Bahay na Bato

1475 Words
Pagkauwi ni Sheena galing sa pagliligo ay ikinuwento niya ito sa ina. Tuwang tuwa ito habang isinasalaysay ang mga nangyayari kani kanila lang. Alam mo ba ina, kanina habang naliligo kami ay ako lang ang hindi naka ramdam ng nilalamig kahit halos lahat po sila duon ay nagsasabi na malamig daw ang tubig kahit maganda naman ang panahon. Si Yna nga po ina halos manginig na eh, Tapos po nuong ginulat nila ako ay bigla pong uminit yung tubig pero saglitb lang po yun at bumalik naman sa tamang temperatura ina. Hindi po ba nakakagulat yun ina? Nakangiting tanong niya sa ina. Ngumiti naman ito sa kanya. Oo anak, nakakagulat nga ang mga ganuon. Pero baka nagkataon lang yun. Ang mabuti pa magbihis kan duon at labhan mo na ang mga damit mong ginamit mo sa pagliligo at tulungan mo akong ikabit itong mga kawayan na ito duon sa tabi ng pintuan. Nasira kasi kanina natamaan ng mga kahoy na dala ko. Sige po ina, saglit lang po at magbibihis lang ako. At ina mamaya ko na po ito labhan pagkatapos nating magkabit ng kawayan. O siya. ikaw ang bahala. Dalian mo na nak. Hihintayan na lamang kita duon sa tabi ng pintuan. Pumasok naman si Sheena sa bahay at nagbihis. Tamang tama naman na nakapag bihis na siya at marinig ang sigaw ng ina. Kaya nagmamadali siyang lumabas ng bahay at nakita ang ina na hawak hawak ang kamay na nagdudurugo. Ina, ano pong nangyayari sainyo? bakit po nagdurugo iyang mga kamay mo? Nagtatakang tanong niya sa ina at may halu itong pag- aalala. Sinubakan ko sanang ikabit ito nak, kaso may pagka talim pala itong sa gilid ng kawayan at nasugatan ako. Kaya hayan nasugatan ako. Paliwanag ng ina. Eh bakit kung makasigaw kayo ina, napaka lakas, tingnan mo nga pati ang aso ko nag- alala na sayo. Ganito kasi yun nak, Di ba nasugatan ako, pero bago yun may bitbit akong martilyo. Nang akma ko itong papakuin ng pako ay nasugatan ako at nahulog ko ang martilyo at natamaan ang aking paa. Bakit naman kasi hindi kayo nag- iingat ina eh. Halika nga po at gagamutin natin iyan. Hinawakan niya ang kamay ng ina at aakayin sana ito upang maupo ay nagulat siya sa biglang nangyari. Bigla nalang kasi lumiwanag ang mga kamay niya at sa isang iglap lang ay humilom na ang mga sugat ng kanyang ina at tila walang bakas na nagkasugat ito. I...ina... Ano pong nangyayari? Bakit po umiilaw ang aking mga kamay? At tingnan mo ina oh, Hala! magaling na po kayo ina at wala na pong bakas ni katiting ang iyong mga suggat. Mangha niyang tanong sa ina na nagulat rin sa nangyari. Mahabagin! kuya, ito na kaya ang senyales na unti- unti ng bumabalik ang kanyang mga ala- ala. Ito na kaya ang senyales na maaari ko ng ibigay sa kanya ang kwentas na iyon? parang hindi pa maari kuya, patawarin mo sana ako at hindi pa ako handa na mawalay siya sa akin. At paano na ako kung magkaganuon. Napamahal na siya sakin, Anak na ang turing ko sa kanya. makakaya ko bang mawala si Sheena sakin? Ito ang mga katanungan ni Anna sa sarili at hindi niya namamalayan na unti- unti na palang tumutulo ang mga luha sa kanyang mga mata. Kung hindi pa siya tinapik ng anak at pinahiran ang kanyang mga luha sa kanyang mga mata ay hindi pa siya bumabalik sa realidad. Hindi niya na sinagot ang mga tanong ng anak at sa halip ay niyapos na lamang niya ito ng napaka higpit. Hindi ko alam anak, kung anong nangyayari, ngunit anak, maari mo bang ipangako sa akin na wala munang may makaka alam nito? Na tayo lang ang tanging may alam at wala ng iba. Ha, anak? maari ba? Pakiusap niya sa anak na tila nagughuluhan pa. Katulad nung magaling po ako sa pagtatanim, ililihim ko rin po ba ito ina? Pero ina bakit po? Nagtatakang tanong niya sa ina. Nang makita niyang natigilan ito at parang nasasaktan ay marahan siyang tumango at dahan dahang hinawakan ang mga kamay nito na nanginginig pa at di niya maintindihan kung bakit nagka ganuon ang ina. Ngunit hindi na siya nagtanong dahil ayaw niyang madagdagan pa ang mga alalahanin nito. Natatakot po ba kayo ina? Wag po kayong matakot ina, pangako pag nasa paaralan na po ako, gagawin ko po ang lahat at sisikapin kung palaging nasa top palagi ng sa gayun po ay mapo protektahan ko po kayo. Salamat anak, Halika na tulungan mo na akong maikabit ito. Nawala narin naman ang mga sugat ko't ipagpatuloy nalang natin ito. Sige po ina, tara na po. Naka ngiti nitong inakay ang ina at nag umpisa na silang mag trabaho. Pagkatapos nilang gawin yun ay pumasok na sila sa bahay. Dumiritso si Anna sa aparador kung saan niya inilagay ang kinatay niyang manok kanina. Ng makita iyon ni Sheena at nilalapitan niya nag ina at tinanong kung may maitutulong ba siya rito. Ina? may maitutulong po ba ako sainyo? Ah mayruon nak, Balatan mo itong papaya at hiwain mo, alam mo naman siguro kung paano hindi ba? Syempre naman po ina, tinolang manok po ba ang ulam natin ngayon? naka ngiti niyang tanong sa ina. Oo anak, kaya sige na umpisahan mo na para makapag luto na tayo. Nagugutom ka na ba? Medypo po ina pero kaya pa naman po. Oh talaga ba anak? Di kaya nagsasawa kana dahil palaging tinolang manok na lang ang ulam natin? Kanina siguro isa sa mga ulam na niluto ni Tesa ay tinolang manok rin ano? Ah eh... Opo ina. hehehe. Pero wag po kayong mag - alala ina. Masarap naman po. Gustong matawa ni Anna sa mukha ng anak dahil mukhang pilit ang ngiti nito sa mga labi. Pagkatapos nilang kumain ng hapunan ay inutusan na niya ang anak na matulog dahil magbabantay pa siya ng mga baboy at baka manganak na ito. Kung ganuon ay hindi na rin po muna ako matutulog ina. Sasamahan ko po kayo. Ok sige, ikaw ang bahala basta bukas wag mo akong sisihin. Maliwanag ba anak? Opo ina. Halika na po. Magkasamang nagbantay ang mag-ina at nag kukwentuhan. Sheena anak, gising na. Kailangan mo nang kumain at maligo. Kailangan mo pang pumasok sa bahay na bato. Sige ka late kana naman mamaya. Ina naman, mamaya na po. inaantok pa po ako eh, ikaw ba naman ang matulog ng mag - uumaga na. Ingos nito at nagtalukbong ulit ng kumot sa mukha. Anak, sino ba nagsabing sasamahan mo ako sa pagbabantay? Wala po ina, ako lang po. Kung tutuusin ina, kasalanan naman kasi ng baboy to eh. Bakit ba kasi nila itinuon sa madaling araw ang panganganak yan tuloy napuyat pa tayong pareho. Mahinang sambit nito habang nasa ilalim ng kumot. At talagang isinisisi mo ang mga baboy anak ha. Sige ka, pag di ka bumangon jan at di pupunta sa bahay na bato, nakun paniguradong di kana makakapasok sa paaralan na hinahangad mo. Pananakot nito sa anak. Pagkarinig niya sa paaralan ay mabilis na bumangon si Sheena at naka simangot na hinarap ang ina. Eh hindi naman po ako makakapasok ina. Kaya bakit po si Yna ina, nuong eksaktong edad kinse po siya ay agad na siyang nakapasok na sa paaralan ina. Samantala ako po na labing anim na ay hindi pa, at wala pa po akung ka alam alam kung anong kakayahan ko. Bigla ay namilog Ang mga mata na tumingin siya sa Ina Ng may naiisip. Hindi po kaya isa ako sa mga nilalang na katulad ninyo ina. Nakita niyo naman po na madali lang sa akin ang magtanim at agad na itong tutubo at nabubuhay. O di kaya katulad rin ako ni Yna na magaling sa pagagamot. Hindi po ba at ginamot nga kita kahapon. Ngunit agad rin siyang natigilan at naka simangot na hinarap Ang Ina. Pero sabi po ni Tandang Orak, dapat po isa lang ang kakayahan natin at kung sa palagay mo marami kang kakayahan. Ito daw po ay nagkataon lang po . Naku ina, baka po lahat ng nangyayari na yun ay nagkataon lang. Paano na po? Mangiyak ngiyak na reklamo Niya rito. Ganito nalang anak, mag pokus ka nalang sa pagtatanim at paglalago ng mga halaman at punongkahoy. Dahil iyon ay ang aking kakayahan kaya malamang ganuon karin. Baka ang mga nangyari nuong nakaraan ay nagkataon lang anak. Biglang nanlaki ang mga mata ni Sheena, Oo nga ina. Tama po kayo. Malamang sa inyo ako nagmana hehe. Mapapansin ang tuwa sa mga mata nito. Maliligo na po ako ina, maraming salamat po. Pagkatapos maligo ni Sheena ay kumain na siya at nag pa alam sa ina na papasok na sa Bahay na Bato. Pagdating duon ay nakita niya ang kapwa niya kaklase na nagbabasa ng libro. Magandang umaga po Tandang Orak, Tandang Ilaw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD