Prologo
“Tagu-taguan maliwanag ang buwan pag bilang ko ng sampo nakatago na kayo ...”
“Ate Sam, saan ba tayo magtatago?” Pabulong na sabi Chester.
Kaagad kong kinuha ang kamay niya, at mabagal ngunit tahimik kaming naglakad palayo sa taya.
Inikot ko ang aking mata sa paligid na aming kinaroroonan nang, nakakita ako ng malaking puno sa di kalayuan, kaagaran ko siyang hinatak papunta roon.
Biglang dumilim ang paligid, at sabay kumulog at kumidlat, nakaramdam ako ng matinding takot sa biglang pag dilim ng kalangitan, nasa malalim na parte na kami ng gubat.
Ang mga alulong nang aso, ang nagpatakbo sa akin pabalik, habang mahigpit ang hawak sa kamay ng aking kapatid.
Nang maramdaman ko ang pagluwag ng kanyang hawak sa aking kamay, ay agad kong hinigpitan muli ang aking pagkakahawak dito.
“Chester, wag kang bibitaw malapit na tayo!”
Sigaw ko sa kanya habang binibilisan ko ang pagtakbo, kasabay ng bilis ng takbo ko’y ang pagkalas ng kanyang pagkahawak sa’king mga kamay.
“Chester!”
Sigaw ko ng tuluyan kumalas ang paghawak niya sa aking kamay.
Pinilit ko siyang balikan, pero hindi makagalaw ang mga paa ko para bang napako ito sa aking kinatatayuan, kahit anong pilit kong i-galaw ang mga ito ayaw nitong gumalaw.
“Chester!”