APOY

3417 Words
Magandang umaga naman Sheena. Kumusta naman? Nagagalak na wika ni Tandang Orak. Mabuti naman po, Guro. Oh siya sige na at umupo kana sa upuan mo duon, kailangan ko munang lumabas at may pag- uusapan lang kami ni Tandang Ilaw. Mga bata habang wala ako, inaasahan ko na walang gulong mangyayari, at dapat sa pagbalik ko tapos na ang ipina pagawa ko sainyo maliwanga ba? Kailangan yung gumawa ng gamot na nagmula sa halamang kulay pula na ito. Pero dapat niyong tandaan na dapat ay isulat niyo muna ito sa inyong talaanan at mamaya ninyo gagawin pag nariyan na ako. At inaasahan ko rin na wala sanang magkokopyahan dahil kapag nalaman ko ay may nakahandang parusa rito. Maliwanag ba? Opo guro, salamat po. Sabay na sagot Ng mga bata. Pagka - alis ni Tandang Orak, ay nag- umpisa ng tuksuhin ng mga bata si Sheena. Oh nandito na si Sheena. Ang Sheenang walang kakayahan kahit ano. Bakit kapa pumasok Ena, eh wala ka namang may maiambag dito eh. Tumatawang sabi ng kasamahan niya na si Kira. Tama! eh palagi nga yang bagsak sa ating mga suliranin, minsan tayo pa ang nahihirapan ng dahil sa kanya. Mabait nga pero lampa naman! Anong magagawa ng kabaitan mo kung hindi mo magawang lumaban. At higit sa lahat wala ka pang ipinapakita sa amin kung anong kakayahan mo. Saad naman Lira habang Ang mga mata ay malalim ang tingin sa kanya, sinusuri siya nito mula ulo hanggang paa pagkatapos ay umismid. Ngunit Kung iisiping mabuti ay may kaunting bait pa na taglay si Lira kaysa kay Kira na kakambal ng huli Dapat kasi matuto ka ring mag-ayos Ena, Tingnan mo nga ang pananamit mo para kang ina na may sampung anak. Maluwang na bistida, naka lugay ang napakahabang buhok at teka nga ilang araw ka bang hindi nakapag suklay ha? Tumatawang saad ni Rokit habang hinahawakan ang buhok ni Sheena at minsan ay inaamoy amoy pa. Ang tanong, mabango parin ba siya Rokit? Natatawang sabi ni Milo. Tumatango naman sa pag sang-ayon si Rokit. Naiinis at pilit namang iwinawaksi ni Sheena ang mga kamay ni Rokit at itinutulak ito palayo sa kanya. Ano ba Rokit! lumayo ka nga sakin ng kaunti. Halong sigaw at pakiusap Niya rito. Wala kang paki alam kung anong dapat na gagawin ko sa sarili ko ok. At tsaka bakit ka ba sa akin lumalapit kahit na pillit naman kitang itinutulak palayo ha!? Uyyy... Ena, pasalamat ka nga at nilalapitan ka pa ni Rokit e. Tapos ang arte mo pa, akala mo Naman kung sinong maganda. Tingnan mo nga ikaw pa naman ang mas matanda dito sa amin ngunit ikaw ang mas mababa ang marka at kahit matagal na e mukha ka paring baguhan. Nasusuyang wika Naman ni Licse at nakipag apiran pa ito sa katabi nilang kasamahan. Naku Licse tigilan niyo na si Ena, tingnan mo at paiyak na iyan. Opps, umiiyak na pala hahaha. Tumatawang saad ni Kira ng makitang may mga butil ng luha ang malapit ng tumulo mula sa mga mata nito. Si Lira at Kira ay magkambal. Dalawamput tatlo lahat ng mga bata ang pumapasok sa bahay na bato upang matuto. Lahat sila ay may mga kakayahan at handa ng pumasok sa paaralan maliban sa isa, Si Sheena. Ang paaralang Akademya ng Mahika, dito mo makikita ang lahat ng mga nilalang na may ibat-ibang kakayahang taglay. Nang hindi na nakayanan ni Sheena ang pangungutya sa kanya ay tinulak niya si Rokit at tumakbo na lamang siya sa labas at pumasok sa luob ng banyo. Sa kanyang pagmamadali ay hindi sinasadyang ma isarado niya ang pintuang ito ng banyo ng hindi niya nalalaman. Umiiyak na tinitingnan niya ang sarili sa salamin at awang - awa ito sa sarili. Kahit anong pahid niya sa mga luhang pilit na kumakawala dito ay hindi niya pa rin ito maawat at tuloy tuloy lang na lumabas sa mga mata niya. Kaya ang ginawa niya ay hayaan na lamang ang mga ito't kahit na sumasakit na ang kanyang mga mata. Ano ba namang luhang ito, bakit hindi matigil tigil to. Bakit ba ganyan sila sa akin. Wala naman akong natatandaan na may ginawa akong masama sa kanila. Ang sama sama nila sa akin. Umiiyak na sabi niya sa sarili. Kung sana lang pwedi kong maipakita sa kanila na kaya ko rin ang kanilang ginagawa, Na hindi ako bobo o tanga gaya ng kanilang iniisip. Kung hindi lang sana ako pina pangako ni ina na walang makaka alam nito ay ipinakita ko na sana sa lahat. Nanggigil na saad niya sa sarili, Ang aking ina, bakit pinagbabawalan mo akong ipakita sa lahat ang kakayahan ko. Ano ba ang ikinakatakot mo sa maaring mangyari sa akin. Sino ba ako at ano nga ba ako, tila mayruon kang itinatago sa akin ina. Ito sana ang nais niyang itanong sa sa kanyang ina ngunit nag alinlangan siya dahil hindi niya matiis na itanong ito sapagkat hindi pa siya naka pagsimula ay natitiyak na niyang masasaktan na ito. Nang hindi nakayanan ay dahan dahan siyang napa upo sa sahig at umiiyak na lamang habang palo palo ang nasasaktang dibdib. Ngunit agad rin siyang natigilan dahil hindi niya mawari kung ano nga ba ang kaya niyang gawin, dahil natatakot siya na baka nga tama sila na dala lang iyon ng pagkakataon at hindi ng gawa niya. Unti- unti ulit na bumubuhos ang kanyang mga luha sa mga nangyayari sa kanya, Galit siya pero hindi niya alam kung paano ilalabas. Ang hirap naman ng ganito para kang nag-- Hindi pa niya natapos ang nais sabihin ay may nararamdaman na siyang kakaiba. Para siyang ginagapos ng isang mainit na bagay at ang bawat paghinga niya ay napakainit, nahihirapan na rin siyang huminga at nang tumingin siya sa salamin ay nagulat siya sa nasaksihan. Ang dating kulay kayumanggi niyang mga mata ay unti- unting nag- iiba ng kulay at ilang sandali lang ay naging kulay pula na ito. Napa talon siya sa guat at napasigaw siya sa takot dahilan upang may lumabas na apoy sa kanyang mga kamay. Ahhhhh!!! Ano ito? bakit may apoy? Ano na namang hiwaga ito? Tanong niya sa sarili at napahawak siya sa kanyang lalamunan habang mahigpit ang kapit sa libro na kanyang binibitbit sa kabilang kamay, dahil para siyang kinakapos sa paghinga, at TILA Hindi na siya makahinga kaya ilang sandali pa lamang ay agad nawalan na siya ng malay. Naglalakad si Lira sa pasilyo dahil gusto niyang sundan si Ena, dahil kahit ayaw niya kay Ena ay naaawa siya rito at hi di Niya mawari kung bakit. Magpapatuloy na sana siya sa paglalakad ngunit ng magtapat siya sa pintuan ng banyo ay nakarinig siya ng sigaw. Ahhhhh!!! Pagkatapos nuon ay isang malakas na tunog ng pagbagsak ng isang tao. Naisipi Niya agad si Ena, kaya kinabahan siya. Si Ena! anong nangyari sa kanya? dali dali siyang lumapit sa pintuan at kinatok ito ng kinatok habang tinatawag ang pangalan ni Ena ngunit walang sumasagot. Nang sinubukan niyang buksan ang pinto ay naka lock ito kaya wala siyang nagawa kundi tumakbo pabalik upang humingi ng tulong. Habang tumatakbo ay nakita niya si tandang Ilaw kaya agad siyang tumakbo at lumapit dito. Tandang Ilaw magandang umaga po. Humingal na bati niya sa guro. Oh, bakit hiningal ka Lira? Nagmamadali ka ba, hindi pa naman nag-uumpisa Tandang Orak sa pagtuturo ah. Naku higit pa po ruon ang kailangan ko Tandang Ilaw, Kailangan ko po ng susi ng banyo ngayon din mismo at baka ano ng mangyayari kay Sheena duon... Ang nagtatakang mukha ng guro ay napalitan ng pagkabahala at gulat. Ha? bakit ano ba ang nangyari sa bata na iyon Lira? Tinukso po kasi siya ng mga kasamahan namin kanina guro kaya siguro nasasaktan siya at ng hindi niya na makayanan ay tumakbo na siyat pumunta ng banyo. Kaya sinundan ko po siya at hinanap ngunit ng malapit na po ako sa pintuan ng banyo ay narinig ko po ang boses niya sa loob habang sumisigaw at may narinig rin po akong tila may nabagsak na kung ano sa loob. Nagmamadaling wika niya sa guro. Oh siya, tina't magmadali ka, mabuti nalang at dala dala ko ang mga susi na ito. Nang akma niyang kukunin ang maliit na bag ay pinigilan siya ni Lira. Teka lang guro, Paano naman po magkakasya ang mga susi na iyon eh ang liit lang po ng bag ninyo. Ang nagugulat niyang mukha ay napalitan ng pagka mangha ng kunin iyon ng guro at pagkatapos ay ibinilad ito sa kanyang harapan ang nakatuping bag at lumabas ang napakaraming mga susi. Kinuha nito ang susi na may tali na kulay puti at ibinigay sa kanya. Ang galing po guro. Isang karangalan po ang masaksihan ang isang hiwaga na iyan. Pagkatapos na iyon ay agad siyang tumakbo pabalik sa kinaruruonan ni Sheena. Nang buksan niya ang pinto ay isang nakahandusay na Sheena ang kanyang nakita at may mga bakas ng sunog ng apoy ang librong hinahawakan nito at hindi lang iyon sapagkat ang kalahating kurtina sa bintana ay nasunog rin. Kaya nagulat siya sa nasaksihan. Apoy? Sino ang gumagamit ng apoy sa amin? Wala namang gumagamit ng apoy sa amin maliban sa akin at sa aking kakambal na si Kira. Ngunit paanong nangyari yun dahil sa pagkaka alam ko ay limitado lang ang kapangyarihan nuon at maging ako rin kaya hindi pa niya kayang gamitin ito ng sobra. Hindi naman tanga ang aking kapatid dahil alam nito kung hanggang saan lang siya dapat. Kaya sino ang gumawa nito sayo Ena? sino? Nagtatakang tanong niya sa sarili. Napaka imposible kung ikaw yun Sheena, dahil wala pa kaming nakikita kung ano nga ba ang kakayahan mo maliban sa sinabi mo na magaling kang magtanim at buhayin ang mga halaman, ngunit iyon lamang yon at wala ng iba. Kaya sino ang gumawa nito saiyo? Kahit anong tanong pa ang umiikot ngayon sa kanyang isipan ay wala siyang maririnig na sagot kaya ang ginawa na lamang niya ay binuhat ito at tinala sa bahay ng pagamutan. Pagdating duon ay pinahinga muna siya at ibinilin nalang ito sa nagbabantay. Pagpasok niya sa luob ng paaralan ay nakikita niya ang mukha ng mga kasamahan na bakas ang pagtatanong sa kanila. Kumusta si Sheena, Lira? Ito ang tanong ni Tandang Orak sa kanya. Tandang Orak? paano niyo po ito nalaman? Gulat na tanong niya sa guro. Sinabi sa akin kanina ni Tandang Ilaw kanina at rinig iyon ng lahat dito. Kaya sabihin muna sa amin. Ah... kasi po... may nangyari pong hindi--- Pautal - utal na sabi niya sa kaklase at guro ngunit nilakihan lamang siya ng mga mata ng guro kaya wala siyang nagawa kundi sabihin ang totoo. May nangyari po sakanya guro, dulot po ito ng mga pangtutukso namin sa kanya, at malala po ang kanyang pakiramdam dahil ginamitan po siya ng isang mahika. Pero agad ko naman po siyang tinulungan at dinala sa bahay pagamutan. Nagmamadaling paliwanag niya dahil sa kaba at takot habang nakatingin sa guro. Mahika? Anong klaseng mahika Lira? May kahatulad ba ito sa iyong kasamahan naririto? At bakit niyo siya tinukso ng ganuon? Iyan ba ang mga tinuturo namin sa inyo ni Tandang Ilaw! Ha! Galit at sigaw nito, anosumagot ka. tanong ni Tandang Orak na unti- unti ng lumalabas ang galit nito kasabay nito ay ang unti - unting pag sikip ng kanilang mga paghinga. Nang hindi makapag salita si Kira ay mas lalo pa itong nagagalit. Ano? sabihin mo Lira? kung hindi ay mararanasan niyong lahat ang hirap at sakit ng luob na dinanas ni Sheena. Nang marinig iyon ay mas lalong natakot ang kanyang kasamahan at ang iba ay napaiyak na sa takot. Kaya wala siyang nagawa at pikit matang sinabi kung ano ang kanyang natuklasan. Ang mahikang ginamit sa kanya ay isang apoy, guro. Narinig ko siyang sumigaw sa luob ng banyo kaya nagmamadali ko itong nilapitan at tatangkain ko sana itong buksan ngunit nakasarado ito kaya humingi ako ng tulong kay Tandang Ilaw. Duon ay nakita ko siyang nakahandusay sa sahig, may bakas ng sunog ang librong hawak niya at ang kalahati ng kurtina ay ganuon din. May mga pasa rin Po siya sa bandang kaliwa ng kanyang hita guro. Natitiyak ko pong ginamitan siya ng mahika ng apoy, guro at siguro Po dahil sa apoy ay agad itong nawalan ng malay. Nakayukong sambit niya. Ng lumabas ang katagang iyon ay mga singhap ng kanyang mga kaklase ang tanging naririnig at ng iangat niya ang kanyang mukha ay nakikita niyang sa kanya at sa kanyang kapatid nakatutuk ang kanilang mga mata. Ngunit ang kanilang guro ay sa kanya lang nakatutuk ang mga paningin nito. Apoy? apoy ba kamu, Lira? Hindi ba at tanging ikaw lang at ang iyong kakambal na si Kira ang may kakayahan na ganito? Bakas ang galit sa tono nito. Guro hindi po ako iyon, Maniwala po kayo. Umiiyak na sabi ni Lira habang umiiyak na humihingi ng pakiusap rito. Kung hindi ikaw, ay ang iyong kakambal na si Kira, ganuon ba? Ng marinig ito ni Kira ay agad siyang kinilibutan sa takot ng bumaling sa kanya ang guro lalo pa at ramdam niya na humihigpit na ang tila isang bagay na sumasakal sa kanyang paghinga. Umiiyak na nagsalita sa guro. Guro, mahabag po kayo sa akin, pakiusap. Hindi po ako iyon guro. Inaamin ko po na isa ako sa mga kasamahan namin na tinutukso at nagpapahirap kay Ena, ngunit maniwala po kayo sa akin. Hinding - hindi ko po ito magagawa sa kanya. Alam po namin ng aking kakambal kung hanggang saan lang ang maari naming gawin, guro. Pakiusap. Naawa naman si Tandang Orak sa kanila kaya ibinalik na niya sa normal ang simoy ng hangin. Kaya nagpapasalamat sila dahil sa wakas ay makapag pahinga narin sila ng normal. Ngunit hindi paruon natapos ang kanyang paglilitis sa mga bata. Kung hindi kayo, sinasabi niyo bang mayruong ibang tao ang nais saktan si Ena? Batid niyong walang ibang mahikang maaring pumasok rito mula sa labas maliban sa mga naririto na at may pahintulot namin. Maliban sa mga taong buo na ang kanilang kakayahan, saad nito ngunit sa isip lamang. Sa ngayon ay ipagpatuloy natin ang ating klase, subalit lahat kayo ay dadaan sa imbistigasyon tungkol sa nangyari ngayon maliwanag ba? Nang sumagot ang mga bata ay pinagpatuloy na niya ang klase. So, ngayon niyo ipapakita sa akin ang mga gamot ma inyong ginawa mula sa halaman na kulay pula na ito. Bumalik kana sa iyong upuan Lira. Magsisimula tayo kay Licse, tapos ang kasunod ng inuupuan ni Licse. Nakagawa si Licse mula sa halamang ito ng gamot sa pamamanhid, pampalakas naman kay Rokit, Lason naman Milo, hipnotismo naman kay Lira, pagpanatili naman ng kakayahan sa kaunting sandali ang kay Kira at ang iba naman nilang kasamahan ay nagbigay din ng kanilang resulta sa pagsusulit. Sa kabilang banda naman ay bumalik na ang kamalayan ni Sheena. Dahan dahan itong bumangon habang hawak ang kanyang ulo. Agad naman siyang tinulungan ng nagbabantay. Arayyyy ko po. ang sakit ng aking ulo. Ano ba ang nag---- Naputol ang sasabihin niya ng maalala ang nangyari kanina. Napa piksi pa siya sa gulat at takot ng may humawak sa kanya ng tingnan niya ito ay saka palang nawala ang takot niya ng makilala niya ito. Isa ito sa tagabantay sa bahay pagamutan ah, kung ganuon ay nasa bahay pagamutan ako. Anong ginagawa ko dito? ang huli kung natandaan ay nasa loob ako ng banyo. Sino po ang tumulong at nagdala sa akin dito? Tanong niya sa tagabantay ng pagamutan. Dinala ka dito ng kasamahan mong si Lira, iha. Kaya magpapasalamat ka sa kanya dahil tinulungan ka niya. Kung hindi dahil sa kanya ay malamang ngayon ay malubha na ang iyong karamdaman. Mabuti nalang at nalapatan agad ito ng lunas. Paliwanag nito sa kanya. Si Lira? kilala niyo po siya? sila po ang isa sa mga reason kung bakit nangyari sa akin ito. Kaya bakit niya ako tinulungan pa? May bahid ng pagtataka ang kanyang mga tanong. Si Lira ay mabait na bata iha, oo, may ugali siyang di kanais nais ngunit mas lamang ang kabutihan nito dahil palagi siyang tumutulong sa mga tulad mong inaapi at sa amin rin kaya lubos kaming nagpasalamat sa bata na iyon. Siya rin ang isa sa lihim na nagpopondo sa bahay na bato na ito. Bata palang siya ay dito na siya namamalagi at ang mga pera na kanyang nalilikom muala sa kanyang mga magulang ay ibinigay niya sa amin. Kung may mga sakit kami ay gumagawa siya ng gamot agad para malunasan ito agad. Pero ayaw niyang ipinagkalat iyon kaya maari bang humingi sayo ng pabor iha na wag mo sanang ipagkalat ang lahat ng nalalaman mo sa kanya? Sa nakikita ni Sheena sa mga mata ng tagabantay ay batid niyang nagsasabi ito ng totoo sa kanya lalo pa at nakikita niya sa mga mata nito ang paghanga at pagmamalaki kay Lira. Makaka asa po kayo, hinding hindi ko po ito ipagkakalat kahit kanino man. Maraming salamat po sa pagbabantay sa akin ha. Buong pasasalamat niya rito. Kinaumagahan ay nagulat si Sheena sa nakikita niya sa kanilang garden sa likod bahay. Masayang - masaya si Sheena dahil sa wakas ay nag bunga na ang itinanim niyang gulay. Ipinakita niya ito sa kanyang ina na busy sa pagbubungkal ng mga lupa upang taniman ng mga gulay. Ina... ina, tingnan niyo po at namumunga na ang mga itinaim kung gulay. Masayang itunuro ng anak sa ina ang mga gulay, napakalaki ng ngiti nito at tila ipinag malaki ang sarili. Aba, ang galing naman ng aking anak. Mukhang ma aasahan kana sa pagtatanim ng mga gulay ah. Ngumingiti ang ina ang nito at nagagalak na lumapit sa anak. Syempre naman po ina, ako pa ba. Nagmamalaking saad nito. At inumpisahang hawakan ang mga gulay. Gusto mo bang ito nalang ang ulamin natin mamaya nak? Opo, inay. kaya lang po subrang liit pa po ng kanilang mga bunga lalo na itong ampalaya ina. Maari po ba natin itong lutuin ina? Nagtatakang tanong niya sa Ina. Naku naman anak, hindi kana mabiro. Syempre hindi pa pwedi. Tumatawang sagot ng ina. Ahm, ina? bakit po hindi pa ako pweding pumasok ng paaralan? hindi po ba maari nang pumasok ang isang bata kapag nakatungtong na siya sa edad na kinse? eh labing anim napo ako ina. Sa paaralan kasi ay hindi maaring pumasok ang mga bata hanggat hindi pa ito umaabot sa idad na kinse pataas. Kasi oras na pumasok ka dapat marami ka nang nalalaman at higit sa lahat alam mo kung ano ang taglay na katangian mo bilang isang nilalang at ano ang kaya mong gawin. Kaya sa mga bahay muna tinuturuan ang mga bata at grupo sila kung mag-aral. Dito tinuturuan sila kung paano magbasa, mag desiplina ng sarili, at mag trabaho. Ang mga guro nila ay mga matatanda na mayruong matalas na pakiramdam at kaalaman. Anak, gusto mo bang pumasok na? Natatakot kasi ako sayo nak, baka mangyari na naman ang nangyari sayo kahapon. Ok na ba ang pakiramdam mo ngayon? Malungkot at nag- alala na tanong nito kay Sheena. Ina, ok lang po ako. Ginamot na po ako sa bahay pagamutan kahapon kaya huwag na po kayong mag-alala sa akin. Pero ina tinukso lang naman po nila ako, ganuon naman po parati ina kaya hindi na po sana ako nagulat pa. Nagtataka lang po ako kung bakit hindi ko na ma kontrol ang katawan at ang isip ko ina at bigla nalang akong sumabog ng ganuon. Gusto niya sanang idagdag sa ina na may apoy na lumabas sa kanyang mga kamay at nagiging kulay pula ang kanyang mga mata ngunit isinasarili na lamang niya ito at baka mag-alala na naman ang ina niya. Ayy naku anak, normal lang yan lalo pa at bata ka pa. minsan talaga hindi natin ma kontrol ang ating mga sarili at nakagawa tayo ng mga bagay bagay. Halika nga rito nak at yayakapin kita. Nang akma siyang yakapin ng ina ay umiwas siya habang tumatawa. Ay ina wag! hahaha... ang dumi po ng katawan niyo tapos yayakap po kayo sa akin. aba hindi pwedi po iyon ina ha. Tumatawang aniya sa ina. Maligo po muna kayo ina!.. tukso niya pa rito. Sus, ang anak kong ito. ayaw ng payakap sa ina. Eh, nuong bata ka pa't ayaw mong mawala sa akina ah, kaya nga kahit saan ako naruon ay duon ka at nagpapa kandong pa sa akin. May ngiting pilit inaabot ang anak na tumatawa at umiiwas naman sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD