Chapter 2

521 Words
Dumating na nga ang araw na pinakahihintay nya , Her debut. Nagpaganda siya nang todo para naman mapansin siya ni Joffer. She is wearing a pink cocktail dress na bagay naman sa kanya. " Ah,tita nasaan na po si Dianne? " tanong ni Joffer sa mama nito. "  Mamaya bababa na yun. "  " Look si Dianne. " narinig niyang sabi nang babae at napatingin siya sa kinaroroonan nito. Maraming taong naghihiyawan at napakaganda nito. Natulala siya ng ilang minuto. " Salubungin mo na sa hagdan. " narinig niyang sabi ng mommy nito at saka lang siya nagbalik sa sarili. Nakita ni Dianne na papalapit si Joffer sa kanya. He looks handsome at pakiramdam niya ay parang isa siyang prinsesa na sinasalubong nang kanyang prinsipe. Walang iba kundi si Joffer. Maya-maya'y nasa harapan na niya ito. " You look beautiful! " sabi nito at pakiramdam niya ay siya na ang pinakamagandang babae sa mundo.  " You too, you're so handsome! " tugon niya at ngumiti naman si joffer sa kanya. Hinawakan siya  nito sa kamay at iginiya papunta sa daddy niya. Her daddy was her first dance. Habang sinasayaw niya ang iba ay nakita niyang nakatingin at nakangiti si joffer sa kanya. Now, it was Joffer's turn kaagad siya nitong nilapitan at iginiya sa dance floor. Hinawakan siya nito sa beywang at kamay. Pakiramdam niya ay parang napapaso siya sa mga hawak nito at parang may kuryenteng dumadaloy sa kamay nito patungo sa kamay niya.   " You're so beautiful! " he whispers on her ears.  " It's the second time you've said that!!! " "  Kahit ulit-ulitin ko pa. "sabi nito at parang gustong lumundag ng puso niya sa tuwa. The party ended at nagsiuwian na ang mga guest at abala ang mga katulong sa paglilinis. "  Hey nasaan na ang gift ko? " tanong niya kay Joffer. Nakita niyang may kinuha ito sa bulsa at inilabas ang maliit na box. Napaisip siya , ano kaya ang laman ng box? Was it a ring? Kinabahan siya sa naisip. Was he going to propose? "  Ano to? " kinakabahang tanong niya.  "  Surprise! Buksan mo ! " nakangiting sagot nito.  Dahan-dahan niyang binuksan ang box, singsing ang nasa isipan niya. Laking gulat niya ng mabungaran ang laman ng box, isa itong kuwintas. Medyo na dis-appoint naman siya dahil ini-expect niya na singsing ang laman ng box pero at least nawala na ang kaba sa dibdib niya. Ang tanga mo talaga Dianne. Bakit ka naman niya bibigyan ng singsing? You're just friends at saka pwede ba wag kanang umasa na magkakagusto siya sayo! Masasaktan ka lang!  " Tititigan mo na lang ba yan? " narinig niyang tanong ni Joffer.  " Ahhhhhh..salamat pala " tugon niya. " Akin na nga at isusuot ko sa iyo " sabi nito at saka pumuwesto sa likuran niya. Naaamoy niya ang pabango nito at ang sarap sa pakiramdam niya. Pagkatapos nitong maisuot ang kuwentas ay muli itong humarap sa kanya na nagniningning ang mga mata habang nakangiti at lumalabas ang super cute na mga dimples. " Salamat ." sagot niya at nginitian ito ng ubod ng tamis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD