"Anjan kana pala anak".Lumingon si mommy sakin habang pababa ako ng hagdan.Nakita kong lahat sila ay lumingon sakin kabilang na ang lalaking anak ng kaibigan nina daddy.
Nanlaki ang mga mata ko pagkakita ko sa anak na lalaki ni tito Vince.
Para akong nakakita ng multo.
Si Andrei.
Sya ang anak ng business partner ni daddy.
Pero paano?
Tumikhim ako.Nagkasalubong ang mga titig namin.Parang hindi mababakasan ng pagkabigla ang mukha ni Andrei.
"Come here Althea hija".sabi ni tita Ana.
"Ang laki na pala ng anak mo Bernard.May dalaga kana pala.At take note,napakagandang dalaga,"dagdag ni tita Ana.
Napakamot naman ako ng batok ko dahil sa sinabi ni Tita Ana.
"Althea anak,sina tito Vince and tita Ana mo nga pala at ang kanilang anak na si Andrei",pagpapakilala ni daddy samin.
Kimi akong ngumiti sa kanila.Hindi ko tumingin kay Andrei na nakatitig nanaman sakin.
Ano bang problema ng lalaking to.Lagi nalang nya akong tinititigan.
"Andrei saan ka nga ba nag-aaral ngayon?".tanong ni mommy.
Tumingin muna sakin si Andrei bago sumagot sa mommy ko.
"Sa St.Luke High po tita".
"Really?,dun din nag-aaral si Althea."namamanghang sabi ni mommy.
"Actually tita classmates po kami ni thea".nakangising sabi ni Andrei.
Ewan ko pero parang ako lang yata ang nakarinig ng pangalang 'thea'.Diko maintindihan ang sarili ko kung bakit parang namumula yata ako sa pagtawag nya sakin ng ganun.
Wala kasing tumatawag sakin ng 'thea',usually ay Althea lang talaga.
"Sya nga?"di rin makapaniwalang sabi ni mommy."Tingnan mo nga naman,parang sign na nga talaga".makahulugang sabi ni mommy at nag apir pa sila ni tita Ana.
Diko naman pinansin ang huling sinabi ni mommy dahil diparin maproseso ng utak ko na si Andrei ay nandito ngayon sa pamamahay namin.
Ang malala pa,magkasama kami sa iisang bahay ng dalawang araw.
O-M-G!
Nasa harap kami ng kainan ngayon kasama ang pamilya ni Andrei.Masayang nag-uusap ang mga parents namin.Samantalang ako parang natatae na sa aking upuan.Nasa harapan ko lang si Andrei na pasulyap-sulyap sakin.
Ang sarap talaga tusukin ng tinidor tong lalaking to.Wala nang ginawa kundi tumingin sakin.Baka may muta na pala ako na hindi ko nalalaman.
Hindi naman ako dating ganito.Kahit sino pang poncio pilato hindi ako nakakaramdam ng pagkailang.
Kay Andrei lang talaga Nag-umpisa ito nung magkasagutan kami sa may shed sa labas ng school.
Nasa labas ako ng terrace at nagpapahangin.Hindi ako nakakain ng maayos kanina kaya nagugutom nanaman ako.Kasalanan to ng Andrei na yun.
Lumabas ako ng kwarto para magpunta sa kusina.Siguro tulog na silang lahat.Mag-aalas dose naman na ng hating-gabi.Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kusina.
Binuksan ko ang ref para tingnan kung may tira ba kaming pagkain kanina.Madami naman kasing niluto sina manang.Nakita ko ang tupperware na may lamang ulam.Tumunog tuloy ang tyan ko.Kumuha ako ng plato at nagsandok ng kanin.
"Nagugutom kaba?".boses ng nasa likod ko.
"Ay palaka!"muntik konang mahulog ang ang hawak-hawak kong tupperware.
"Nasan? wala naman ah."nagtatakang tanong ni Andrei na parang may hinahanap.
"Pwede ba wag kang nanggugulat?".inirapan ko sya at nilagpasan.Nagsimula akong kumain.Diko na talaga alintana na may tao sa kusina kasama ko.Alam kong di ako makakatulog pag nag-inarte pako.
"Bakit gising kapa?"basag ko sa katahimikan.
Kumuha si Andrei ng isang upuan at umupo sa harap ko.Nakatitig lang sya sakin.
"I told you the last time that it's un ethical to stare."irap ko nanaman sa kanya.
"Hindi ko mapigilan eh".
"Wag mo nga akong pinagti tripan Andrei Montemayor".walang emosyong sabi ko.
"Hindi kana nakakatuwa."
"Hindi naman kita pinagtitripan ah.I'm fuckin' serious.
I'm serious when i said that i wanna be your future husband.".tumingin sya sakin na nakangisi kaya nananadya talaga ang lalaking to.
I rolled my eyes and continue eating.
Baka di ako matunawan sa pinagsasabi ng mokong na to.
"Can i court you thea?".
Nanlaki ang mga mata ko at napalingon sa kanya.
"What???"
Halos mabitawan ko ang kutsara't tinidor na hawak ko sa sobrang gulat.
"I said can i court you?."ngumiti sya sakin at nagpuppy eyes pa ang loko.
"No!.wag mo nga akong pinaglololoko Andrei.Bakit mo naman ako liligawan?",nakapamaywang kong tanong sa kanya.
"because i like you".sabay kindat sakin.
Napaubo ako bigla dahil nabilaukan yata ako sa sinabi ng gago.
Agad tumayo si Andrei para kumuha ng isang basong tubig.Iniabot nya sakin ito at agad ko naman yung ininom.
"Are you okay?"nag-aalalang tanong niya sakin.
"Sino bang hindi magugulat sa sinabi mo.Seryoso kaba?"pinanlakihan ko sya ng mata.
Napatawa naman ang lalaki at nagkakamot ng batok.
"Yeah,i guess."
"Ayoko nga!" mataray kong sabi sa kanya."Maghanap ka nalang ng iba.dahil di kita type noh!.duh?."pagmamaldita ko.
"Bakit naman.guapo naman ako,mayaman,matalino,popular,malakas ang s*x appeal."
"Ang kapal mo ha".natatawang sabi ko.Namumula na yata ang pisngi ko sa kakatawa.
Titig na titig naman sakin si Andrei.
"May nagsabi na ba sayo na lalo kang gumaganda pag nakatawa."sabay haplos sa mukha ko."I think i dont just like you,but i'm beginning to feel crazy about you".
"Uhm".
Magsasalita pa sana ako nang bigla na lang nya akong hinalikan sa labi.
Shit na malagkit.that's my first kiss!.
Saglit lang ang halik na yun pero parang huminto yata ang mundo ko.
Pinamulahan ako ng mukha sa ginawa nya.Nag-iwas ako ng tingin sa kanya.Parang diko yata kayang salubungin ang kanyang mga mata.
Dali-dali kong nilagay ang mga pinagkainan ko sa lababo.Diko na hinugasan ang mga yun dahil gusto konang tumakbo palabas ng kusina.
Halos takbuhin ko ang hagdan paakyat ng kwarto ko.
Pumasok ako sa loob ng kwarto na hawak-hawak ko ang aking dibdib dahil parang lalabas na ang puso ko.Why am i feeling this?Ang lakas ng t***k ng puso ko.Napa hawak dn ako sa labi ko.Iba talaga ang epekto sakin ni Andrei.
Kinabukasan para akong pandang sabog.May dark circles ang mga mata ko tanda na hindi ako nakatulog magdamag.Naghilamos ako at nag toothbrush.Nagskin care lang ako at pagkatapos ay lumabas na ng kwarto.Ayoko sanang lumabas dahil for sure ay makikita ko lang ang asungot na si Andrei.Kasalanan talaga nya kaya di ako nakatulog kagabi.Kasalanan ng malambot na lips nya.
Pagkakababa ko sa sala ay may naririnig akong mga boses.Nasa kusina ang mga to kaya alam kong sina mommy daddy tita at tito yun.
Pumasok ako sa kusina.Hindi nga ako nagkamali dahil nandun nga sila at kumakain na ng agahan.
"Hi mommy,hi daddy.Hi tita,hi tito."Good morning po."nagbeso-beso pako sa kanila.
"Good morning hija.How's your sleep?".tanong ni mommy sakin.
"Ok naman po mommy."sabi ko nalang at humila ng isang upuan.
Tumingin ako sa harapan ko at nakita si Andrei na napakalaki ng ngiti.
"Bakit parang di ka yata nakatulog anak."sabi ni mommy."Look at your dark circles."natatawa pa nyang sinabi.
"Pareho nga kau ni Andrei eh.Parang panda din ang anak ko." sabi ni tita Ana.
Tiningnan ko naman si Andrei na nagkakamot ng batok.Tulad ko halata ding wala itong tulog.Siguro hindi din ito nakatulog dahil sa nangyari kagabi.
Tumikhim ito.
"Uhm tita tito pwede ko po bang ipagpaalam si Althea?Manonood po sana kami ng sine sa mall."
Nabilaukan ako ng sarili kong laway.
Ano bang iniisip ng lalaking to.As if naman papayag ang mommy at daddy.Ayaw na ayaw kaya nila akong magkaboyfriend.Kahit palapitin sa mga lalaki ay pinagbabawal nila dahil bata pa daw ako at mag-aral muna.Saka na daw ang mga boys pagka graduate.Kaya nga hatid-sundo parin ako ni manong kahit marunong nakong umuwi mag-isa.Napaka over protective nila sakin.Kaya sigurado ako,hindi sila papayag.
"Oo naman hijo.Bakit hindi.Basta wag lang kayong magpapagabi at ingatan mo lang ang unica hija namin."si daddy ang sumagot.
What?? Bakit pakiramdam ko ay pinamimigay na nila ako kay Andrei.Hindi man lang sila nagdalawang -isip bago sumagot.Nalukot tuloy ang mukha ko.
"Thanks po tito,hindi ko po papabayaan si Thea",sabay kindat sakin.
Inirapan ko naman ito.Pinandilatan ko ito ng mata.Ang lakas ng loob kumindat sakin habang nakaharap ang mga parents namin.The nerve of this guy!