Makalipas ang Walong Taon.
Maagang nagising ang batang si Sheena sa hini ng mga ibon sa paligid at tilaok ng mga manok.
Kusot kusot niya ang kanyang mga mata palabas sa kwartong kanyang hinihigaan.
Ilang lakad lang papunta sa kusina ay nakita niya ang kanyang ina na mayruong hinihiwa at hindi niya alam kung ano ba ito.
At sa ibabaw ng lamesa ay mayruong dalawang basket na puno nang gulay at ang isa naman ay mga prutas.
Agad na natakam ang batang si Sheena ng makita niya ang Mansanas at mga mangga sa gitna ng iba pang mga prutas na hindi niya alam kung ano ang mga pangalan na ito.
Ina?Ano po ang ulam natin at ano iyang hinihiwa niyo? sabay turo sa mga gulay na nasa lalagyan.
Ah ito ba anak, Magluluto kasi ako ng Penakbet kaya kailangan natin ng maraming gulay. Paliwanag niya sa anak.
Ang kulay lila na ito na medyo mahaba ay talong. Ito namang maliliit na ito na may kahabaan, ang tawag dito ay sitaw. Ito naman ay Kalabasa, Okra at ampalaya.
Habang nagpapaliwanag ay isa isa niyang itinuturo ang mga gulay sa anak at nais niyang tumawa ng malakas dahil sa reaksyong pinapakita ng bata. Mula sa kuryusadong mga mata hanggang sa napalitan ito ng paghanga.
Ang galing Ina, ngayon palang ako nakaka kita ng mga ganyan.
Pero parang familiar sila sakin ina, diko lang mawari kung saan, Pero pagdating sa kanilang mga pangalan ay ngayon ko lang nalalaman.
Pero ano po ang tawag sa mga maliliit na ito? Parang hindi naman po ito gulay ina.
Sabay pakita niya sa akin ng mga malilit na hipon.
Iyan ay isa sa mga sangkap anak, ang tawag jan ay hipon. Gusto mo bang matuto kung paano magluto nito anak?
Opo. Opo ina. Masayang saad ng bata.
Kasabay nito ay ang sunod sunod na pagtango.
Ok sige anak, una kailangan nating hiwain ang bawang at sibuyas.
Pagkatapos ay ang mga gulay. Masayang tinuruan ni Anna ang anak kung paano ang tamang paghiwa ng mga gulay.
Magkasama din nilang lutuin ang Penakbet at pinagsaluhan ito pagkatapos.
Kung mayruong maka kakita ay iisipin ng lahat na tunay ngang mag-ina ang dalawa. Walang mag-aakala na hindi sila magkadugo.
Ang sarap po pala nito ina, ngayon lang po ako nakakatikim nito.
Para itong tila may ka agaw dahil sa sunod sunod nitong subo ng pagkain kaya pinagsabihan niya na ito.
O dahan dahan lang anak at baka ikaw ay mabulunan. Masayang pinagmasdan ni Anna ang anak habang magana itong kumakain ng kanilang niluto.
Ina? bakit po kayo nakatulala jan? Masarap naman po ang niluto natin ah. Palagi nalang po kayong nakatulala magmula ng magising ako. May problema po ba?
Wala anak, Masaya lang ako dahil bumalik na ang gana mo sa pagkain, kahapon kasi ay ayaw mung kumain at kung kakain rin lang ay konti lang.
Pagkatapos ay sinabayan niya na ang anak sa pagkain.
Siya nga pala Ina, magpapa alam po sana ako na pupunta lang sa batis kasama si Yna. Maliligo po kami duon.
Si Yna ay anak ng kanilang kapitbahay ilang metro mula sa bahay nila. Nakilala ito ni Sheena nuong nakaraang araw at mabilis na nagkasundo ang dalawa.
Mas matanda ng dalawang taon si Yna kay Sheena.
Si Sheena ay 9 na taon gulang samantala labing isa naman si Yna.
Oh siya sige, basta mag-iingat kayo duon anak. maliban sainyong dalawa sino pa ang kasama niyo?
Si Aleng Tesa at Mang Kanor po Ina, alam ko pong kilala niyo sila dahil po sila ay mga magulang ni Yna.
Maglalaba po kasi si aleng Tesa, at dahil po sobrang ganda ni aleng Tesa na kung tutuusin ay hindi naman ay hayan po at sasamahan po kami ni mang Kanor. Habang nagsasalita ay binatokan siya nito.
Sheena ha, nag-uumpisa kana naman jan. Tigil tigilan mo na yan kasi hindi yan maganda.
Eh ina naman, Totoo naman po ah. Sa totoo nga po eh mas magan--
Pinutol niya na ang dapat sabihin ng anak.
Oh siya siya sige na. Kailangan mo ng mag madali at baka ikaw ay maiwanan na nila.
Pagkatapos kumain ay dali daling pumunta sa loob ng kwarto at dumiretso sa mga lalagyan ng kanyang mga damit.
Nang hindi mahanap ang nais nyang isuot na damit ay nakabusangot na pinuntahan ang ina.
Ina nakita mo ba ang kulay dilaw kong damit na panligo?
tanong niya sa ina na nakatulala na naman sa gilid.
Ha? ano nga yun anak?
Yung damit ko ho na gagamitin ko sa pagliligo. Yung kulay dilaw po ina tapos yung kulay itim na short.
Ah nanduon sa kulay puting basket nak, malapit sa lalagyan ng mga damit ko.
Ganuon po ba ina? Maraming salamat po.
Pagkatapos magbihis ay agad na siyang nagpa alam sa ina upang pumunta sa bahay ng kaibigan. Duon ay nakita niya si aleng Tesa na may dala dalang isang basket ng pagkain at ang asawa nito na may mga dalang labahan.
Aleng Tesa, si Yna po? nasaan po siya?
Ah nanduon pa sa silid iha. Kung gusto mo, pumasok kana lamang. O, ayan na pala siya eh.
Yna anak, nandito na ang kaibigan mo.
Kumakaway si Sheena sa kaibigang papalabas na ng kanilang bahay habang ngumingiti.
Oh ano Sheena, dala mo ba ang mga damit mo sa pagliligo?
Syempre naman Yna ako pa ba. Pero teka at bakit may mga dala ng basket ng pagkain ang iyong ama? Maghapon ba tayo ruon sa ilog? Sabi ko kasi kay ina ay uuwi tayo bago mag tanghali. Baka magalit yun sakin.
Naku ok lang yan iha, alam naman ng iyong ina na kami ang mga kasama mo kaya huwag ka ng mag-aalala jan. Kung gusto mo duon tayo dumaan sainyo?
Ngumingiting tanong sa kanya ng ginang. Nagagalak siya at si Sheena ang kaibigan ng anak dahil maliban sa mabait ito ay maganda pa at maasahan.
Sige po aleng Tesa, maraming salamat po.
Kagaya nga ng sinasabi ni aleng Tesa ay duon nga sila dumaan sa kanilang bahay at nakapag paalam siya sa kanyang ina ng maayos.
Habang naglalakad ay hindi niya mawari kung ano ang kanyang nararamdaman para siyang sabik sabik na maligo subalit parang may pumipigil sa kanya.
Sheena? ok ka lang ba?
Nagtatakang tanong sa kanya ng kanyang kaibigan.
Diko alam Yna, para akong sabik na sabik na maligo pero mayruon akong pakiramdam na tila may pumipigil sa akin, Ewan ko ba kung bakit ganuon.
Naku ha, baka kung ano ano na naman ang iniisip mo kaya ka nagka ganyan eh. Oh baka excited ka lang talaga maligo?
Siguro ganuon nga Yna. Bumuntong hi ninga na lamang ito at hindi na nagsalita pa.
Pagkarating nila sa ilog ay marami na ang mga batang naliligo duon kasama ang kani kanilang mga pamilya.
Mga Ina na nag- uusap habang naglalaba at nagtatawanan, Mga batang naghahabulan at ang iba ay naliligo na lamang sa kabilang banda.
Maganda ang panahon ngayon, ang sikat ng araw ay hindi pa masyadong mainit at kung magka ganuon man ay maraming punongkahoy sa tabing ilog na maaari mong pagsisilungan.
Ang huni ng mga ibon, lagaslas ng tubig, tawa at sigaw ng mga bata ang iyong maririnig. Ngunit iba ang naririnig ni Sheena, Malakas na tunog na nagmula sa kanyang dibdib na parang gusto na nitong kumuwala at parang napapasong mukha ang kanyang nararamdaman habang nakatingin sa isang binatilyong nakaupo sa ibabaw ng malaking bato habang may kung anong pinapatugtog ito. Labis ang kanyang pagkamangha dahil may mga ibon na lumalapit rito at tila ba sumasayaw sa tugtog na nagmumula sa bagay na pinapatunog ng binatilyo.
Aminin man niya o hindi, sa musmos niyang isipan ay isa ito sa mga reason kung bakit gusto niyang bumalik sa ilog. At mas lalong hindi niya naintindihan kung bakit ganuon na lamang kalakas ang tunog ng kanyang dibdib sa tuwing masisilayan niya ang binatilyong ito.
Sino kaya siya? Tanong niya sa isip, ngunit agad siyang nagulat ng biglang tumingin ito sa kanya. Kaya dali dali niyang iniwas ang mga mata sa kaibigan at mabuti nalang at hindi siya napansin nito.
Pero kung tumingin lang siya pabalik ay nakita niya sana na tinitingnan siya nito ng matagal habang may mga guhit ng ngiti sa mga labi.
Sino ka ba? Bakit kay lakas ng t***k ng didbdib ko kapag tinitingnan kita. Subrang bata mo pa ngunit hindi ko mapigilang tingnan ka. Sabi nito sa sarili habang tinitingnan ang batang babae na akay akay ng kasama na natitiyak niyang kaibigan nito.
Shee, halika na, sino ba ang tinitingnan mo riyan? Agarang tanong sa kanya ng kaibigan.
Ah wala, wala. Tara na Yna, kailangan na nating pumunta sa mga magulang mo at kanina pa nila tayo tinatawag. Malamang nagtataka na sila kung bakit hindi pa tayo lumalapit sa kanila.
Sa kanilang paglapit ay tinanong sila kung bakit ang tagal nilang lumapit. Ipinapaliwang nalang nila na may pinag- uusapan lang sila habang nagsisikuhan at batid ng mag - asawa na mayruon na namang tinatago ang mag- kaibigan na ito, ngunit ipinag walang bahala na nila ito.
O siya sige na, maligo na kayo ruon, ngunit wag na wag kayong lalayo, maliwanag ba?
Kami naman ni Kanor ay maglalaba muna. Habilin nito sa mga bata.
Opo, magkasabay na sagot ng mga bata.
Aba, teka lang Tesa, eh akala ko ba sasamahan lang kita. Sabi mo pa nga na ikaw ang bahala sa mga labahan at ako lang ang magdadala nito pauwi.
Huy, Kanor wag ka na ngang magreklamo jan alam mo namang---
Hindi na nila binigyan ng pansin ang sagutan ng mag - asawa sa halip ay nag- uunahan na ang mga itong tumakbo sa ilog upang maligo pero bago iyon ay kailangan muna nilang magbihis. Kaya pumunta muna sila sa likod ng malalaking mga bato at duon na nagbihis. Pagkatapos magbihis ay agad din silang lumusong sa tubig.
Ahhhh.... Ang lamig Shee... bakit hindi mo manlang ako sinabihan sabay saboy nito sa kaibigan na tumatawa lang habang tinitingnan ang kaibigang nanginginig sa lamig.
Ano ka ba Yna, natural malamig yan dahil nandito tayo sa ilog, para ka namang takot sa tubig niyan eh. Tumatawa pa ito habang nagsasalita.
Ah ganuon ha, at hindi pa tapos magsalita si Sheena ay agad na nitong sinabuyan ang kaibigang tila baliw kung tumawa.
Di nagtagal ay kapwa nagsasabuyan na ang dalawa ng tubig habang masayang tumatawa.
Uy, uy... teka teka Yna, Tigil muna haha. Humihingal na sabi nito sa kanya. Naawa naman siya kaya tumigil muna ,
ngunit pagkalipas lamang ng ilang segundo ay inumpisahan na niya ulit kaya walang nagawa ang kaibigan kung hindi ay sabayan ito.
Tumigil lang sila ng tinawag na sila ni aleng Tesa na kumain na muna at may kasakitan na ang sikat ng araw.
Ilang saglit lang ay nag - uunahan na ang mag kaibigan papunta sa isang punongkahoy sa di kalayuan kung saan ay may nakalatag na mga ibat- ibang pagkain na nakalagay sa dahon ng saging.
Pagkarating nila duon ay namangha sila dahil ang daming pagkain na nakahain. May mga pritong isda na bangus, fried chicken, tortang itlog, Tinolang manok, adobong baboy at at pinakbet na paboritong ulam ni Sheena. May mga prutas din na hiniwa tulad ng mangga, pakwan at ilang pirasong saging.
Sa isang tabi naman ay dalawang di kalakihang pitsel na ang isa ay may laman ng buko juice at ang isa naman ay tubig.
Oh, ano pa ang hinihintay niyo jan at naka tunganga lang kayo? Kayo talagang mga bata, kung hindi ko ba naman kayo tinawag eh ayaw niyo pang umalis ah.
Iling - iling na sabi ni aleng Tesa habang nagsasandok na ng pagkain sa plato.
Hayaan muna ang mga batang iyan Tesa, kung gusto mo tayong dalawa naman ang maligo mamaya.
Ito ang pahayag ni mang Kanor at bahagya pang kumindat sa asawa kaya yan tuloy at nakatikim ito ng sapak sa asawa.
Humahagikhik naman ang dalawang bata habang nanunuod sa bangayan ng mag - asawa.
Ah, aleng Tesa ako na po ang kukuha ng pagkain ko.
Agarang sambit ni Sheena ng makita niya na pati siya ay kukunan ng pagkain nito.
Oh siya, sige sige na iha, kayo ng bahala ni Yna ang bahal kung anong gusto niyong pagkain.
Mabilis namang kumuha ng pagkain ang dalawa at umupo sa gilid.
Habang kumakain ay nag-uusap ang dalawa.
Maiba ako Shee, papasok kaba ngayong pasukan?
Diko alam Yna, masaya ba sa paaralan?
Alam mo masaya sa paaralan Shee, ang dami mong matutunang bagay duon. pero dapat mo ring tandaan na mahirap rin at delikado. Pero wag kang mag- alala Shee, nanduon naman ako. Tutulungan kita.
Ano papasok kaba?
Hindi ko alam Yna, wala pa akong ka alam- alam kung ano ba ang kakayahan ko. Ikaw ba alam mo?
Kuryosadong tanong niya sa kaibigan.
Dahil manggagamot si Ama at ina, malamang isa din akong manggagamot Shee.
At napatunayan ko yun ng kagatin ka ng isang ahas na may lason, na aalala mo ba?
Yung nangingitim na ang mga kamay mo, ngunit ng hawakan ko iyon ay may tila kulay puting lumabas sa kamay ko.
Ah oo, na aalala ko na Yna. Nuong nakaraang buwan yun hindi ba?
Sa bandang silangan yun sa bundok ng Emit, habang nangunguha tayo ng wild berry ay may kumagat sa akin, Mabuti nalang at nanduon ka.
Maraming salamat saiyo Yna.
Naku, walang anuman yun Shee, sobrang tagal na nuon. Balitaan mo ako kung papasok ka ok ba.
Oo naman, Ikaw pa ba.
Sige na kailangan na nating ubusin ang mga pagkaing ito Yna, nang sa gayun ay maipag patuloy na natin ang pagliligo.
Mabilis na kumain ang dalawa at nag pahinga saglit lang. Pagkatapos ay nagbalik na naman sila sa pagliligo sa ilog.