino, fit ang pangangatawan, may pagkamysterious at...Ah basta.  Yun na yun. “Saka yang buhok mo, laging nakapusod.”  Saad pa ni Roy.  “Subukan mo kayang magchange ng style ng damit pati buhok mo para may mabago naman sa hitsura mo.” “Sa susunod irerecord ko na yang mga sinasabi mo para hindi ka na paulit-ulit. Saka, teka, stylist ka ba? Pasensya ka na. Wala kasi akong ipambabayad sayo if ever magprisinta ka na maging stylist ko. Anyway, hindi ka pa ba nasanay sa suot ko at sa magandang itsura ko?  Three months na din tayong magkasama dito.  Kung ako nga nasanay na ako sa mukha mong yan at sa ugali mo kahit naaalibadbaran ako pero hindi ako nagrereklamo.  Pinagtitiisan ko sa araw-araw na makita ka.”  Narinig ko ang mga mahinang tawa ng mga kasamahan kong junior auditor samantalang nanlaki ang mga mata ni Roy dahil sa sagot ko.  Si Janus naman ay hindi napigilang tumawa ng malakas.  “Saka bakit may girlfriend ka ba?” Dagdag ko pa. “Aba talaga naman.  Marunong ka ng sumagot.  Ireklamo kaya kita sa HR ha, Celine, ng insubordination.”  Panakot sa akin ni Roy.  “FYI lang.  May girlfriend ako.  Accountant din si Jeanette sa isang cruise ship.” “Eh di ikaw na may girlfriend.  Ingatan mong wag matanggal ung helmet na suot ng girlfriend mo ha. Baka matauhan yon e hiwalayan ka.” Paalala ko kay Roy.  “FYI lang din. I learned from the best senior auditors ng VFG kaya marunong na akong sumagot di ba. Pero kung talagang desidido kang ireport sa HR, aba, eh tara na. Sabay na tayong pumunta ng HR.”  Ani ko pa. “Bakit ka naman pupunta ng HR?”  Tanong ni Roy sa akin. “Para sabay na nating ireklamo ang isa’t isa.”  Nakangisi kong sagot.  “Tumayo ka na dyan o baka gusto mong akayin kita? Para hindi ka mapagod papuntang 4th floor. Baka sumumpong pa yang gout mo.” “Bumalik ka na nga sa ginagawa mo, Celine.”  Kakamot-kamot sa ulong saad ni Roy sa akin na halatang naiinis na.  “Villafuerte, 3 points.”  Ani ko habang nagpretend pa akong nagshoot ng bola habang pabalik sa table ko.  Bwahahahahaha. Nakipag-appear pa ako sa kapwa ko junior auditor na si Madeline na nakaupo sa tapat ng table ko.  “Nakaresbak ka doon ah.”  Pabulong na saad ni Madeline.   “Wala ako sa mood ngayon na itolerate ang mga kagaya kong bully.”  Sinadya ko talaga na medyo ilakas ang boses kong sumagot kay Madeline para marinig nina Roy at Janus.   Iiling-iling si Janus habang nakatingin sa akin.  Oh well, you’re bestfriend is messing with the wrong girl, ani ko sa sarili ko. Gwapo ka sana, Mr. The Janus Vivas, kaso bully ka. Sayang, crush pa man din kita. Ani ko pa sa sarili ko. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD