Hiwaga

1696 Words
Nasaan ako? nagtatakang tanong niya sa sarili ng iikot niya ang mga mata ay isang walang hanggang mga punongkahoy ang nakikita niya at napakalawak nito. Ang mga damo ay napakaganda at halatang inaalagaan ito dahil pantay ang sukat nito at may mga maliliit na bulaklak na tumutubo sa paligid at sa gitna nito makikita ang napakalaking bulaklak, mga paro- parong nagliliparan at mga malilit na hayop na naghahabulan. Wala siyang ibang naririnig kundi ang mga huni ng mga nagliliparang ibon,hayop at mga sanga ng punongkahoy na nagtatagisan. Nang tumingin siya sa bandang kaliwa ay mababakas ang kanyang pagka mangha ng makita ang isang napakagandang bulaklak, kumkinang ito sa sikat ng araw ngunit ang nakapgtataka ay parang takot ang mga hayop na lumapit dito kahit nga ang mga ibon ay hindi lumalapit o dumapo manlang sa mga sanga nito. Umiiiwas sila!! Bakas ang pagtataka sa kanyang boses. Nang hindi na nakatiis ay lalapitan niya sana ito at hawakan ang tila tuyong mga bulaklak nito upang itanim sa kanilang bakuran ng may boses siyang naririnig at katulad ito ng boses na naririnig niya kumakilan lang. Sheena... Sheena... wag kang magpapatalo sa iyong kuryosidad. Wag mong subukan na hawakan ang tuyong bulaklak na iyan... Malalim ang boses nito ngunit mababakas ang pag-aalala sa boses. Ang mga kamay na akma sanang aabot ay itinigil niya lumilinga sa paligid. Bakit hindi ko sila pweding kunin o hawakan man lang? Ngunit ang mga bulaklak na ito ay tila pamilyar na sa akin. Tanong niya sa boses na naririnig na kanyang naririnig. Habang sinasabi iyon ay dahan dahan siyang bumalik sa kinakatayuan niya kanina. Umupo siya sa damuhan at hinihimas ang isang maliit na usa na kanina pa sumusunod sa kanya at ng makitang umupo siya ay tumabi ito sa kanya. Sapagkat iyan ay isang halamang Crypto kaya pamilyar saiyo dahil nakita mo na ito. Maganda ang kanilang mga bulaklak ngunit lason ang mga ito kung natuyo na. Kung wala kang alam at kakayahan kung paano sanggain ang lasong taglay nito ay paniguradong mapapahamak ka. Sagot ng boses sa kanya ngunit parang hindi parin siya naniniwala rito. Sino ka ba at bakit palagi ka nalang kumakausap sa akin. Ano ang iyong pangalan. Tanong niya rito at tumingin sa katabi niyang hayop na ytila gustong mag pa karga sa kanya kaya binuhat niya ito at inilagay sa kanyang mga hita. Ako ay iyong tagabantay. Maikling sagot nito. Aking tagabantay? Bakit... kailangan ko ng tagabantay? naguguluhang tanong niya. Sapagkat sa darating na panahon ay kakailangan ka nila Sheena, ikaw ang magliligtas sa kanilang lahat at kaagapay nito ay ang mga hirap at pagsubok na iyong dadanasin. Isa kang malakas na nilalang Sheena, isang hiwaga na walang kapantay ang iyong taglay. Ako malakas? sabay turo sa sarili. Eh hindi ko nga alam kung ano ang aking kakayahan at alam kung mahina ako, palagi nga akong binubully ng aking mga kasamahan. Tumatawang sabi niya ngunit kabaliktaran naman ang nararamdaman niya. Unti - unting tumulo ang kanyang mga luha habang sinasabi iyon. Ano ang silbi ko kung ang mismong sarili ko nga ay hindi ko kayang ipagtanggol tapos sasabihin mo na ako ang makapagligtas sa kanila. Naguguluhang sambit niya habang pinupunasan ang pisnging basang basa na ng mga luha. Magpakatatag ka Sheena, wag kang susuko. Nandito lang ako upang bantayan ka at kung kailangan mo ng tulong ay magpaparamdam agad ako sayo. Balang araw magkikita rin tayo, ngunit ngayon ay kailangan mo munang hanapin ang iyong kapatid Sheena. Dahil kakailanganin mo siya at siya nalang ang iyong natitirang pamilya... Subukan mong ipokus ang iyong sarili at isipin mo ang mga hiwaga na minsan mo ng naka salamuha sa iyong buhay. Ituring mo itong parang iyo at natitiyak kung ito ay iyong makakamtan. Sinubukan niyang sundin ang sabi ng boses sa kanya at iniisip ang mga hiwaga na kanyang nakasalamuha. Pumikit siya at pinakikinggan ang mga himig ng hangin at guminhawa ng malalim. Ilang sandali pa ay may nararamdaman siyang kakaiba sa kanyang sarili. Parang may lumalabas sa kanyang mga kamay at nararamdaman niyang parang may isang malakas na pwersa ang sumanib sa kanya at ng idilat niya ang kanyang mga mata ay nagulat siya sa nasaksihan. Ang mga kilos ng mga halaman at puno ay tila kanyang naintindihan pati na rin ang mga huni ng mga hayop na naruruon. Kami ay nagagalak at sa wakas ay napapansin niyo na at naintindihan. Bakas ang galak na naririnig niya mula sa isang boses ng isang di kalalakihang punong kahoy. Salamat. Salamat aming pinuno... lubos na pasasalamat saiyo. Maliliit na boses naman mula sa mga bulaklak at ganuon din ang sinasabi ng mga halaman. Talaga bang naintindihan ko kayo? Ano ito! ahhhhh...!!! ang galing. naintindihan ko kayo... Pero paano? Magkahalong tuwa at galak ang kanyang nararamdaman ngunit mas lamang duon ang pagtataka. Lumalakad siya habang lumilinga sa kanyang paligid na hindi parin maka paniwala sa lahat ng nangyayari. Ang mga hangin ay tila sumusunod sa kanya at ng isipin niyang palakasin ito ay nagulat siya siya ng unti - unting lumakas ang hangin na humahampas sa mga puno, tila itong isang buhawi ng subukang niyang kumalma ay unti - unti narin itong nawawala. Saglit lamang ay may mga apoy na lumabas sa kung saan at nakikipag laro sa kanya subalit dahil natatakot ay tumakbo siya ngunit hinabol parin siya ng apoy. Wahhhh... wag kang lumapit sa akin, pakiusap. Nakikiusap na sabi niya sa apoy sa pag- aakalang sasaktan siya nito. Ngunit nagtaka siya ng wala siyang nararamdamang kakaiba sa halip ay tila siya nakaramdam ng payapa ng yumakap ang apoy sa kanyang mga katawan. Anong.... Nagtatakang tanong niya sa sarili. Huwag kang matakot sa akin Sheena. Sapagkat ako at ikaw ay iisa. Ninanais ko lang na magtago muna sapagkat alam kong hindi ka pa handa nuon ngunit ngayon ay naitityak namin na handa kana kaya unti - unti kaming nagpapakita at nagpaparamdam sa iyo. Kami? sinong kami. agarang tanong niya. Hindi ko pweding sabihin saiyo, kailangang ikaw mismo ang makakatuklas nito. Gusto niya pa sanang itanong kung ano ang ibig sabihin nito at kung sinong kapatid ang tinutukoy ngunit unti - unting nawawala ang boses na iyon at ng pumiksi ay nagising siya at nalaman niyang panaginip lang pala ang lahat ng iyon. Ang nakapagtataka lang ay may bakas ng luha ang kanyang mga unan at parang totoong nangyari ang lahat na iyon sa kanya. Panaginip lang pala iyon... ngunit parang totoo ang lahat ng nangyayari. Nakatulalang sambit niya. Ano ba ang nangyayari sa akin, malamang isa lang iyon sa aking imahinasyon dulot ng mga nangyayari sa akin. Bumangon siya sa higaan at pumunta sa bintana upang tingnan ang sa labas. Nang buksan niya ang bintana ay madilim pa kaya naisipan niyang bumalik na muna sa pagtutulog. Matagal siyang nakatulala at tinitingnan ang ilaw sa kanyang kwarto na tila ba nanghihingi ng mga kasagutan sa kanyang mga tanong para mag papa - antok ngunit hindi talaga siya makatulog kahit anong gawin niya. Dahil hindi na siya makatulog ay bumangon na lamang at lumabas upang magluto ng pang umagahan nila ng kanyang ina. Mag - uumaga na pala, sambit niya pa. Maka bangon nga at makapag luto na upang matuwa naman sa akin ina. Tuma tangong sabi niya sa sarili. Pumunta siya ng kusina at nagluto ng kanin, pagkatapos ay kumuha siya ng apat na pirasong talong at tatlong pirasong itlog dahil kailangan niya ito sa kanyang lulutuin, gagawa kasi siya ng tinortang talong sa itlog. Pagkatapos ay limang pirasong kamatis, hinugasan niya muna ito bago hinati sa apat pagkatapos ay nilagyan lang niya ng asin at inilagay sa isang di kalalakihang plato. Ito kasi ang madalas ipares ng kanyang ina sa kahit anong ulam na mayruon sila, kahit nga siya ay kumakain din nito. Habang nagluluto ay may naririnig siyang kaluskos kaya ng tingnan niya ito ay nagka gulatan pa silang mag - ina. Wahhhh!!!! ina! may tao... gulat na sigaw niya sa ina. Mahabagin!! Ano ba naman iyan nak. Sheena naman! papatayin mo ba ako sa gulat. Napasinghap ito at napahawak sa pintuan ng kusina sa gulat. Paano ba naman ina, tingnan mo nga iyang mukha mo para ka namang isang taong magnanakaw niyan. Malaking damit, magulong buhok at may inilagay ka pa sa iyong mukha na hindi ko alam kung ano iyan. Sabay turo sa mukha ng ina na tila ba ibang - iba ito sa tunay niyang ina. Ito ba anak? naku gamot ito na itinuro ni Tessa sa akin. Pang tanggal daw ito ng mga kulobot sa mukha at pinanatili nito ang ganda ng iyong mukha. Nangingiting wika ng ina habang nakasapo ang dalawang kamay nito sa mukha at mababakas ang galak sa tinig. Inakay pa siya ng ina na umupo sa tabi nito kaya wala siyang magawa at sumunod na lamang. Mabuti naman po at nabigyan kayo ng gamot na pampaganda ni Aleng Tessa, panigurado po mas maganda kapa sa kanya. Ngumingiting tukso niya sa ina. Naku... naku nak ha, wag mo na nga akong bulahin jan. Sandali nga lang at maghihilamos na muna ako at ng matigil ka na sa katutukso sa akin. Sabi ng kanyang ina bago tumayo upang manghilamos. Pagkatapos manghilamos ng kanyang ina ay nakita nito na hindi pa tapos ang iniluluto niya. Anak? hindi pa pala tapos itong niluluto mo. Sabay baling ng kanyang ina sa kanya. Malamang po ina, eh ginulat niyo po ako malamang hindi ko na naituloy. Katwiran niya sa ina habang kina kamot ang ulo. Oo na, tapusin mo na ito. Tawagin mo lang ako pag tapos ka ng magluto, duon lang muna ako sa sala. Pagkatapos sabihin iyon ng kanyang ina ay umalis na ito kaya ipinag patuloy niya na ang pagluluto. Pagkatapos niyang magluto ay inilagay niya na ito sa lalagyan at dinala sa lamesa. Kumuha siya ng dalawang mansanas, tatlong pirasong mangga at inilagay sa isang pakurbang lalagyan ng prutas. Naglagay rin siya ng kanin, dalawang pinggan, baso at kutsara . Nang makuha niya ang ninanais ay tinawag na niya ang kanyang ina. Ina, kain na po tayo. Tawag niya sa ina na naka upo sa sala habang nagbabasa ng isang libro. Tumingin naman sa kanya ang kanyang ina at sumenyas na susunod na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD