JOAQUIN'S POV:
“Good morning, Sir.” bati sa akin ni Alex.
“Good morning. Anong agenda natin today?” tanong ko sa kanya.
“Nga pala Sir, ito na po yung hinihingi ninyong background check. It turns out na kamag-anak niyo po pala si Ms. Suarez.”
“What? Patingin nga.” kinuha ko kaagad yung hawak niyang envelope.
“Anak siya ng kapatid niyo sa ama na si Ms. Rosenda.” paliwanag pa ni Alex at pagtingin ko ay totoo nga.
“So that means she's my… niece.”
Damn it. Sa dinami-dami ba naman ng babae. Kung kailan attracted na ako sa kanya. Puta naman.
“Yes she's your niece Sir, why not appoint her to a higher position? mukhang magaling naman siya eh.”
“No. Walang kama-kamag-anak dito, Alex tandaan mo yan. Hindi porket pamangkin ko siya eh mataas na posisyon na agad ang ibibigay ko sa kanya. She needs to learn the basics lalo na’t kaka-graduate niya palang and this is her first job.” paliwanag ko kay Alex.
“Sabagay, pero kung si Sir Joaquin ang CEO siguro iyon ang gagawin niya, alam niyo naman po si Sir Joaquin napakabait lalo na sa mga apo.”
“Alex, nakakahalata na ako sayo ah, ayaw mo ba na ako na ang CEO ngayon?”
“Hindi naman sa ganon, Sir, nasanay lang kami.”
“Pwede ba? Hindi na si daddy ang CEO ngayon at magkaiba kami ng pamamalakad sa kumpanya kaya kung ano ang gusto ko, iyon ang masusunod. Maliwanag?”
“Yes, Boss!”
Hindi ko na pinakialam muna yung nalaman ko tungkol sa koneksyon namin ni Rosaline dahil priority ko ngayon ay trabaho. Sigurado kasing pag pumalpak ako ay sa akin na naman ang sisi at isa pa, lagot ako kay daddy kaya kailangan kong pagbutihin ‘to.
ROSALINE'S POV:
Late na ako kung kaya't napatakbo na ako papasok ng elevator at saktong naabutan ko iyon kung kaya't nagmadali na akong pumasok. Kasunod ko namang pumasok din si Aya.
“Uy, late ka din? lagot tayo!” saad niya sa akin at natawa kami pareho. Sa gilid namin ay may isang matandang janitor. Hindi namin makita ni Aya ang mukha niya dahil naka-sumbrero siya ngunit naka uniporme siya ng utility at may hawak na mop.
Napabuntong hininga ako dahil kung totoo ngang magbabawas ang Dela Vega Corp ng empleyado ay kawawa naman itong si tatay. Paano kung ito lang ang trabahong inaasahan niya at may mga anak o apo pa siyang kailangang suportahan at alagaan? hays kailangan ko talagang makausap si Uncle Joaquin.
Maya-maya ay may isang babaeng pumasok. Naka-business suit din ito at may dala pang shitzu.
Hindi ba’t bawal ang aso dito?
Magsasara na sana ang elevator nang bigla itong nag-overload.
“Hmm, overload. Janitor ka dito? baba!” saad niya na tinutulak na yung matanda palabas ng elevator.
“Teka, sandali lang! kung makatulak ka naman!” singhal ko sa babae habang inaalalayan yung janitor.
“Common sense naman kasi kita niya na ngang overload hindi pa bumaba!” saad ng babae na inirapan ako. Takot naman si Aya kung kaya't wala siyang imik at hindi niya alam ang gagawin niya.
“Anong common sense?! okay yung elevator kanina, nung pumasok ka saka ‘yang shitzu mo na mukhang bulldog biglang nag overload! dapat nga ikaw ang bumaba eh!” singhal ko sa kanya. Aba, hindi ako papatalo noh! mali yung ginawa niya!
“The audacity of you?! How dare you na pintasan ang aso ko?! Hindi mo ba kilala kung sino ako?!”
“Hindi! at wala akong paki kung sino ka! mali yung ginawa mo! nakita ng lahat ng nandito sa elevator!” saad ko ngunit tinignan niya lang ng masama ang lahat ng employee na nasa loob ng elevator at tila takot na takot sa kanya ang mga ito.
“Bago ka siguro dito kaya hindi mo ako kilala, well magpapakilala ako sayo. I’m Cindy Dela Torre, anak ako ni Lucio Dela Torre na kasosyo ni Mr. Dela Vega Sr. sa negosyo at future fiance naman ako ni Joaquin Dela Vega Jr. ngayon gusto kong lumuhod ka sa harap ko at sampalin mo ang sarili mo habang humihingi ng tawad sa akin.”
“Ano?! ang kapal ng mukha mo! ako pa nga ngayon ang hihingi ng tawad eh ikaw na nga ‘tong nakagawa ng masama?!”
“Ah ganon?! ayaw mo?” saad niya na tinignan ang ID ko. “Engineer Rosaline Suarez ke-bago bago mo palang dito may sungay ka na! I’ll make sure na makakarating ‘to sa management!”
“Edi isumbong mo! samahan pa kita eh!”
“Matapang ka huh, pasalamat ka, late na ako pero sa susunod na mag krus ang landas natin. Hindi ko na talaga ito mapapalagpas!” saad niya na pinindot ang elevator at sumara iyon. Naiwan naman kami ni manong janitor sa labas.
“Okay lang ho kayo, Manong? may masakit ba sa inyo?” tanong ko kay manong kasi malakas talaga yung pagtulak ng bruhildang Cindy na iyon kanina. Hayop siya!
“Salamat Hija, ayos lang ako, pasensya ka na at mukhang late ka na ring papasok.”
“Ay, okay lang ho mas gugustuhin ko pang ma-late kesa makasama ang bruhildang iyon sa elevator kasama ng shitzu niyang pangit na mukhang bulldog.”
Natawa kami pareho ni Manong sa sinabi ko.
“Ikaw talaga bata ka, oh siya sige na at may trabaho pa ako. Salamat ulit.”
“Sige po, ingat po kayo dyan, Tay!” iyon lang at umalis na si manong Janitor.
Makapal talaga ang mukha ng babaeng iyon at kaya naman pala ganon siya umasta dahil future fiance kuno pala siya ni Uncle Joaquin. Akala niya hindi ko siya papatulan?! Apo ako ni Joaquin Dela Vega Sr. at wala sa dugo namin ang nagpapatalo!
***
Isang linggo na ako dito sa kumpanya at binibigyan na ako ng mga projects pa-unti-unti. Ang sabi kasi ay mag-observe daw muna kami sa mga daily operations dito at may mga natututunan na rin naman ako.
Tinignan ko ang lahat ng projects ngayong buwan at fully booked talaga ito. Grabe. Kaya pala nag hire ng mga new engineers at architects dahil buwan-buwan ay napakaraming client na gustong magpagawa.
Ang iba ay mga nakikilala ko dahil kasosyo sa negosyo ni kuya ang ibang CEO ng mga kumpanya at wala silang ibang ginawa kundi magpatayo ng buildings, malls, resorts, hotels, restaurants at iba pang mapagkakakitaan.
Maya-maya ay lumapit naman sa desk ko si Aya na para bang nag-aalala ang mukha.
“Rosaline! May napkin ka ba? natagusan kasi ako eh, hindi naman ako makababa para bumili may tinatapos pa akong designs eh.” saad niya.
“Napkin? wait tignan ko.” saad ko sa kanya at nakakita naman ako sa cabinet ko.
Inabot ko sa kanya iyon at naalala na hindi pa pala ako dinadatnan. Ngayong week na rin dapat ang regla ko kaya nga may stock ako ng napkin eh pero hindi ko maintindihan kung bakit wala pa. Regular naman ang mens ko. Nakakapagtaka.