Chapter 1

540 Words
Parang kahapon lang ang bata-bata pa nila pero ngayon malalaki na silang dalawa. Marami na talagang nagbago sa kanilang dalawa. Dianne was now 17 turning 18 at si Joffer naman ay 20 na. Second year college na siya ngayon sa kursong Culinary Arts at si Joffer naman ay  gagradweyt na sa kursong engineering. Hanggang ngayon ay matalik na  kaibigan nya parin si joffer at ito parin ang karamay nya kung may problema sya. Maraming nagsasabi na may relasyon silang dalawa pero benabalewala na lang nila iyon. Wala silang pakialam sa sasabihin nang ibang tao at ang importante ay masaya sila na kasama ang isa't-isa. Inaamin niya unti-unti nang nahuhulog ang loob niya para dito pero isinasarili nya na lang ito . Mahirap na, masira pa ang friendship nila.  " Hey, may problema ba? " may  pag-aalalang tanong nito sa kanya. " Ha? Wala ba't mo natanong? " nagugulumihang sagot  niya.  " Dianne, talaga bang wala? Kilala kita. " muling tanong nito.  " Ang kulit mo talaga wala nga eh! " sagot niya at pinisil ang ilong nito.   Tulad ng dati ay parati silang pumupunta sa tabi ng dagat. Mayaman sila at nakatira sa isang beach resort na pagmamay-ari ng daddy niya at kasosyo naman nito ang daddy ni Joffer. Doon meron silang privacy. She was the only child at ganun din naman si Joffer. Masuwerte sila sa kanilang buhay. " O, kamusta ang pag-aaral mo? " tanong nito.  " Ok naman! " sagot ni Dianne at tinitigan ito. Ngumiti ito sa kanya at lumabas ang mga dimples nito. Ang cute talaga nito kapag nakangiti! Kapag nakikita nya ang mga dimples nito ay nawawala lahat ng mga problema niya. Ito na yata ang asset nito kumbaga ang talagang naaakit siya. Di  nya namamalayan na kanina pa sya nakatitig dito.  " Uy, gusto mo ako ano? " pang-iinis na tanong nito sa kanya. " Ah..gusto pala ha? Eto gusto mo? " kinurot niya ito sa tagiliran. " Aray masakit! Alam mo kahit kailan pikon ka talaga, kasi nga gusto mo ako. " pabirong saad nito at nagsisigaw na "Gusto ako ni Dianne.. Gusto ako ni Dianne.." hinabol niya ito. Naghabulan silang dalawa na parang mga bata.  " Mahahabol din kita. " sigaw niya rito at binilisan pa ang takbo. " Sige nga, habulin mo nga ako! " hamon nito sa kanya. " Ang lalaking to pinapahirapan ako talaga." sabi niya sa sarili. Naisip niya na magdrama. Tumigil siya sa pagtakbo  at hinawakan ang ulo na para bang masakit ang ulo niya. Palihim siyang natatawa sa ginagawa. Alam niyang concern ito sa kanya. Nakita niyang nagmamadali itong tumakbo papalapit sa kanya.  " Ok ka lang? " pag-aalalang tanong nito at nawala ang concern sa mukha nito ng makitang tumatawa siya. Kinurot niya ito sa tagiliran. " Akala mo hindi ako makakaganti sayo? " sabi niya rito habang nakangiti.  " Aray kahit kailan tuso ka talaga!Akala ko ano nang nangyari sayo, " sabi nito na may himig parin nang pag-aalala. " Alam mo ang dali mong lokohin? "pabirong saad niya. " Kaya nga ikaw na ang drama Queen!!! " " Ah.. Joffer pwede ba kitang maging ka last dance sa debut ko?" tanong ni dianne. " Sure, why not? " sagot nito.                                                                  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD