CHAPTER 3

1559 Words
"Musta po ang byahe mo, My?" Tanong ni CJ sa akin ng bumitaw siya sa pagkakayap sa akin. "Okay naman, anak. Medyo nakakapagod lang. Maaga akong umalis sa Bulacan para makaiwas sa traffic kaya eto inaantok na ako. Then lahat ng expressway dinaanan ko na para mas mabilis akong makarating dito. Nag NLEX at TPLEX na ako. Hindi na ako nagstop over. Kahit namiss kong dumaaan ng Tarlac at makita ang tree enclosed na kalsada doon e ok lang dahil ayokong ma-late sa lunch na to with Elaine and her parents. Ayoko namang mapahiya tayo pareho sa future daughter in law ko lalo na sa parents niya kaya hindi na din muna ako dumaan ng Manaoag. Sa paguwi ko na lang ako dadaan. Kanina pa ba kayo?" Tugon ko. "Hindi naman po, My. Kakadating lang din po namin." Ani ni CJ na nakahawak sa kamay ko. "Kasabay ko pong pumunta dito sina Tita Jean at Elaine. Sinundo ko po sila sa firm nila. May meeting pa daw po kasi sina Tito kaya pinauna na po kaming pumunta dito." "Si Tata Ric mo, nasaan?" Tanong ko. Hindi ko kasi natanaw si Ric kanina sa inooccupy na table nina CJ. "Susunod na lang daw po siya, My. Hindi pa po kasi dumating ung delivery ng gasul kaninang tinawagan po ako ni Elaine kaya pinauna na poi ako ni Tata Ric. Magcocommute na lang daw po siya." Saad ni CJ. "Dapat pala dinaanan ko na lang siya on my way here." Ani ko kay CJ. “Si Tata Ric mo talaga gusto pa ng grand entrance as usual.” “Ang kagandahan at alindog ko ba ang pinag-uusapan niyong mag-ina?” Narinig naming saad ni Ric. Hindi namin napansin ang pagpasok niya dito sa Cabalen. 18th birthday kasi tomorrow ng girlfriend ni CJ na si Elaine. Pre-birthday celebration today dahil bukas may grand celebration sa The Manor Hotel kaya kahit wala pa sa schedule ay pumunta ako dito sa Baguio and ngayon pa talaga sa petsang ito natapat ang pagpunta ko dito. More than a year na ang relasyon nina CJ at Elaine. Sabi nga ni Ric ay seryoso sina CJ at Elaine sa relasyon nila. Balak nga daw magpakasal ang dalawa 3 years after nilang magtake ng board exams. Parehong BS Accountancy ang kurso nina CJ at Elaine. Dito sa Cabalen Restaurant sa loob ng SM Baguio nila napiling maglunch kami with her parents kaya dito na din ako dumiretso all the way from Bulacan. Actually kanina pa ako nandito sa Baguio. After kong manggaling sa Baguio Cathedral ay naisipan kong maglakad lakad muna sa Burnham Park gaya ng nakasanayan kong gawin pag andito ako sa Baguio. Medyo mas nostalgic nga lang dahil sa petsa ngayon. “OO.” Tugon ko kay Ric sabay yakap sa kanya. “Namiss kita. Namiss ko kayo ni CJ.” “Ay sus para namang hindi tayo nagvideocall kagabi. Ang arte.” Biro ni Ric sa akin. “Mamaya na po tayo magkwentuhan.” Pagsingit ni CJ ng makitang sasagot pa sana ako sa Tata Ric niya. “Tara na po, My at Tata Ric. Naghihintay na po sila sa atin though wala pa naman po sina Tito.” Aya ni CJ. Hawak ni CJ ang isang kamay ko habang hawak naman ni Ric ang kabilang kamay ko nang nagtungo kami sa mesang inookupa nina Elaine at ng mama nito. Ibang level yung happiness ko pag kasama ko sina Ric at CJ. I feel secured at panatag ako kahit andito ako ngayon sa Baguio. Maraming beses na kaming nagmeet ni Elaine though hindi pa siya nakarating sa Bulacan. First time ko namang mamemeet ang parents niya na ni names nila ay hindi ko alam. Pati nga surname nila ay hindi ko alam. Hindi naman kasi ako matanong. I trust CJ's choice and judgement. “Tita Celine, mano po. Tata Ric, mano po.” Masayang salubong sa amin ni Elaine. After niya magmano sa amin ni Ric ay nakipagbeso-beso siya sa amin. “Ma, si Tita Celine po. Siya po ang Mommy ni CJ. Tita Celine, Mama ko po.” Pag-introduce ni Elaine sa amin ng Mommy niya sa isa’t isa. Gaya ni Elaine ay maganda din ang Mama niya. Mukhang ka-edad ko lang din. “Hi, I’m Celine. Nice to meet you finally.” Ani ko sa Mama ni Elaine sabay abot sa kamay ko para makipagshake hands sa kanya. “Hi, Celine. I’m Jean. Yes, finally nagkakilala na din tayo at nagmeet na din ang mga schedule natin.” Ani ng Mama ni Elaine sabay abot sa kamay ko para makipagshake hands then nakipag-beso beso din siya sa akin afterwards. Matagal na din kasing nagplaplano sina CJ at Elaine ng meet-up naming mga parents nila pero madalas hindi nagtutugma ang schedule namin. “Hi, Ric. Hindi ka na ulit napunta sa bahay?” Bati ni Jean kay Ric at nakipagbeso-beso din siya kay Ric. Aba, close sila, sa isip isip ko. “Hi, Jean.” Ani ni Ric habang nakikipagbeso-beso kay Jean. “BFF kami ni Jean.” Ani ni Ric sa akin. Napansin siguro niya ung pagkagulat ko sa pakikipagbeso-beso sa kanya ng Mama ni Elaine. “Oo, Celine, mag BFF kami nitong si Ric. Siguro kung dito ka din nagstay sa Baguio, tatlo tayo nina Ric na mag BFF at maguukay-ukay sa night market dito or magnight out along Session Road.” Masayang kwento ni Jean habang umuupo kami sa reserved seats namin. Session Road. Ang dami ko ding memories doon. “Di bale, Tita, next month po andito si Mommy for the whole month. Promise niya sa akin yon for her 42nd birthday. Makakapagnight market at night out po kayo sa Session Road with Mommy at ni Tata Ric. Di po ba, My.” Ani ni CJ sabay sa tingin sa akin. “Yes, as promised. Baka magtampo ka pa pag di ako tumupad sa usapan natin.” Tugon ko kay CJ. Matagal ng inilalambing ni CJ sa akin na magstay ako dito sa Baguio for my birthday next month. Kahit na may deadlines ako para sa mga clients ko ay pinagbigyan ko na ang anak ko dahil matagal-tagal na din akong hindi nakapagstay dito ng matagal. Usually 2 to 3 days lang ang inilalagi ko dito pag napupunta ako. “And just to make you happier, CJ, I'll be staying here for 6 weeks starting today.” Masaya kong saad kay CJ. “Really po, My?” Nakangiting tanong ni CJ na tinugunan ko ng pagtango. Agad akong niyakap ni CJ. “Really po, Tita Celine? Yehey! Sasama po kami ni CJ sa mga lakad nyo po nina Mama at Tata Ric.” Excited na saad ni Elaine. Nakita kong tumango si CJ kay Elaine. “Mas matanda pala ako sayo ng 3 years, Celine. Nag-45 ako nung April.” Ani sa akin ni Jean. "45 ka na? Hindi halata. You look younger, Jean. Akala ko magkaedad lang tayo." Ani ko kay Jean. "Thanks sa compliment, Celine. Sulitin natin yung six weeks na magstay ka dito sa Baguio." Tugon sa akin ni Jean. “Need ko ng magpaalam sa Papa mo, Elaine, para sa mga lakad namin nina Tata Ric at Tita Celine mo.” Dagdag pa ni Jean. “Ano ‘yung ipagpapaalam mo sa akin ha, Ma?” Narinig kong saad ng lalake na lumapit sa inuupuan ni Jean at humalik sa pisngi niya. "Mano po, Pa." Ani ni Elaine nang magmano naman siya sa bagong dating na lalake at kumiss din sa pisngi ng lalake. Tumayo din si CJ para magmano sa lalake. "Mano po, Tito Roy." Ani ni CJ. Kinabahan ako dahil bukod sa familiar sa akin ang boses ng lalakeng nasa harap ko at dahil na din sa pangalan na sinabi ni CJ. Nanlaki din ang mga mata ko ng makilala ko ang lalake na papa ni Elaine. “Pa, si Tita Celine po. Mommy ni CJ. Tita Celine, Papa ko po.” Pag-iintroduce ni Elaine sa akin sa Papa niya. “Celine? Celine Villafuerte? Ikaw na ba yan? Ang tagal nating di nagkita. Ang tagal mong nawala.” Gulat na saad ng Papa ni Elaine habang nakatingin sa akin. Itinaas pa niya ang kamao niya para makipagfist bump sa akin. Nakita kong nagulat din sina Jean, Elaine, CJ at Ric sa naging reaction ng Papa ni Elaine. Ramdam kong lahat sila ay nakatingin sa akin ngayon. Shit! Sigaw ng utak ko. Gusto ko mang umiwas pero huli na. Nakita at nakilala na niya ako. Nasa harap ko ngayon ang isa sa mga taong ayoko ng makita at gustong iwasan dito sa Baguio pati na sa mundong ito. Si Roy Montes. Ang bestfriend ni…. “Celine…” Narinig kong tawag ng isa pang pamilyar na boses mula sa likod ko. Na kahit halos 2 dekada na ng huli kong narinig ang boses na yon ay kilala ko pa din kung sino ang nagmamay-ari ng boses na tumawag sa pangalan ko lalo na andito na sa harap ko si Roy. Na kahit hindi ako lumingon ay sigurado ako na nasa likuran ko ang lalakeng naging parte ng buhay ko at minahal ng puso ko. Ang kaisa-isang lalake na pinag-alayan ko ng sarili ko pero binigo ako. Ang lalakeng iniiwasan ko dito sa Baguio pati na sa mundong ito. Si The Janus Vivas….Ang biological father ni CJ.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD