CHAPTER 8

1358 Words

Hindi ako dumiretso sa department namin. Dumaan na muna ako sa clinic dahil ramdam ko ang pananakit ng ulo ko.  May sinat nga ako based sa nakuhang temperature ni Nurse Joy sa akin. Pinainom niya ako ng paracetamol at binigyan pa niya ako ng 2 piraso para inumin ko daw after every 4 hours if ever hindi pa mawala ang sinat ko. Nabanggit ko sa kanya na kakabalik ko lang galing Bulacan kaya sabi niya baka dahil lang sa pagod kaya ako sininat. Pagod at stress dahil kay Jake at Janus, sa loob loob ko. "Saan ka galing, Celine? Kanina pa tapos ang lunch break natin." Bungad sa akin ni Roy pagpasok ko ng pinto ng department namin. Halatang inaabangan niya ang pagdating ko. Nakaupo siya sa sofa sa visitor's waiting area na nasa papasok ng office namin. Past 1pm na kasi. "Sa clinic po." Tugon ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD