ALTHEA'S POV
Tumingin ako sa estudyanteng tumabi sakin,at nakita kong nakatitig lang sya sakin.Blangko ang ekpresyon ng kanyang mukha kaya diko mabasa ang kanyang iniisip.Si Andrei pala ang katabi ko ngayon.Pinamaywangan ko sya at sabay irap nanaman sa kanya.
"Bakit ka nanaman nandito?Nagpapapansin kaba?.Excuse me ha,pero uulitin ko lang,pwede bang wag kang papansin?.Sinabi ko na sayo na hindi kita magiging boyfriend kahit kailan."mahabang litanya ko.
Pero ang abnormal wala yatang narinig.Nakangisi pa tong lumapit sa kin.Napaatras naman ako dahil sobrang lapit na kami sa isa't-isa.Naaamoy kopa ang kanyang mabangong hininga at kanyang cologne.Ang sarap sa ilong.
"For your information Miss sungit may hinihintay din po ako dito sa shed.For all i know public po ito dahil labas po ito ng school.And i dont care kung ayaw mo akong maging boyfriend.Pero ako gusto kita maging girl friend ."
Magsasalita pa sana ako nang itaas nya ang kanyang isang kamay na parang pinipigilan akong magsalita.
"Hep patapusin mo muna ako.
Ewan koba kung bakit napakasungit mo sakin.Gusto lang naman kitang titigan .Wala.naman akong ginagawang masama sayo.Alam mo napakasungit mo.Hindi ka naman kagandahan."sabay tingin sakin pataas pababa.
"Huh?!Ano daw?.Don't you know that it's un ethical to stare?.Pinatigil mo na nga akong pagsalitain,nanlait kapa!".Makaalis na nga! Che!."
Nagdadabog talaga akong umalis sa harapan nya.Itetext ko nalang si manong na sa may harap nalang ako ng store malapit sa school nya ako sunduin.Naiinis talaga ako sa lalaking yun.Ubod ng hangin.Binabawi kona na gwapo sya.Ekis na ekis talaga sya sakin.
Nasa Poetry Class kami ngayon.Ngayon kasi namin malalaman kung sino ang magiging mga partner namin sa gagawin naming project.Unang nabunot ni teacher ang pangalan ni Sam at sumunod naman ang pareha nito.Laking tuwa ng mga kaibigan ko ng matawag ang pangalan ni Hikkaru.Sana all nalang talaga ako.Natawag pa ang ilang mga pangalan at may kanya-kanya nang kapartner.Bumunot ulit si teacher at tinawag ang pangalang nabunot nito.
"Althea".sabi nito pagkabunot sa pangalan ko.Kinakabahan ako dahil iilan nalang ang mga babaeng natitira sa mga classmates ko.Bumunot ulit si teacher at sinigaw ang pangalan ng kanyang nabunot.
"Partner mo si Althea....Andrei."sabi nito sa pinalidad na boses.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig.Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.Bakit sa dinami-daming pangalan sya pa mabubunot ni ma'am.
Natapos na ang bunutan ng mga kapareha.Ngayon naman ay bubunot ang isa sa amin kung anong project ang gagawin namin.Meron kasing dancing,acting,singing at poem.
Nagturuan pa kami ni Andrei kung sino samin ang pupunta sa harap para bumunot.Pero sa huli ako nalang ang pumunta para bumunot at baka mas maswerte ako sa kanya.Malay ba namin kung mabunot namin ay yung poem eh di mag popoem lang naman kami sa harap.
Pumunta ako sa harap ni teacher at bumunot ng papel.
Habang binubuklat ko ang papel,binabasa ko na rin to para agad kong malaman kung ano ang gagawin namin ni Andrei.Nang mabasa ko ang nakasulat,natulos ako sa kinatatayuan ko.
Pinakita ko kay Andrei kung ano ang nabunot ko. Ang gago parang masaya pa yata na mag aact kami sa harapan.Nangi ngiti sya at sabi pang madali lang yun.Napayes pa ang animal.Pano ba naman kasi ang nabunot ko lang naman ay (Acting..Sleeping beauty).
Nakakairita talaga.Bahala na!.
ALTHEA'S POV
Hapon na,pauwi na ako.Tumawag si daddy sakin para sabihin na hindi daw ako masusundo ng driver dahil nasiraan daw ito sa daan.
Kaya taxi ang peg ko ngayon.Naisipan kong dumaan muna sa mall kaya pumara ako ng taxi.
Dumaan muna ako sa bookstore dahil gusto ko sanang tumingin ng mga pocket books.Baka mayron na new release dun sa mga inaabangan kong novels ng favorite author ko.
Inilibot ko ang tingin ko sa mga taong naghahanap din ng mga libro nang mapadako ang tingin ko sa isang pamilyar na tao.Magkasalubong ang kilay nito habang nakatingin sa binabasang libro.
"Si Andrei".
Hindi ko alam kung anong gagawin ko pero bigla akong kinabahan.Nagtago ako sa likod ng book shelf.Akma akong aalis na ngunit natulos ako sa kinatatayuan ko nang maramdaman kong may humawak sa palapulsuhan ko.
Tumingin ako sa kamay ko na hawak nya at tiningala ito.Halos manlaki ang aking mga mata nang mapagtanto kung sino yun.Si Andrei na magkasalubong ang mga kilay at titig na titig sa mukha ko.Umiwas ako ng tingin dahil diko kayang salubungin ang kanyang mga matang akala mo makatitig ay tagos sa kaluluwa.
"A-andrei?".nauutal kong sabi.
Ngumiti sya sakin at binitawan ang kamay ko."I'm glad alam mo ang pangalan ko."
Tinaasan ko lang sya ng kilay sa sinabi nya.
"Are you avoiding me?."tanong nito na nakakunot ang noo.
"H-hindi ah,bakit naman kita iiwasan."pagkakaila ko.
"Bakit ka nandito?"tanong ko sa kanya.
"Isn't it obvious na i'm looking for a book baby?.We're here in a bookstore if you've being forgetful."
"Oh,you're blushing!."saad pa nito sakin na natatawa.
Medyo nag-iinit ang magkabila kong pisngi ko at hindi ko alam kung dahil ba yun sa tanong kong obvious naman na nasa bookstore kami o dahil sa tinawag nya akong baby.Parang may mga paru-parong nagsisiliparan sa dibdib ko.
"Che!".inirapan ko nalang sya sabay walk out para di masyadong halata ang pagkapahiya ko.
Agad-agad akong lumabas sa mall at pumara ulit ng taxi para makauwi na.
Bakit ba kasi nakita ko nanaman yung buwisit na lalaking yon.Andami-daming pwede nyang puntahan bakit sa bookstore pa kung saan nandoon ako.Di tuloy ako nakapagbasa ng pocketbooks.
"Hay naku!.Kairita talaga".
Pagdating ko sa bahay nadatnan ko sina mommy at daddy na naglilinis ng bahay.Si mommy inuutusan si daddy na magbuhat ng mga sofa at mga kwadro ng painting.May mga katulong naman kami pero napaka hands on talaga ni mommy pagdating sa general cleaning.Nakakapagtaka tuloy dahil alam kong wala naman kaming bisita.
"Hi mommy,Hi daddy."bati ko sa kanila sabay halik sa kanilang pisngi.
"Oh anak nandito kana pala.How's school?"tanong ni mommy.
"Ok naman po mommy.Ano pong meron?"
"Your tito Vince and his family will gonna visit anak tomorrow.Nabalitaan kong stay for good na pala sila dito sa Pilipinas kaya niyaya ko sya dito sa bahay natin at para dito magstay sa week ends".sagot ni daddy.
Si tito Vince ay best friend ni daddy at kasosyo din sa negosyo at ang pagkakaalam ko ay nakabase sila ng family nya sa Italy.
"Ah ganon po ba.Nandito napo pala sila ng family nya."
"Yes anak.kaya magbehave ka ha."biro ni daddy.
Pinandilatan ko ng mata si daddy.Para namang napakapasaway ko dito sa bahay.Napakamot nalang ako sa ulo at umakyat na ng kwarto ko.
Friday ng hapon,busy na ang lahat sa bahay.May nagluluto ng dinner,may naglilinis at kung anu-ano pa.
Ngayom kasi ang dating ng friend at business partner nito.
Pumasok ako sa kusina at nakita ko sina manang na naghahanda ng kanilang mga lulutuin.
"Nasan po sina mommy at daddy manang Carlota?"tanong ko sa mayordoma namin nang napansin kong wala sina mommy at daddy sa loob ng bahay.
"Sinundo daw ang kaibigan nila hija.Ang pagkakaalam ko ay sasabay na ang bisita nila sa pagpunta dito."wika ni manang Carlota.
Napatango nalang ako.
Umakyat nako sa kwarto ko para maligo.Maigi na rin na makapaghanda ako para di naman nakakahiya sa mga bisita nina daddy.Kumuha ako ng isang simpleng blue na bestida na off shoulder at below the knee.Pagkatapos kong maligo,isinuot ko ang napili kong bestida at humarap sa salamin.Nagblow dry ako ng buhok at inayos ang aking sarili.Nag skin care muna ako bago magpahid ng polbo at liptint.
Wala pa naman ang mga bisita nina daddy kaya magbabasa muna ako ng libro habang inaantay sila.Alas sais pa lang naman kaya maaga pa.
Naalimpungatan ako ng marinig ko na may kumakatok sa pintuan.Si manang yun at tinatawag ang pangalan ko.Nakatulog pala ako habang nagbabasa.
"Hija,baba kana daw sabi ng mommy mo."
"Opo andyan na."sagot ko.
Agad akong tumayo sa kama at bumaba ng hagdan.
Nasa sala sina mommy at daddy kasama ang kanilang kaibigan.Pagbaba ko ng hagdan,nakita ko ang isang lalaking nasa mid forties ang edad.Kahit medyo may edad na ito ay mahahalatang gwapo ito nung kabataan pa.Katabi nito ang kanyang asawa na mas bata lang ng kaunti sa kanya.Nakatalikod naman ang isang lalaki na ang hula ko ay ang kanilang anak kaya diko makita ang mukha nito.