ROSALINE'S POV:
Imbis na masesante ako, na-promote pa ako. Hindi ko na talaga alam ang iisipin ko kay uncle Joaquin.
“Oh, tatlong araw tayo sa Casa Joaquin ah, nakapag ready ka na ba?” tanong sa akin ni mommy. Nasa bahay pa ako ngayong umaga at nagbibihis para pumasok sa trabaho.
“Huh? tatlong araw? bakit?”
“Ano ka ba? nakalimutan mo na ba? 80th birthday ng lolo Joaquin mo.” masayang-masaya si mommy habang sinasabi sa akin iyon.
“Huh? ngayon ba ang birthday niya?”
“Bukas pa pero dapat ngayong gabi nandoon na tayo kaya pag-uwi mo mag empake ka na, magdala ka ng swimsuit mo para kung gusto mo mag swimming doon sa malaking pool tapos nagtahi rin pala ako ng mga mini-dress mo. Nandoon na sa kwarto mo tignan mo. Magaganda iyon!”
“Mom, I’m too old for your dress-ups.”
“Anong too old pinagsasabi mo? you're still my babygirl kaya gagawan pa rin kita ng mga damit kahit ayaw mo.”
“Fine. I’ll check it later. Aalis na ako ma, male-late na kasi ako sa office, bye.” saad ko at nakipagbeso-beso kay mommy.
“Okay, ingat, Anak ah, kung sakaling male-late ka ng uwi mamaya sumunod ka na lang doon, alam mo naman ang papunta sa Casa Joaquin, diba?”
“Uhm, hindi?”
“Basta ite-text na lang ni daddy mo sayo ang lugar. Okay?”
“Okay.” saad ko at saka lumabas na ng bahay.
DELA VEGA CORP.
Simula na naman ng trabaho. Inabutan ako ni Aya ng kape.
“Wow, may pa-kape ka ah.”
“Congrats sa promotion mo!” saad ni Aya na ngumiti pa ng malapad sa akin pero sa totoo lang, hindi ko talaga nagugustuhan ang promotion na iyon.
“Salamat!” iyon na lang ang nasabi ko kahit labag naman talaga sa kalooban ko iyon.
“Pero bakit dyan ka pa rin umuupo? maglipat ka na girl!”
“Huh? bakit? What's wrong with my desk? okay naman dito ah.” tanong ko sa kanya.
“Ano ka ba? secretary ka na ngayon ng CEO kaya hindi ka na dyan uupo.”
“Huh? eh saan?” tanong ko at luminga-linga sa paligid.
“Syempre, doon ka na sa office ni Ms. Laura.”
“Ganon ba? eh… naku nakakahiya,” saad ko dahil nandoon pa si Ms. Laura at nag aayos ng mga gamit niya. Malungkot ang mukha nito at animo'y disappointed sa sarili.
Maya-maya ay dumating naman ang mga skilled workers sa Dela Vega Corp.
“Nandito po ba si Ma’am Rosaline Suarez?” tanong ng isa na nakapang construction uniform pa. Tatlo silang naghahanap sa akin.
Madungis ang hitsura nila dahil puro simento ang kanilang mga uniporme pero normal na lang iyon sa kanila dahil iyon ang trabaho nila.
Ganon naman talaga. Naka-maong pants, may safety gears, long sleeve na uniporme at may gloves pa ang mga kamay, naka-bota pa sila.
“Ah, eh, ako ho iyon bakit po?” tanong ko na nagtaas ng kamay para makita nila ako.
“Ma’am pinapaakyat na ho kayo ni Sir Joaquin, ang utos niya daw ho sa amin ay tulungan namin kayo sa pagbubuhat ng mga gamit niyo.”
“Huh? ah eh teka lang, bakit?”
“Sabi niya ho doon na daw kayo mag-o-opisina sa taas.”
“Ah ganon ba? oh sige, ayusin ko lang yung mga gamit ko.”
Naku! mukhang hindi maganda ito. Kinukutuban ako ng masama. Bakit doon ako mag-o-opisina? eh ang luwag luwag naman dito samin!
“Goodluck, Girl!” kantyaw naman ni Aya, napasipsip na lang tuloy ako ng iced coffee na binili niya sa akin habang inaayos ang mga gamit ko.
Konti lang naman ang mga gamit ko dahil bago palang ako doon. Ang dala ko lang naman palagi ay maliit na shoulder bag dahil yung laptop ko ay iniiwan ko na sa desk ko.
Meron lang akong picture frame kung saan nandoon ang family pictures namin. Desktop vanity mirror, comfy na color pink na flipflops, pillow seat cushion, jacket and hoodie dahil lamigin talaga ako sa aircon. Hindi ko nga alam kung paano ako nakatagal sa States dahil lamigin talaga ako tapos isang insulated tumbler.
Tinulungan pa talaga nila ako dalhin ang mga iyon sa taas. Napakabait nila kuya dahil hindi nila ako hinayaang magbuhat pa.
Ang mga mabubuti at magagaling na empleyado ang kayamanan ng isang kumpanya kaya kung magtatanggal si uncle ng mga lumang empleyado paano nalang ang kumpanya?
Nalungkot ako sa isiping iyon ngunit wala naman ako sa lugar para magdesisyon dahil hindi naman ako ang CEO. Isa lang rin akong empleyado na sinisikap gawin ang trabaho ko sa araw-araw.
Nang maka-akyat kami sa taas ay naghihintay na sa akin ang bago kong opisina. Katapat lang iyon ng opisina ni Uncle Joaquin at glass pa kung kaya't kitang-kita niya ako habang nagta-trabaho.
Maliit na opisina lang iyon pero ang kinagandahan ay solo ko doon. May privacy, unlike sa opisina doon sa ibaba. I think mas okay naman magtrabaho dito ang problema ko lang ay si uncle Joaquin.
Alam kong alam niya na yung koneksyon namin sa isa’t-isa at hindi pa kami nakakapag-usap tungkol doon dahil palagi kaming busy sa trabaho.
Pero mas maganda kung talagang kinalimutan niya na iyon dahil may fiance na siya at saka hindi naman talaga kami pwede dahil mag kamag-anak kami at para wala na ring kumprontahang maganap. Mas okay na iyon.
“Ayusin niyo ah, yung mga floating shelves na ikakabit, paki-kabit na dito.” pagmamando ni uncle Joaquin sa mga tao niya, busy siya at nakatalikod pa kung kaya't hindi niya pa napapansin na umakyat na kami. Inilagay ko na lang muna ang mga gamit ko sa tabi.
“Boss!” tawag naman sa kanya nung isa sa mga skilled worker na kasama ko.
Napalingon siya sa amin.
“Oh, nandito na pala kayo. Ms. Suarez, dito ka na mag o-opisina simula ngayon ah.”
“Opo Sir, salamat po.” saad ko.
“Sige na, paki-ayos na ‘yang table saka mga gamit.” utos niya na ginawa naman nung tatlo.
Nang maayos na ay umupo na ako doon at umalis na rin sila kuya na nag-ayos ng opisina ko.
Maya-maya ay nagulat naman ako nang lumapit sa akin si uncle Joaquin at hinawakan ang mouse ng desktop.
Halos yakapin niya na ako dahil nasa likod ko siya habang nakatingin sa computer monitor at sine-set up iyon. Magkatabi ang mga mukha namin at hindi ko maiwasang hindi maamoy ang napakabangong panlalaking pabango niya. Damn it! lalaking-lalaki yung pabango niya, ang bango.
Napatikom ako ng bibig dahil hindi ko alam kung anong ire-react. Mygoodness! gusto ko ng lamunin ng lupa sa hiya at sa tingin ko ay namumula na ang pisngi ko. Nananadya ba ‘to? gusto niya atang ipaalala sa akin yung gabing kinuha niya ang virginity ko.
“Oh, ayan ah, naka-set up na yan. Kung kailangan mong tignan yung mga schedules natin nandyan na rin, ocular visits at yung mga quotation at mismong progress ng projects.”
“S-sige po, Sir.”
“Okay, all settled then, goodluck, Babygirl.” saad niya. Nanlaki ang mata ko sa gulat sa sinabi niya habang siya naman ay ngumiti ng sarkastiko sa akin.
Walang hiya talaga! pisti! makakapag trabaho ba ako ng maayos nito?