Sino Ako?

3497 Words
Anak halikana at pumasok na tayo at kumain ng agahan dahil sasamahan mo pa akong pumunta sa bukid upang manguha ng mga halamang gamot. Halamang gamot ina? sa bundok ng Ermit po ba ina? agaran niyang tanong sa ina? Oo anak duon tayo pupunta. Ngumingiting sagot ng kanyang ina. Pwedi po ba nating isama si Yna, ina? Para po may makakasama tayo ina. At hindi lang po iyon ina, kung sakali po na masugatan tayo ay may mang gagamot na sa atin. Kasi naman po ina hindi ko po alam kung isa akong manggagamot eh. Si Yna po kasi iyon na ang kakayahan niya. Oh siya sige, maaari natin siyang isama ngunit kailangan muna natin siyang ipag paalam sa kanyang mga magulang at baka siya ay hanapin at mag-aalala pa sila kay Yna. Opo ina, mamaya po pupunta pa ako sa kanila upang siya ay ipag paalam sa kanyang mga magulang. Sige anak, sa ngayon ang gagawin mo ay maghain kana duon sa hapag kainan ng ating kakainin at ako muna ay maliligo pa. Utos sa kanya ng ina kaya nagmamadali siyang maghain ng pagkain. Pagkatapos niyang maghahain ay inutusan siya ng ina na kung maaari ay bigyan niya muna ng pagkain ang mga manok at itik sa likod bahay. Habang naglalakad patungo sa likod ng bahay ay napahinto siya dahil bigla siyang nakaramdam ng kakaiba at tila ba may kumakausap sa kanya na tila kay lamyos ng kanyang tinig at sumasabay lamang ito sa hangin. Sheena....Sheena... Kailangan mo ng maghanda ng mabuti dahil malapit kana nilang matunton. Magpakatatag ka Sheena. Gamitin ang kaalaman higit sa nararamdaman. Wag magpapa api kahit kanino. Lumaban ka kung kinakailangan. Ang kwentas... Kwentas? anong kwentas ang sinasabi mo? Nagtatakang tanong niya rito. Oh aming Sheena... Napakalaki mo na... Malapit na sila. malapit ka ng matunton... Ano? Sino ka? magpakita ka sa akin? ano ang ibig mong sabihin? at paano mo ako nakilala? Sumisigaw na tanong niya habang lumilinga sa paligid kahit natatakot man dahil baka ito ay nagtatago lamang. Hindi na bali kung sino ao Sheena... Huwag mo ng alamin kung sino ako. Balang araw magkikita rin tayo. Mag-iingat ka sa lahat ng pagkakataon. Ang Kwentas hanapin mo. Ang kwentas... Ito ang saad ng boses, gusto niya pa sana itong kausapin ngunit agad ring nawala ang malamig na pakiramdam na iyon ng tawagin siya ng ina, Tapos na pala itong maligo at narinig pala siya nito kanina na tila may kinakausap. At kinabahan ito ng marinig niya ang sinasambit ng anak na kwentas. Nagtataka ito kung bakit ganuon ang kanyang sinasambit. Anak? Sinong kinakausap mo jan? Ah ina! kayo po pala. wala po ina hehehe. Medyo malamig po kasi kaya kinakausap ko nalang sarili ko ina. Nanggulantang na sagot niya sa ina. Sigurado ka ba jan nak? pwedi mo namang sabihin kay ina nak kung may dinaramdam ka o may pinag dadaanan ka. Ina naman, ok lang po ako. Ako pa eh ang tapang tapang ko pong bata. Malaking ngiti ang pinapakita niya sa ina upang mahinto na ito sa katatanong sa kanya. Oh talaga lang ha, sige na nga matapang na kung matapang. Pero anak, iyong inutos ko ba saiyo na pakainin muna ang mga alaga nating manok at itik ay nagawa mo na? Ah... eh... kasi.. ahmm ina, ganito po iyan. kasi po... Nauutal niyang wika at wala siyang masabi na kahit na ano sa ina dahil ang totoo ay natatakot siya sa mga itik. Oh ano, akala ko ba matapang ka nak? Eh bakit sa itik takot kana? Natatawang asar nito sa anak. Ina naman eh!! kasi naman po yung mga itik na yan, kung hindi sapat ang mga pagkain na ibinibigay ko ay hinahabol nila ako. Paliwanag niya sa ina habang nakanguso. Sige na nga, ako na ang magpapakain sa kanila. Hintayin mo na lamang ako dito. Pagkatapos itong sabihin ng kanyang ina ay iniwan na siya nito at pumasok sa kulungan upang pakainin ang kanilang mga alaga. Umupo muna siya sa upuan na gawa sa mga pinutol na kahoy habang tinatanaw ang ina. Ano kaya ang ibig sabihin ng boses na iyon. Bakit kaya ganuon ang sinasabi nito sa akin. Meron bang kakaiba sa buhay ko? Ano ba ang hiwaga na nakabalot sa akin? Una sa mga kakayahan na unti - unting lumalabas sa akin. Sa isiping iyon ay na aalala niya ang mga hiwaga na lumalanbas sa kanyang pagkatao. Posible kayang akin ang mga kakayahang iyon at hindi gawa ng pagkakataon lamang? Kung ganuon ay marami pala akong kakayahan? Nagtatakang tanong niya sa sarili. Anak... uyyy anak... Ina! gulat niyang wika rito. Anong ina! kanina pa kita tinatawag ah. ano bang nangyayari sayong bata ka at nakatulala ka na jan. Nagugutom kana ba jan ha. Nagtatanong na sabi nito sa anak. Gutom... ah opo... opo.. ina.. gutom na gutom na po ako kaya nakatulala na ako dahul sa gutom ina hehehe... Hay naku, ikaw talagang bata ka. Hindi ko alam kung ano iyang tumatakbo sa isipan mo, pero kung nagugutom kana, eh di hali ka na at kakain na tayo. Mabuti pa nga po ina. Tara na po ina. Naka ngiting akay niya sa ina. Anak mayruon palang hinog na abukado at saging jan sa luob ng aparador kunin mo muna at ilagay dito sa plato. Tapos ito namang mansanas at mangga ay isama mo jan sa abukado at saging, pagkatapos mo silang hugasan. Opo ina. Ito na po. Mabuti naman po ina at marami po tayong prutas ngayon ano. Masayang saad niya sa ina habang naghuhugas ng mga prutas. Syempre naman anak, ito ang katangian ng iyong ina hindi ba, at ito rin ang iyong katangian. May pagmamalaki nitong wika. Madali lang sa atin ang magtanim at magpatubo ng kahit anong mga halaman at punongkahoy anak. Kaya hindi tayo mababahala sa mga prutas at gulay na kakainin natin dahil galamay natin silang lahat. Ito ang nakangiting wika ng kanyang ina. Oh ano tapos na ba yan nak? dalian mo na at tila nagugutom din ako nak. Tapos na po ina, kain na po tayo. Mabuti pa nga anak, at salamat. Walang anuman po ina. Pagkatapos ng mag-inang kumain ay agad na nagpa alam si Sheena na pumunta sa bahay ng kaibigan upang isama ito sa lakad ng kanilang mag - ina. Pagdating duon ay nakikita niya si mang Kanor na nakaupo sa upuanng de sementado na nasa lilim ng punong akasya. Magandang umaga po mang Kanor. Ang ganda po ng umaga natin ah. Nakangiting bati niya rito. Sheena ikaw pala yan. Magandang umaga naman. Ano ang ginagawa mo dito? pumasok kana muna. Ganting bati at tanong nito sa kanya. Salamat po. Si Yna po? nandyan po ba siya? May pinuntahan lang saglit iha, maya maya ay nandito na iyon. Kung gusto mo pumasok kana muna sa loob ng bahay nanduon si Tesa. Gumagawa yata iyon ng pagkaing malagkit o baka tapos na iyon. Talaga po! sige sige po, mang Kanor, papasok na muna po ako. Paalam po. Naku ito talagang bata na ito, Paniguradong may gagawin na naman sila ng aking inak. Wikang sabi nito habang sinusundan ng tingin ang papalayong bata. Nang pumasok si Sheena sa bahay ng kaibigan ay naamoy niya na ang pagkain at nakita niya si Aleng Tesa na nakaupo sa upuang kawayan at sa tabi nito ay may isang maliit na lamesa na kung saan ay nakapatong ang pagkain. Nakangiti niya itong nilapitan. Hello po Aleng Tesa! Magandang araw po sa inyo. Medyo may kalakasan na bati nito kaya ang nakaupong si Tesa ay biglang nagulat at nilingon si Sheena habang sapo- sapo ang dibdib. Aba Sheena maghulos dili ka nga riyan, ginulat mo naman akong bata ka. Naku! pag ako't nakasakit wala ka ng aleng Tesang mabait. Bahala ka, tiyak na ma mimiss mo ako ng sobra. Nakangiwing paliwanag nito sa kanya. Sus, si Aleng Tesa nagdrama na naman. Nakabungisngis na wika niya. Anong nagdrama ang winiwika mo jan. Totoo yan ano... Oh umupo kana muna rito sa upuan at alam ko naman na hindi ako ang ipinunta mo rito sa halip ay si Yna. Maraming salamat po Aleng Tesa. Ahmmm... tama po kayo na si Yna ang kailangan ko, ngunit may ahhhmm .... ano... ahhhmmksilanganppooo... Mabilis na wilka niya sa kaba. Isang hindi mailarawan na mukha ni aleng Tesa ang kanyang nakita. Ano kamo Sheena? pwedi mo bang bagalan ng kunti iha? Hindi ko makuha ang sinasabi mo at ang bilis mong magsalita, para ka namang hinahabol ng kung ano jan. Nakangiwing ani nito sa kanya. Kasi po Aleng Tesa may ipag paalam po kasi ako sa inyo ni mang Kanor... Paliwanag niya rito at dahil nga hindi siya makatingin sa matanda at sa lamesang may pagkain siya nakatingin ay inakala nito na gusto lang humingi ni Sheena ng pagkaing malagkit. Naku iha, alam ko na kung ano ang gusto mo. Nakangiting wika nito sa kanya. Talaga po! alam niyo na Aleng Tesa? kung ganuon po ay papayagan niyo na po kaming isama si Yna na pumun--- Ang masayang pahayag ni Sheena ay naputol ng... Aba oo naman anak, alam ko namang paborito mo itong pagkaing malagkit eh kaya sige na at---- Bigla itong napatigil sa pagsasalita ng makuha na iba ang ipinupunto ni Sheena at iba rin sa kanya. Anong... ang akala ko ba ay gusto mong humingi ng pagkaing malagkit iha? Anong papayagan? at saan ka namin papayagan? Nagtatakang tanong nito kay Sheena. Akala ko nga rin po Aleng Tesa... hay naku nagmaling akala na naman ako. Nakanguso niyang sambit habang nakatingin sa nagtatakang matanda. Ano ba ang sa akala mo ha? nagtataka paring tanong nito sa kanya. Ang akala ko po...eh... papayagan niyo pong isama namin si Yna sa bundok ng Ermit. Mangunguha po kasi kami ng mga halamang gamot at alam ko po na maraming alam si Yna duon kaya nais ni ina na isama namin ang iyong anak. Nakayukong aniya habang kinakaliko ang mga kamay sa kaba. Nang akma ulit itong magsalita ay inunahan na niya ulit. Pero huwag po kayong mag- alala Aleng Tesa, hindi po namin siya pababayaan... At kung masugatan kami ay mayruon ng gagamot sa amin ni ina, ito sana ang gusto niya pang idagdag subalit pinigilan niya lamang dahil baka hindi na talaga ito papayag. Oo na, papayag na. Alam naman namin na hindi niyo papayagang may mangyaring masama sa anak ko. Kaya ano pa nga ba ang magagawa ko at isa pa matagal ko g kilala at kaibigan ang iyong ina kaya napapanatag kami. Pag pasang - ayon nito sa kanya. Sa tuwa ay niyakap niya ang matanda at nakangiting nagpasalamat sa matanda. Talaga po! naku po Aleng Tesa, maraming salamat po. Ikaw pa ba, ang lakas mo sa amin eh. Oh, nandito na pala si Yna eh. Nang sundan niya ang tingin ng matanda ay naka ngiti ang kaibigan na may dala dalang isang malaking supot habang pumapasok sa bahay. Nakangiti niya itong kinawayan. Ina! nandito na po ako. Naibigay ko na po kay Mang Ele ang gamot na pinamimigay niyo po. Siyanga pala ina, sabi po ni ama ay may ginawa po kayongpagkaing malagkit, nasaan na po iyon? Sunod- sunod na tanong niya ngunit ng tingnan niya ang ina ay biglang namilog ang kanyang mga mata ng makita kung sino ang nasa tabi ng kanyang ina. Wahh!!! Shee, nandito ka? Nagmamadaling tinakbo niya ang kaibigan at niyakap ito ng mahigpit. Kumusta kana Shee... Narinig ko sa mga kasamahan mo mula sa bahay na bato ay may nangyari saiyo kahapon. Ano na naman ba ang ginawa mo? Nag-alalang wika nito sa kaibigan ang agarang tiningnan kung may sugat ba ito. Ano kaba naman Yna, ok na ok na ako. Para ka namang si ina kung kumilos. Natatawang iwas niya sa kaibigan. Siyanga pala, ipinag paalam na kita sa iyong ina na isasama ka namin upang manguha ng mga halamang gamot duon sa bundok ng Ermit. Ano papayag kaba? Ng akma itong sasagot ay pinigilan na niya ito... Ops.. Ops... wag ka ng magdahilan, Oo na... May baon kaming dala na mga prutas dahil alam ko namang iyon parati ang ibinibilin mo sa amin. Talaga? Hindi ko naman sinabi na hindi ako sasama ah. Talaga bang marami tayong baong prutas na dala? Masaya nitong wika. Aba oo naman, kaya kumain kana at ako ay magbabalot pa ng pagkaing ito upang may idagdag tayo sa ating dadalhin na pagkain. Nakangiti naman tumango si Yna sa kaibigan habang ang ina niya ay isinisinyas siya na magmadali na sa pagkain dahil matagal ng naghihintay ang kaibigan. Matapos kumain ay umalis na sila ngunit bago iyon ay nag paalam na muna siya sa kanyang mga magulang. Ama, ina ahmm... Aalis na po kami ni Sheena. Oo sige, Mag - iingat kayo ruon, maliwanag ba. Pahayag nito sa dalawang bata at sabay ulit silang sumagot ng Opo. Pagdating sa bahay ay nakita ni Sheena na naghahanda na ang kanyang ina sa pag - alis ay mayruon itong inilalagay na mga bote at supot sa bag nito. Siguro nang maramdaman nito na may tao sa paligid ay nilingon sila nito mula sa pintuan kung saan ay nakita siya nito kasama ang isang kaibigan. Anak, Yna. Nandito na pala kayo. Tamang tama at tapos na akong ayusin ang ating mga dadalhin ngayon. Ano, ayos na ba iyang mga damit ninyo? Opo, ina tama lang po ito. Kung ganuon ay halina kayo at kailangan na nating umalis agad upang makauwi tayo ng maaga mamaya. Habang naglalakad sila ay may napapansing kakaiba si Sheena sa paligid, kung dati rati ay maliit lang ang mga pananim na iyon at hindi gaanong maganda ang mga tubo ng mga pananim, ngayon ay ibang - iba na ito at halatang inaalagaan na ng mabuti. Ina? sino po ang nagmama may-ari sa lupaing iyan? Ang lawak po ano tapos ang daming palay at halos ang kalahati nito ay mga tubuhan. Dati po kasi mga Hermes ang may- ari ngayon daw po iba na. Ang mga Knight na ang nagma may- ari ng mga lupaingiayan anak. Kaya magmula ngayon ay kailangan mung mag - ingat. Kayo ng kaibigan mo. Ang nasisiguro ko lang ay isang dalubhasa ang ama nito sa paggamit ng sandata at may kakaibang lakas na taglay, ngunit ang mga kwento na nanggaling sa mga bibig ng iba ay masama daw silang magalit ngunit may nagsasabi rin na mababait silang nilalang. Ngunit Aleng Anna, baka sabi - sabi lang po iyon ng mga naninirahan dito. Kung masama po sila eh di ba po sana wala ng nagta trabaho para sa kanila, subalit tingnan niyo po at marami pa ring nagta trabaho. Paliwanag ni Yna na may bakas ng pagtutol. Tama naman si Yna ina, siguro naman po mabait sila. Napalawak nga po nila at napakaganda ang mga lupain eh. Tsaka ilan daw po ba ang anak nila, ina? Ay mabuti naman Shee at natanong mo ito, iyan din sana ang itatanong ko saiyong ina. Ngumingiting sabi niya kay Sheena. Isa lang ang anak nila, Yun ay walang iba kundi si Xander. Mabait daw ang batang iyon eh. Ngunit hindi ko pa siya nakita kaya wala akong masyadong maibigay sainyo na impormasyon. Xander? May kilala po akong Xander ang pangalan sa paaralan Tita. Ngunit masungit po iyon subalit sikat at kilalang kilaa ng mga mag- aaral. Pero huwag ka tita, Ang gwapo niya po at halos kalahati sa mga babae sa paaralan ay may gusto sa kanya ngunit wala po siyang pinapansin kahit isa. Pero kung mga Knight ang nag ma may- ari ng malawak na lupaing ito, ibig sabihin si Xander Knight at ang Xander dito ay iisa!! Ahhhh!!! medyo malapit lang pala ang bahay nila sa inyo tita. Nagulantang na wika ni Yna. Naku ikaw talagang bata ka, pag narinig iyan ng ina mo ay paniguradong pagagalitan ka. Pangagaral ni Aleng Tessa sa kaibigan ng anak. Oo nga naman Yna, ang babata pa natin eh. Sa susunod nalang pag malaki na tayo hehehe... At diba sabi mo nga masungit at suplado iyon kaya paniguradong wala ka ng pag - asa sa kanya. Akma pa sanang sasagot ang kaibigan ngunit pinigilan na niya ito sabay turo ng labi sa ina na parang hindi maipinta ang mukha. Tama na yang daldalan ninyo, dalian niyo na ang paglalakad dahil may pagka malayo pa ang kailangan nating lakarin. Tumigil na sa pagsasalita ang dalawa at sumunod na lamang upang hindi na sila mapapagalitan. Pagdating sa bundok ng Ermit ay agad na nanguha ang magka- ibigan ng wild berries habang ang ina naman ni Sheena ay nangunguha ng mga halamang gamot. Habang nangunguha ay may napansin si Anna na isang halaman di kalayuan sa kanya. Anong... bakit? nagtataka nitong wika sa sarili. Matagal na akong pabalik balik dito sa bundok na ito ngunit wala pa akong nakikitang halaman na tulad nito. Bakit mayruong halaman ng Crypto dito. Ngunit ang ipinagtaka niya ay para siyang hinihila ng halamang ito at tila sila nakikipag pakiusap na sila ay kunin na kaya ng lapitan niya ito at kinuha pagkatapos ay ilagay sa sisidlan ay may tila isang magaan na bagay ang humaplos sa kanyang katawan. Nang masakit na ang sikat ng araw at patanghali na ay nagpahinga muna sila sa ilalim ng malaking punongkahoy at nilabas ang mga dalang pagkain sa isang malaking dahon. Ina? para saan po ba ang mga halaman na iyan. Bakit po ang maliliit lang na bunga ang kinukuha ninyo. Tanong niya sa ina nang makitang halos mapuno na ang mga lalagyang bote nito. Ito ay gamot para sa sakit ng katawan at ulo anak. Mabisa itong inumin kapag pinakuluan na ng mabuti. At ito naman dilaw na halamang ito ay para sa mga hayop na nagkakasakit at parang walang ganang kumain. Eh ito pong bulaklak na ito? Ngayon lang po ako naka kita ng ganito tita. Sabay turo ni Yna sa hindi pangkaraniwang bulaklak na nasa luob ng lalagyan. Manggagamot po ang aking mga magulang nginit hindi ko po ito nakita o nabasa manlang sa libro nila. Isa rin po ba itong halamang gamot? Oo Yna, ito ay isang halaman na kung tawagin ay Crypto, mabisang gamot ito kahit sa anong klaseng sakit. May ingat at tipid na sagot nito kay Yna. Ganuon po ba, napakaganda po ng kanilang mga bulaklak ina. Humahangang sabi ni Sheena at akama sana itong hahawakan ngunit pinigilan siya ng ina. Lito naman niyang nilingon ang ina at nagtataka kungbbakit siya pinigilan nito. Ina?.... Bakit po?... Hindi ko po pweding hawakan sila? Oo nga naman tita, bakit niyo po pinigilan si Sheena kung hahawak lang naman po siya ng halamang iyan. Nagtataka ring wika ni Yna. Eh kasi hindi niyo sila pweding hawakan at baka sila ay mamamatay. Pag itinanim ko na sila at namumulaklak ulit ay maari niyo na silang hawakan. Ah ok po ina, naintindihan po namin. Hindi ba Yna? Aba syempre, nakuha po namin hehehe. Pero kakain na po tayo tita? Medyo nagugutom po kasi ako e. Sige na nga, Kumain na muna tayo bago tayo umuwi. Sheena iha, paki abot nga ng isang pakwan na yan at ng mahati ko na tapos iyang mansanas na yan huwag mong sulohin lang, bigyan mo rin iyang kaibigan mo. Kaya nga marami ang dinala ko kasi pag kaunti lang naku, paniguradong kulang pa saiyo yun. Bigla namang natawa si Yna sa itsura ng kaibigan dahil muntik pa itong mabilaukan ng sitahin ito ng kanyang ina. Iyan kasi. Shee.. hahaha... magdahan dahan ka naman sa paglamon ng mansanas, hindi ko naman aagawin yan e. Naku ok lang po iyan tita, hindi naman ako palakain ng mansanas, abukado po at mangga yung gustong gusto ko. Ah hehehe... Yna naman... kasalan ko bang gutom ako tapos parang gusto kung kumain nitong mansanas kaya pasensya na. Paawang sabi niya sa kaibigan para lang hindi na siya pagalitan ng ina. Dahil magkaibigan ay agad na naintindihan ni Yna ang gustong iparating nito sa kanya. Kaya nilapitan niya ito at binulungan ng, ' Oo na, hindi na ako kakain ng mansanas mo basta ba akin itong mangga at abukado, ano ok ba ha? Tumango naman agad si Sheena sa kaibigan upang iparating ang pag sang ayon. Nang makita sila ng kanyang ina ay agad silang umiiwas ng tingin at ngiti ngiting kumuha ng mangga si Yna. Kayo talagang magkaka ibigan. Sige na, kumain na kayo jan. Maya maya ay uuwi na tayo. Dapit hapon na ng makarating sila sa bahay kaya umuwi agad si Yna, Pinadalhan naman ito ni Anna ng mga prutas at gulay upang pasalamat sa pagsama nito sa kanila. Maraming salamat Yna sa pagsama mo sa amin. Itong mga gulay at prutas na ito ay ibigay mo sa mga magulang mo at kung kailangan niyo pa at pwedi kayong pumunta rito upang manguha pa. Naku maraming salamat po tita, hayaan niyo po at sasabihin ko sa kanila. Ano po, aalis na po ako ha. Shee... tita... Oh anak, ano pang tinutunganga mo jan sa labas? Kanina pa nakauwi si Yna. Ah wala po ina. Masaya lang po ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD